Poser: Bernardo Villaroman // Friend: Alexandria Meneses

4 0 0
                                    

Bernardo:

"Alex! Tawag!"

Ang kaibigan kong beki na si Bernardo ang nagtext. Hindi na bago para saakin ito dahil sa tuwing ganito ang itetext niya, alam ko nang may ipapakausap siya saaking lalaki. Tatanungin ko muna siya kung ano ba ang dapat sabihin. At maghihintay lamang ako ng ilang sandali ng tawag niya, at kapag sinagot ko na ito ay maghihintay akong muli para maikonekta ang tawag sa lalaking aking kakausapin. Conference, sa madaling salita. Sa ganitong paraan, hindi maaaring magsalita ang kaibigan ko habang ako ay nakikipag usap. Maaari lamang siyang makinig ng aming usapan.

Ako:

"Sige, ano ba ang sasabihin?"

Bernardo:

"Camilla Punsalan. 18 years old. Pasig City nakatira. PUP nag aaral. Ikaw na ang bahala. Babe ang tawagan niyo."

Kapag sinabi niyang ako na ang bahala, ako na talaga ang bahalang umembento ng mga bagay bagay na maaaring itanong ng lalaki. Ang mahirap lang dito ay kung itatanong kung saan banda ang bahay niyo at kung saan malapit. Dahil nga ako ay taga probinsiya, hindi ko alam kung ano ang mga lugar na malapit dito. Kaya kapag nangyari iyon, maaaring ibahin ko ang usapan o hindi naman kaya'y hahayaan kong magsabi siya ng mga lugar. Sa pamamagitan non, makakaligtas ako sa tanong niya.

"Hello?" Anang lalaking nasa kabilang linya.

"Hi!" Ipit na ipit at pademure kong boses dahil sa kagustuhan kong iayon ang boses ko sa itsura ng babaeng pinoposer ng kaibigan ko. Dahil aaminin ko na mala-lalaki ang boses ko kung nagsasalita.

"Hello, Babe?" Halatang kinikilig ang lalaki sa tono ng kaniyang pananalita. Natawa ako.

"Hi, Babe! Kamusta?" Kahit alam kong magkatext lang sila kanina ng kaibigan ko ay kailangan kong itanong ito.

"Ayos lang ako, medyo pagod. Ikaw babe?"

"Okay lang babe. Kumain ka na ba?" Tanong ko habang malikot na inaayos ang aking unan para hindi ako marinig ng Nanay ko na may kausap.

"Oo, babe. Katatapos lang. Ikaw ba?" May tuwa sa tono ng pananalita ng lalaki. Siguro ay sawakas narinig na niya ang boses ng babaeng nakakachat at nakakatext lang niya noong una.

Wala kaming masyadong pinag usapan dahil hindi ako interesadong makipag usap pa ng matagal.

Highschool simula nang mag umpisang gumawa ang kaibigan ko ng Fake Account sa Social Media. Pero nang mga panahong iyon ay hindi pa ako ginagamit ng kaibigan ko para ipakausap sa mga kalandian niya. Noong nag college kami ay may iba nanaman siyang Fake Account. And this time, dumadalas ang pakikipag usap ko sa mga lalaki. May mga pagkakataong katatapos ko lang kausapin ang isa ay may kasunod nanaman. Usually, kapag may kachat ang kaibigan ko, nanghihingi ng kasalukuyang picture which is hindi niya maibibigay dahil hindi nga naman siya ito. Minsan, kukuha nalang siya ng picture sa mga accounts nung babae sa social media at sasabihing "Kanina lang iyan" Minsan ay papalusutan niya at sasabihing "Tinatamad ako mag picture" Hindi ko nga alam kung bakit may mga lalaking nagtatagal sa paulit ulit niyang palusot.

Kinaumagahan ay balik sa normal ang araw ko. May pagkakataong nagtetext at tumatawag ang kaibigan ko pero hindi ko nasasagot dahil mas marami pa akong dapat na unahin bago ang panloloko.

Bernardo:

"Alex! Mag join daw si Mika later. Bet lang?"
(Alex! Sasama daw si Mika mamaya. Gusto mo ba?)

Ako:

"Wa nalang akis mag join ching."
(Hindi nalang ako sasama kung ganon)

Bernardo:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A Bad ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon