Page 8

290 12 5
                                    

BEA'S POV

Noong nakita kong tumulo ang luha ni Jia, hinila ko agad sya patungo sa kwarto namin nila Jho, ang sakit makita na nasasaktan nanaman sya, na wala manlang akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.

Niyakap ko nalang sya dahil alam kong ito ang kailangan nya ngayon. Naramdaman ko naman ang pag yakap nya sa bewang ko.

Ramdam ko ang malakas na pag galaw ng balikat nya dahil sa pag iyak. Sobra parin pala talaga syang nasasaktan kapag my patungkol kay Capt syang nalalaman.

"May kakayahan nga ako pero hindi ko naman magamit para mapasaya ang taong mahal ko!" Inis kong sabi.

Dahil sa lalim ng aking iniisip hindi ko naman napansin na naalis na pala ang pag kakayakap nya sa bewang ko. Marahil ay nakatulog na sya.

Dahan dahan ko syang binuhat at inihiga sa kama ko. Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha nya.

Pansin na pansin ang pamamaga ng singkit na mata nya pero cute parin tignan.

Pinunasan ko ang natitirang luha sa gilid ng kanyang mata. I breath deeply ng my makita nanaman akong luha sa kanyang mata.

"Jia naman ee tulog ka na nga nagagawa mo parin umiyak at masaktan. nakakapraning ka"

Kinumutan ko na sya at umupo tabi nya.

"Jia wag kang mag alala. Hanggang andito ako hindi kita hahayaan masaktan" Sinabi ko ito dahil ito talaga ang gagawin ko.

Tumayo na ako at hinalikan ang kanyang noo.

"OMG! Bea score yun ah?"

Nagulat ako ng my mag salita sa likod ko. Nilingon ko ito dahil ang ingay nya.

"Ssssh Jho, wag ka ngang maingay baka magising si Jia" Sambit ko dito.

"Wow beh dumadamoves ka na ngayon? Kailan ka pa nagka ron ng lakas ng loob?" Tanong nya

"Ngayon lang, di ba obvious? Ngayon ko lang sya nilapitan" Mataray kong sagot sa kanya.

Si Jho ay bestfriend ko matagal na nyang alam na mahal na mahal ko si Jia. Pati ang lihim na pinaka iingatan ko alam nya.

"Naka score ko lang kay Jia nag sungit ka na. Ikaw naman kasi beh kung dati mo pa sya pinormahan edi sana hindi na nasasktan yang mahal mo"

Natahimik nalang ako dahil tama naman ang sinabi ni Jho wala akong lakas ng loob na lapitan si Jia noon. Pero may mas malalim na dahilan ako kaya hindi ko sya magawang lapitan noon.

"Jho alam mo naman hindi pwedi di ba? Isang malaking pag kakamali iyon! Ayokong Mawala ako sa tabi nya" Sagot ko nalang sa kanya.

"Pero Bei kaya mo parin ba na makita syang araw araw nasasaktan? Alam natin lahat lalo ka na, na hindi parin sya nakaka move on kay ate Ly. paano sya mag sisimula kung walang taong handa umalalay sa kanya?" Paliwanag ni Jho

Huminga muna sya bago nag patuloy sa kanyang sasabihin.

"Bei i know you well, Wag mong labanan ang nararamdaman mo. Wag kang matakot sa mga consequences na darating oras na hindi mo magawa ang dapat! You love her right?"

Tumango nalang ako.

"Yun naman pala e. Wag mong hayaan na nasasaktan sya. Just take care of her, ipakita at iparamdam mo sa kanya na handa mo syang mahalin at pag silbihan. Bei you deserve to be happy and she need to be loved by you"

Sa sinabing ito ni Jho natauhan ako. Andami kong sinayang na oras at panahon para samin ni Jia.

Lumapit ako sa bestfriend ko at niyakap sya ng sobrang higpit.

"Thanks bestfriend! Akalain mo yon gumagana naman pala yang utak mo sa mga ganitong bagay ang akala ko puro pag kain lang ang laman ng utak mo"

"Ikaw ba naman wala kang tiwala sa bestfriend mo henyo kaya to" Sagot nya.

Natawa nalang ako sa kanya.

"Sige na henyo ka na" Sagot ko nalang.

"Tama na yakap mahigpit masyado baka nakakalimutan mo hindi ka po normal" Reklamo nya

"Grabe ka normal naman ako ah? May nagagawa lang ako na hindi nyo kayang gawin" Depensa ko.

"Whatever beh. Sige na si Jia nalang dito sa room ako nalang ang matutulog sa room nila ni ate Den ako na ang bahala mag paliwanag sa kanya. Ikaw na bahala kay Jia wag masyado mabilis Beatriz hindi ka pa nanliligaw Haha"

"Shut up Jhoanna! Sige na alis na"

Hay napaka baliw talaga ng babaeng to grabe talag ang isip masyadong henyo Hahaha.

"Ganyan ka na porket masosolo mo lang si Jia pinapalayas mo na ako. Atat lang Beatriz?"

"Kapag hindi ka pa lumabas Jhoanna sinasabi ko sayo wala kang supply ng lunch sa loob ng 3 Months. " Pananakot ko. Pero syempre joke lang yon Haha

"Eto na ho lumalakad na ako patungo sa pinto pinipihit ko na po ang doorknob binubuksan ko na ang pinto nakalabas na ako ikaw na ang mag sara beh goodnight"

Natawa nalang ako sa kalokahan ng bestfriend ko. Isinarado ko na ang pinto at dahil hindi daw dito matutulog si Tey inilock ko na ito.

Hindi ko na pinatay ang ilaw dahil alam kong mas gusto ni Jia ng bukas ang ilaw kapag natutulog.

Dahil si Jia ang natutulog sa bed ko doon ako sa bed ni Jho. Pero bago ako mahiga pinuntahan ko muna si Jia.

"Ito ang first time ko na makakasama kang matulog sa isang kwarto lang ang sarap pala sa feeling. Excited na akong sumikat ang araw dahil alam ko na sa pag mulat ng mata ko ikaw agad ang makikita ko"

Hindi ko na maexplain pa kung gaano ako kasaya na kasama ko si Jia.

"Goodnight princess bukas sisimulan ko na ang dapat simulan wala na akong pakielam kung ang kapalit ng mga gagawin ko para sayo ay ang pag kuha ng Goddess namin sa buhay ko" Sabi ko at hinalikan sya bago ako pumunta sa bed ni Jho.

Nahiga na ako at ibinaling ang aking posisyon sa side kung nasaan si Jia.

Naka titig lang ako sa kanya habang nakangiti at hindi ko na napansin unti unti na pala akong nakatulog.

Awit Ni Jia (JiBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon