Page 11

234 4 1
                                    

Jia's POV

"Wow" Yan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko mula ng makarating kami ni Bea sa lugar na ito.

Andito kami sa isang mataas na parte ng kabundukan. Sa sobrang taas nga nito tila kaya ko ng hawakan ang ulap.

Masyado akong namangha dahil napapalibutan kami ng mga nag lalakihang kabundukan at sa paanan naman nito matatanaw mo ang isang kulay asul na lawa.

Pakiramdam ko parang ngayon lang ako pinanganak dahil sa magandang tanawin na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

Pumikit ako at idinipa ko ang aking mga braso upang maramdaman ang masarap na simoy ng hangin.

Nakakarelax ang sariwang hangin dito pakiramdam ko nga tinatangay nito ang mga pagod, puyat at ang sakit na nararamdaman ko.

"Nagustuhan mo ba rito?" Tanong nya.

Hindi ko man sya kita dahil nakapikit ako alam kong naka ngiti sya habang tinatanong ako.

"Oo Bei, sobra kong nagustuhan dito. Masyadong breath taking ang lugar na ito" Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Dito sa lugar na ito walang taong makakakita na nasasaktan ka. Walang taong makakarinig ng mga sigaw mo. Pwedi mong gawin lahat dito. Mag wala ka, sumigaw ka, umiyak ka. Lahat ng yan pwedi mong gawin Jia, dito sa lugar na ito na kung saan tayo lang ang nakakaalam"

Bigla akong napamulat ng mata sa sinabing iyon ni Bea. Lumapit sya sa akin at pinunasan ang luha sa mata ko gamit ang kanyang hinlalaki.

Umiiyak nanaman pala ako.

"Sige na Jia gawin mo na lahat ng gusto mong gawin. Mga puno, ibon at kabundukan lang ang makakarinig sayo. Isipin mo nalang wala ako dito." Sabi nya at nginitian ako.

Agad naman syang lumayo sakin. Hindi ko na sya nilingon at sinimulan ko na ng dapat kong gawin.

"ALYS...SA VAL...DEZ!" Pag sisimula ko.

Hindi ko parin kayang banggitin ng diretso ang pangalan nya.

"Ang sakit sakit parin! Lahat ng mga bagay na may patungkol sayo, nakakasakit parin sa akin! Ultimo mo nga pagbigkas ko ng buong pangalan mo hindi ko parin magawa ng tama eh"

Huminto muna ako dahil pinabayaan ko muna ang mga luha kong umagos ng umagos. Pakiramdam ko din na nawawalan ng pwersa ang aking tuhod, siguro dahil ito sa pag iyak ko.

"Ramdam na ramdam ko parin ang sakit, na parang kahapon lang tayo nag hiwalay" Pag sisimula kong muli.

"Oo alam kong ako nalang ang kumakapit at umaasa na magiging tayo pa! Paano ba naman ako hindi aasa eh iniwan mo ako ng biglaan! Parang wala lang sayo ang dalawang taon na pinag samahan natin!" Huminto muna ako muli para huminga ng malalim.

"Diba ang saya pa natin nung umalis ka? Ang saya pa natin nung huli mo akong nakausap. Ramdam na ramdam ko ang pag mamahal mo non kahit ang layo mo sakin! Pero ano? Bakit mo ako iniwan mag isa? Tapos nalaman ko nalang na kayo na ni ate Den? Ang dami kong tanong na hanggang ngayon wala pang kasagutan" Tuloy tuloy kong sabi na tila ba ay nasaharapan ko lang sya.

"Gusto ko ng makawala sa nakaraan na paulit ulit kong kinakalimutan! Ayoko na ng ganito Alys..sa! Pagod na akong mahalin ka"

Pumikit ako upang maramdaman ang hangin na pakiramdam ko ay yumayakap sa akin. Ang sarap, ang gaan sa pakiramdam ng hangin dito.

Para akong tinatangay sa kawalan kung saan kaya nyang hilumin ang sugat na nasa puso ko

Ang drama mo kasi Jia kaya ayan nahiya sayo ang hangin at dinamayan ka. Sagot naman ng nakasimangot kong subconcious

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Awit Ni Jia (JiBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon