Chapter 2-Winston

48 5 4
                                    

Chapter 2- Winston (WTMA)

Xyrish's POV

"Patay na sya.."

(End of flasback)

Patay? Hindi ako naniniwala. Kung totong patay na si hubby, bakit hindi ko manlang nakita ni anino ng bangkay nya?

Kung patay na sya, bakit hindi nila ako pinayagan makita sya?

Kung patay na sya, bakit? Bakit hindi manlang nila ko hinayaan makasama sya kahit sa huling burol nya?

Kung patay na sya?

"Ba-bakit? A-ang sa-sakit sakit pa-parin?"

Wala kong pakielam kahit pinagtitinginan nila kong lahat. Sanay na ko. Ano pang silbi ng lahat kung wala na sya?

Nasan ka na ba talaga hubby? Kung san san nakita hinanap. Lahat sila ang pinaniniwalaan patay ka na. Pero hindi ako.

Ramdam ko na buhay ka pa. Alam ko na Magkikita pa tayo ulit.

Haaaaay.

"2 taon na, pero heto parin ako. U-uma-asa na ba-balik ka. Bumalik ka na please? Nahihirapan na ko."

Unti unting bumibigat yung mga mata ko. Hanggang sa....

"Hubby...."

------------

Prince's POV

"Cannot be reach pa den?! AAAAAAAHHH!"

sa inis ko binalibag ko yung cellphone ko.

Kanina ko pa tinatawagan si xy, pero wala manlang sinagot kahit isa.

"AISH! Nasan ka na ba xy? Alalang-alala na kami sayo! Humanda ka talaga sakin pagnakita kita!"

Inis kong sinabunutan yung buhok ko.

2taon na simula nung mamatay sya, pero ganon parin si xy. Simula nga nung nawala si kiel, kung san san nanamin sya nakikita. Minsan sa gilid ng kalsada nakayuko, umiiyak. Minsan naman sa mga puno sa likod ng school. Minsan buong araw lang syang nakakulong sa kwarto nya. Walang kinakain. Walang iniinom. Kaya nga nung minsan nadala namin sya sa hospital. Pano nakita namin uminom ng sleeping pills.

Lahat kami nahihirapan na pag nakikita namin syang nagkakaganon.

Wala na.

Wala na yung dating xy.

Nagbago na sya.

Kung dati kahit mga nonsense lang, ginagawa nya pang bigdeal. Ngayon, madalang pa sa patak ng ulan kung magsalita sya.

"Namimiss ko na kapag sinasabihan mo ko ng gwapo. Namimiss ko na lahat."

Kung may isa mang hindi nagbago kay xy.

Yun ay yung.

Mahal na mahal nya parin talaga si kiel.

Kung hindi lang sana sya namatay. Kung hindi lang sana nya iniwan si xy.

"Prince?" tawag sakin ni nanay.

"Nay? Hindi ko po alam kung nasan nanaman si xy. Teka po, hahanapin ko lang po sya." Nag-aalala kong sabi.

Dali dali kong kinuha yung susi ng bigbike ko.

Pahalik na sana ko sa pisngi ng maganda kong nanay na nagmana sa kagwapuhan ko nung ngumiti sya sakin.

"Prince anak. Alam ko kung nasan si xy. May kutob ako na nandon lang sya buong maghapon." Mahinahon nyang sabi.

Napatitig naman ako sakanya.

"When They Meet Again"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon