Chapter one

5 0 0
                                    

Alex's POV

Kung binabasa mo ung storya ng buhay ko baka ma-bored ka lang kasi wala ka naman mapupulot na magandang lesson. Boring kasi ung buhay ko, iba ako sa mga taong ka-age ko. Kung sila nagpaparty lang, ako nakatunganga sa kwarto ko. Kung sila masaya ako hindi. Ung parang ako ung opposite, kung sa laro ako ung glitch, ung parang ganon basta ang hirap iexplain ng buhay ko. Kaya minsan nagkukulong ako sa kwarto ko. Ang ginagawa ko lang ay matulog, kumain, pumasok sa school ko, makinig sa guro ko, umuwi kaagad, magkukulong sa kwarto, gagawin ko ung projects or assignments ko(kung meron man), at maglaro ng mga computer games(LoL, GTA V, or kahit anong online games), manood ng anime. Yan lang minsan pag wala talaga akong magawa magbabasa ako ng manga or mga libro.

"Lex!!" Biglang may sumigaw habang nakaupo ako sa rooftop ng school lunch time kasi dito ako madalas tumambay. Hindi ko siya pinansin, tinuloy ko na lang ung pagbabasa ko ng libro. Yung libro na tunkol sa isang buhay ng taong laging talo sa lahat ng bagay. Sa pagibig man o kahit saan.

May lumapit sakin at kinuha ung libro na binabasa ko. Tumingin ako dun sa kumuha ng manga na binabasa ko, nang bigla siyang tumakbo papalayo sakin. Hinabol ko ung babaeng kumuha ng libro ko, nang bigla siyang natisod at nadapa. Lumapit ako para tulungan siya at kunin ung libro ko. Siya si Chloe alvarez 3rd year high school, classmate ko.

"Ayos ka lang chloe? Bat mo pa kasi kinuha ung libro na binabasa ko? Yan tuloy nadapa ka" sinabi ko sakanya habang pinapagpag niya ung palda nya.

"Ikaw kasi eh hindi ka namamansin" natulala lang ako nung sinabi niya yan. Para bang nawala ako sa riyalidad.

Kinuha ko ung libro ko at bumaba na sa rooftop papunta sa comfort room. Nghilamos ako at pinunasan ang mukha kong basang basa ng tubig. Tumingin ako sa salamin ng comfort room. Tinitigan ko ang sarili ko habang may luhang pumatak sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba na may tao pala na gusto akong pasayahin o lumalabas nanaman ang aking kalungkutan na mistulang aking tinatago kasi ayokong malaman ng ibang tao na nasasaktan ako. Tinignan ko ung cellphone ko para tignan ung oras.. 3:30 p.m. na pala!! Late na ako sa klase ng 10 minutes. Nagmadali akong pumasok ng classroom ko. Buti na lang wala pa si ma'am.

4:00 P.M. na wala pa din si ma'am, tapos may biglang pumasok na teacher sa classroom namin para sabihin na absent si ma'am. Kaya pinauwi kaagad kami.

Pumunta ako ng locker ko para ilagay ang ang mga dalang libro. Pinasok ko lahat ng librong dala ko at nilock ang locker at umalis na ng school. Pagkauwi ko diretsyo kagad ng kwarto para magbihis at magkulong. Binuksan ko ung ilaw at umupo sa study table ko para gawin ang mga assignments. Nung natapos ko na lahat ng assignments ko, umupo ako sa kama ko, nakatulala nanaman ako, para bang may gusto akong gawin pero hindi ko alam, tinignan ko ung cellphone ko paa tignan kung anong oras na, 8:32 P.M. na pala kailangan ko nang kumain. Umalis ako sa kwarto at pumunta sa kusina para kumain. Kanin, ulam, at tubig. Magisa nanaman akong  kumakain, nguya at paglunok lang ang taning ginagawa ko. Masmasaya sana kung may kasama ka kahit kaunti lang ung pagkain na sasaluhan niyo. Yung hindi lang nakakabusog ng tiyan, pati narin ng puso. Bumalik ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama, pero dumalaw nanaman ang kalungkutan. Hindi ko alam kung anong ang dahilan kung bakit gusto ko ng kausap, gusto ko ng karamay, gusto ko ng kayakap.. Ang bigat sa pakiramdam.. Pero parang gusto kong magkape. Umalis ulit ako ng kwarto ko at pumunta ulit sa kusina para gumawa ng kape. Mainit na tubig, baso at kape. Yan ang dahilan kung bakit ako saksi sa paglipas ng panahon. Kasama ko yan sa lahat ng panlalamig.

"Ang pait" bumulong ako sa sarili ko. Nahulog bigla ung kutsarang ginamit ko sa pag kuha ng kape at paghalo. Pinulot ko ito at nakita ko si mama nakatayo sa lamesa.

"Anong bang ginagawa mo anak?" Sabi ni mama
"Nagtitimpla lng po ng kape, pero ang pait eh para bang may kulang." Sinabi ko sa mama ko habang nakayuko

"Anak, kulang ung tinimpla mong kape sa asukal" sinabi ni mama gamit ang malambing nyang boses.

Tama nga naman si mama, kulang yung tinimpla kong kape ng asukal. Kasi minsan sa buhay ng tao kailangan din ng tamis sa buhay nila hindi lang puro pait.

"Ma, salamat ah kung wala ka hindi ko mare-realize na kulang pala ako sa tamis" inubos ko ang kape ko at niyakap si mama sabay pumunta na ako sa kwarto ko. Madilim at tahimik, yung tanging electric fan lang yung maririning mo. Nakatitig nanaman ako sa kawala, parang dati na nakatitig lang ako sa mundo ko, tinitignan kung paano ito masira. Kung paano ito gumuho, at anong ginawa ko? Wala. Wala naman kasi akong pwedeng gawin eh, kailangan ko na lang na tanggapin na nasira na ang mundo ko. Dahil sa isang babae na minsan ko nang minahal at minahal niya din ako. Pero iniwan din naman sa huli. Pinikit ko na ang ang mga mata, at sinimulang matulog.

End of chapter one
===========================
Hey Jensan here 😁 sorry kung hindi ko pa nauupdate yung isa kong story yung "my love forever" (Wala kasing forever 😂😂 Bitter eh no?! Joke lang) nawala kasi sa isipan ko ung mang yayari tsaka wala rin akong inspirasyon para ituloy un. Pero promise ko itutuloy ko talaga to. Pero sa ngayon eto muna ahaha. Next week saturday ko na iuupdate yung chapter 2 neto. Busy kasi masyado eh so yan lang ang masasabi ko for now.

Bestfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon