(Oneshot)

501 5 1
                                    

So.... okay. First story ko po ito na ipupublish sa wattpad. Hope you'll like it. 😀
.............................~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Zaniel's POV

Naglalakad ako papunta sa classroom ng nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nabighani muli ako sa kanyang kagandahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ito'y naghuhuramentado ng todo-todo. Walamg ibang babaeng nagpatibok ng puso ko ng ganito kundi siya. Si Kaye.

Ang paghawi niya ng kanyang buhok upang harapin ako ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"A-ah, good morning Kaye!" Nauutal kong bati habang pinipilit na magmukhang normal.

"Hi Zaniel! Good morning din." Bawat pagbigkas niya ng salita ay tinutukan ko habang nakangiti siya.

Natulala ako at 'di nakapagsalita. Natauhan muli ako ng umalis siya. Ano ba?! May kasiyahan nga ngunit panandalihan lang naman. Well, atleast meron.

Naabutan ako nina Alex(babae to) at Beatrice na naglalakad papuntang classroom.

Nagpalitan kami ng mga bati at ibinalita ko sa kanila ang simple naming batian ni Kaye.

"Oh, atleast sumagot at 'di nagsuplada." Sabi ni Trice.

"Oo nga. Buti nga kahit papaano nakapoints ka. Mas mabuti na kaysa wala." Pagsasang ayon ni Alex.

Pumasok na kami ng classroom na magkakasabay habang nag uusap. Nasilayan ko si Jan. Ang katunggali ko kay Kaye.

Unggoy na 'to! Tsinatsansingan na naman niya ang mahal ko.

Nilapitan ko siya upang suwayin siya ngunit binalewala niya lang ito. Pinaki usapan ko ulit siya pero, tinulak ako ng unggoy na ito at may nabunggo pa man rin ako sa aking likod. Bumaling ako sa aking likuran at nakita ko na si Kaye pala ang nabunggo ko. Sh*t. Putoknginamo Jan!!!

Tinampal niya ako sa aking kanang balikat at sinabi niyang, " Ano ba?". Magpapaliwanag pa sana ako ngunit si unggoy nagsalita. "Ikaw kasi eh, papansin ka na naman kay Kaye!"

Aba gag*ng 'to ha?! Ikaw pa itong makapagsalita, wagas!

Inirapan ko siya at nangangambang sumuntok.

"Hoy! Tama na yan Zan!" Tss, referee lang?

Matalim ko paring tinitignan si Jan at binalewala ang sabi ni Alex.

Pinalagpas ko na lang iyon at bumulong na lang ako ng mga malulutong na mura.

Lumipas ng konting oras at nasilayan ko ulit ang babaeng nagpabighani n puso ko. Katabi niya si Juliene, pinsan niya at si Cristine. Tumingin ako sa likuran niya at nakita ko si Alex na sineseniyasan ako na lumapit kay Kaye.

Pumunta ako sa inuupuan ni Alex at sinabi ko sa kanya na umalis muna siya don para makascore ako.

Syempre agad siyang umalis, kase nga po siya ang nagpresenta na magreto sa akin kay Kaye. Pumunta siya sa upuan ni Mark na may dating gusto kay Kaye. Kinausap ni Alex si Mark ukol sa pag kakagusto ko kay Kaye.

"Zaniel" , banggit niya, " kung gusto mong mahalin ka niya , ay alagaan mo yan. Ipadama mo sa kanya na mahal mo siya. Ipadama mo sa kanya na magiging safe siya sayo. Ipapadama mo sa kanya na hinding hindi mo siya lolokohin. Ipadama mo sa kanya na malinis ang intensyon mo sa kanya .Ipadama mo rin na siya ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Ipadama mo na swerte siya at meron ka sa kanya." Wow ha?! Kung maka-advice ay parang may pinagdadaanan.  Papa Jack, statue?

Oo nga noh?

Papaano ko kaya ipadama sa kanya na mahal ko siya? Na safe siya sa akin? Na hinding-hindi ko siya lolokohin? Na pinakamaganda siya sa mundo? Na swerte siya sa akin
Papaano ko kaya maipapadama na mahal ko siya? Na safe siya?

Habang nag iisip ako ay nasilayan ko na umalis si Juliene sa upuan niya. Ok, may chance na ako!! Time to score!!

Pumunta po ako sa upuan ni Juliene. Tinitigan ko siya. Perpekto siya. Simple. Minsan masungit.  Suplada sa lalaki. Pero kahit ganon siya ay mahal ko parin siya.

'Di nagtagal ay bumaling siya sa akin at nginitian ko siya. Palarong inirapan niya ako na may konting ngiti sa labi. Ahh... ang mga labing iyon, ano kaya ang lasa nila?

Juicecolored!! Ayan na naman ang hokage side ko!!

Lumingon ako kina Mark na may binubulong yata kay Alex. Habang bumubulong si Mark kay Alex ay tumingin siya sa akin na naka thumbs up at malapad ang ngiti.

Naka upo parin ako sa tabi ni Kaye nang dumating si Juliene at pinaalis ako. Badtrip naman 'to!!

Papunta sana ako kay Ice ang "asawa" (echosera!! Di nga kayo ah) daw ni Alex, until narinig ko ang sinabi ni Alex kay Kaye.

"Kaye, kung pwede maging close friend mo lang daw si Zan. Kahit yun lang daw sabi niya." Ano daw?!! Hoy babae wala akong sinabing ganyan ha?! "Dahil kahit daw mabasted siya o kahit 'di mo man siya magustuhan ay atleast may masayang memorya siya sayo. "

Pwede nga noh? Malapit na rin kaming magtapos ng highschool, iba iba ang papasukan naming universities at siguradong hindi kami magiging schoolmates ni Kaye. Ateneo siya, ako naman ay sa C.E.U.

Magkakalimutan kami pansamantala, itututok namin ang focus namin sa pag aaral at makakahanap rin kami ng iba naming mamahalin. Masayang mga oras namin lang ang tanging magiging memorya ko sa kanya at ang akin mga damdamin na rin.

"Close naman kami ah. Diba Zaniel?" Bumalingin siya sa akin.

Nagulat ako sa tanong niya pero tumango na lang ako.

Tumingin ako sa bintana at may nabuo na ngiti sa aking labi habang inaalala ko ang mga ginawa ko para sa kanya.

Nagpatulong ako kay Alex na magpagawa nga love letter para kay Kaye. Nagpatulong ako kay Beatrice na ma-solo si Kaye. Nagpapa advice ako kay Mark para sa pagsuyo kay Kaye. Malapit na rin ako na-late dahil sa paghahanap ng bagay na pinapahanap niya noon. Nag alas dyes na nang makauwi rin ako noon dahil nagkasakit si Kaye at tinawagan niya ako upang hiramin ang notes ko(walang green ha?). Hindi niya naintindihan kaya inexplain ko na iyon sa kanya. Mejo mahabahaba kaya natagalan. Napacall parent na rin ako noon dahil may bumastos sa kanya noon.

Lahat ng iyon nagawa ko para kay Kaye at kay Kaye lang. Kasi ang kapag ang isang tao ay  nagmahal, gagawin niya ang lahat para lang sa taong mahal niya.

Bwiset na kupido, kung saan-saang gulo ako napasabak dahil sa pag-ibig na yan.

Just learn to accept the facts even though they are unacceptable.



 (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon