Unloved (One shot)

37 5 3
                                    


Nakakasabik balikan ang mga panahong kasama kita,
Nakakasabik balikan ang mga panahong nandito ka lang sa tabi ko,
At mas nasasabik akong balikan yung araw na sinabi mong mahal mo ako.
Ngunit sa isang iglap , dumampi nanaman sa aking isipan ang mga ala-alang ayaw ko ng balikan.
Naalala ko nanaman ang sakit na dulot ng pagmamahal.
Pagmamahal na sumira at dumurog sa puso ko, mahal.
Mahal kita .
Naniwala akong mahal mo nga talaga ako.
Naniwala ako na totoo ang nararamdaman mo.
Ito na ang huling luha na papatak sa mga mata ko.
Hinding hindi ko na hahayaang masayang pa ang bawat butil nito.
Ayoko nang alalahanin pa ang sakit na dulot mo.

Kakalimutan na kita at iibig muli ako..

(PACO'S POV)
*krrriinggg*kriiinng- Tunog na naging dahilan ng aking pagkakagising mula sa aking mahimbing na pagtulog.
Agad kong pinatahimik ang alarm clock ko na kanina pa putak ng putak .
Pagkatapos ng mga pangyayari di ko namalayang hawak ko na ang cellphone ko at akmang magta-type ng message . Napahinto ako , sabay sa tunog ng orasan ang pagpintig ng puso ko . Para bang may kailangan akong gawin. Bigla na lang nag iba ang mood ko,... Naalala ko nanaman siya .
Nakagawian ko na kasi ang magsend ng message sa kanya pagkagising ko .

Mahirap ng baguhin ang mga nakasanayan na.
Tila may kulang kapag gumising ka sa umaga.
Nalala ko nanaman yung mga panahong pinapadalhan kita ng mensahe tuwing gigising sa umaga.
Ni minsan hindi ko nakalimutang padalhan ka ng mga mensaheng pinuno ng aking pagmamahal.
Kahit hindi pa nakakapag almusal, ayos lang .
Kahit hindi mo sagutin ang mga mensahe ko ayos lang
Pero habang tumatagal , hindi ko na nagugustuhan.
Nagsasawa na akong maghintay sa kung ano ang isasagot mo sa bawat mensaheng pinapadala ko.
Nagawa kong mag imbento ng kung ano anong palusot kung bakit hindi ka manlang sumasagot.
Ngunit napagtanto ko na senyales na ito,
Senyales na kung saan naglolokohan lang tayo,
Senyales na ako lang ang lumalaban sa pagibig na ito.
Pero tandaan mo to .
Sasanayin ko na ang sarili ko,
Sasanayin ko pa ang sarili kong hindi na kita muli pang malala
Tandaan mo ito
Makakalimutan din kita .





T

anghali na, kailangan ko ng maghanda at magisip ng panibagong mga linya para sa trabaho ko.
Habang humihigop ng kape sinusubukan kong mag isip ng mga linya na papatok sa mga manonood sakin mamaya . Sa bawat pag higop ay natutulala ako sa malayo , may ibang pumapasok sa isip ko . Ewan ko ba , pero bakit hindi ito maalis .
SHOCKS! nalala ko nama siya . Bakit ba naman kasi sa bawat tingin ko  naalala ko siya.

Sa bawat paghigop ng kape naalala ko tayo.
Tayo na sa una mainit pa pero habang tumatagal nanlalamig na.
Ako yung tipo ng kape na nasobrahan sa asukal,
Madalas akong sweet pero parang naumay ka na yata kaya iniwan mo na lang ako ng basta basta.
Alam mo naisip kong painumin ka ng matapang na kape eh ,
Para naman matutunan mo rin namang ipaglaban ang relasyon natin.
Pero hindi na kaylangan.
Salamat sa mainit na kape at nagising na ako sa katotohanan.
Sa katotohanan na isa lamang itong kalokohan.
Sawang sawa na akong hulihin ang tamang timpla mo .
Dahil napagtanto kong mali ng ipaglaban to.
Nasobrahan na yata ako sa matapang na kape .
Simula ngayon hindi na ako iinom ng kape .
Sawa na akong magisa na lumalaban.
Pero salamat sa mainit na kape ,
Nagising ako sa katotohanang makakalimutan din kita.






Spoken words poetry ang buhay ko .Masaya akong magbitiw ng mga matatamis na linya na tumatagos hanggang buto. Pero ang lahat ay biglang nagbago. Simula ng iniwan niya ako puro mapapait na mga salita na lamang ang naisusumbat ko sa bawat gabi na magtatanghal ako.
Narito ako ngayon , sa harap ng maraming tao.
Sinusubukang magbitiw ng mga linyang tatagos hanggang buto.
Puro mga hinanakit nanaman ang naisumbat ko.
Sa kalagitnaan ng pagtatanghal ko nakaramdam ako ng ginhawa at ng pagmamahal.



Sa bawat pagtatapos
May napipintong pagsisimula.
Nasaktan na ng minsan
Ngunit pinipilit na lumban pa.
Hindi pa hili ang lahat
May taong nakalaan lamang
Para sakin,
Hindi ko alam pero muli akong nabuhayan ng loob.
Maglalakas loob na umibig muli,
At tila hindi natatakot masaktan muli.
Ang makahanap ng muling mamahalin
Ay isang sugal.
Sugal na alam kong kaunti lamang ang tiyansa na mananalo ako.
Pero susubukan kong muling umibig.
Ngayon , nakasisiguro na akong makakalimutan na kita .
Makakalimutan ko na ang pait na dulot ng impostor na pagmamahal.
Nataakot ako ngunit susubukan ko.
Susubukan kong hilumin ang puso kong sugatan ng dahil sayo.
Alam kong siya ang makatutulong para muling ayusin ito.
Masaya akong isa ka nalang sa mga bangungot ng nakaraan ko.
Alam kong makakalimutan din kita.
Kakalimutan at ibibig akong muli.





May isang babae ang pumukaw ng aking atensyon. Napahinto ako sa aking pagsasalita at muli akong nabuhayan . Ang mga mapapait na mga salita ay bigla na lang naging tila mabubulaklak.
I think i fall in love again.

Dinala ako ng aking mga paa sa kinatatayuan niya.
" oh, Hi . i'm Paco, and you are?" -tanong ko.
"Ako si.. Ako si Leah" sagot niya.

Ito na ang simula
Iibig akong muli
At kakalimutan ko
Na siya.

-end-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlove (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon