Halos nagsisimula na lahat ng klase sa Santa Monica high school, Lunes, alauna ng hapon. Ang Santa Monica High School ay isa sa pinaka-matatandang gusali sa buong bayan ng Santa Monica. Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng paaralan na naitatag noon pang 1922. Sa loob ng Santa Monica High School compound ay may tatlong mga gusali. Sa bandang kaliwa ay ang Andres Bonifacio building o AB Building, sa gitna naman ang Jose Rizal o JP building, at sa kanan naman ang Manuel Quezion o MQ building. Sa gitna ng tatlong gusali ay ang Santa Monica High School grounds na binubuo ng basketball court, stage, maliliit na benches at parks, at iba pang amenities.
Bago magsimula ang klase araw araw ay puno ang high school grounds ng daang daang mga estudyante. May mga naglalaro ng basketball, may nag aaral sa maliit na park, may nagtatawanan, may naghahabulan. Halos di mahulugang karayom ang high school grounds.
Isang hapon, hingal na hingal si Steve na dumating sa kanyang klase na nasa ikatlong palapag ng Manuel Quezon building.
Nagsisimula nang magturo ang beterano at matandang History teacher na si Mr. Ramirez.
"G-good morning po, Sir Ramirez." Hinihingal na bati ni Steve sa guro. Basang basa ng pawis ang kanyang ulo at leeg. Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa binata.
"Afternoon, Steve! Late ka na naman!" ang matigas na sagot ng guro.
"Ay, afternoon po pala. Sorry po, sir. Di na po mauulit." Sagot ni Steve na basang basa ng pawis. Nagtawanan ang mga estudyante ng Fourth Year "Kalayaa" section.
Pumwesto si Steve sa bandang likuran ng classroom at bahagyang nagmasid sa mga estudyante. Napansin ni Steve si Ella na bahagyang nakayuko at tahimik na parang may sinusulat sa kanyang notebook. Ang mga siko ng dalaga ay may mga gasa na tilaba ay nasugatan. Ipinagtaka ni Steve kung ano ang nangyari sa dalaga.
Bandang Pebrero na nang taon noong panahong iyon. Kaya karamihan sa mga babae sa classroom ay palihim na nag uusap tungkol sa gaganaping JS Prom sa darating na Sabado, February 13, 2010. Kung ang ibang babae ay masaya at excited sa gaganaping prom, nagtaka si Steve kung bakit tahimik si Ella gayong isa siya sa pinaka-tinitingalang mga dalaga sa buong paaralan. Imposibleng hindi ito interesado sa prom, o imposibleng pinoproblema nito na wala siyang makaka-date.
Hindi mapalagay si Steve dahil alam niyang may mali, may hindi magandang nangyari o mangyayari. May espesyal na talento si Steve na hindi basta basta nahahanap sa mga ordinaryong teenagers o ordinaryong mga tao. May kapangyarihan siya na kadalasan ay nagiging paksa lamang sa mga horror movies.
May kakayahan siyang makakita ng mga taong yumao na, meron rin siyang espesyal na abilidad na magkaroon ng pangitain at malaman ang mga bagay dahil sa kanyang "instincts". Ayon sa kanyang lola, ang kanyang abilidad ay "espesyal na biyaya mula sa Diyos", pero minsan, iniisip niya kung ang Diyos nga ba talaga ang nag bigay sa kanya ng kanyang "espesyal na biyaya". Minsan, pati siya ay natatakot sa kanyang kakayahan.
Naramdaman ni Steve na merong hindi sinasabi si Ella sa mga tao sa paligid nito. Alam niyang may bumabagabag sa dalaga, alam niyang may itinatago ito. Alam niyang may masamang mangyayari sa Santa Monica. Alam niya na ang kadiliman ay muling kakagat sa maliit na bayan.
***
Alas singko y medya ng hapon ay unti unti nang humuhupa ang dami ng mga estudyante sa loob ng Santa Monica High School compound. Merong mangilanngilan sa mga classroom na pawang kakatapos lamang mag linis, may konti pang mga estudyante sa basketball court, meron din mga tumatambay at nag uusap sa maliit na park, ngunit halos wala nang tao sa Manuel Quezon building.
Ang mga estudyante sa Manuel Quezon building na apat na palapag ang taas ay pawang mga Juniors at Seniors. Dahil na rin sa mabibigat na requirements ay palaging maagang nauubos ang bilang ng mga estudyante sa gusali upang makauwi sila ng maaga.
BINABASA MO ANG
Santa Monica Highschool
HorreurThis is in Filipino language. It'll be better if you first learn speaking tagalog language to understand this story. From www.pinoy-horror-stories.com.ph