Night 1

95.5K 556 11
                                    

Heto nanaman ako nakaharap sa lugar na ayaw na ayaw kung puntahan, ever in my life. Pinakasusuklaman ko, nakakadiring lugar, pero hindi alam ng lahat puno-puno din ang mga tao sa loob nito.

Daming lumalabas at pumapasok dito, hindi ko alam kung bakit at kung bakit at kung bakit…paulit ulit kung tanong BAKIT GUSTO NILA DYAN? I mean nakakadiri, iba’t ibang hindi educational ang makikita mo, makakalimutan mo ang Moralidad mo pag pumasok ka dyan.

As in ayokong pumasok dyan, AYOKO! Sino ba naman ang gusto diba? Kung matino kang tao, hinding hindi ka papasok dyan. I never thought of entering there. EVER!


Nagulat ako ng tumunog phone ko. Patingin ko….

Calling ……

Ellaine sisterats

“He---“

 

“Ate, si mama….*sobs*” umiiyak ito, at nahihirapan din magsalita.

“Ellaine? Anong nangyari?” sigaw ko.

“Si mama, inatake…*sobs* sinugod naming sa *sobs* ospital” halos mapabitaw ko ang cellphone sa narinig.

“sige…saan ba?” kinakabahan ako, natatakot ako para kay mama, pangatlo na’to! She’s now at her worst.

********

 

“She’s fine up to now, still observing her condition….pero like before sinabi ko na sainyo na kailangan na niyang mag undergo ng operation…this is the third time Eliza, hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari sa mama mo pag isinawalang bahala mo pa she tap my shoulder habang naiiyak na.. she gace me a slight smile and left.

Pagbalik ko ng kwarto, nakita ko ang mama ko, nahihirapan na. kahit pag hinga nahihirapan na siya, hindi rin maganda ang pagtulog nito halatang pagod na pagod. Naaawa ako!

 

“Ate…kumusta daw si mama?” tanong ni Ellaine.

“Hindi na natin sya makakasama kung di pa tayo gagawa ng paraan para maoperahan sya” pinipilit kong wag umiyak. Gusto kong maging malakas para sa mga kapatid ko.

Umiiyak na si Ellaine, habang nakakandong ang ulo ng dalawa kong kapatid sa kanyang mga binti, tulog na rin ito.

“Ate, maghahanap na ako ng trabaho” sabi niya. She’s 17. Ayokong mapabayaan niya ang pag aaral.

“Hindi pwede. Ako ang gagawa ng paraan, hindi ka titigil sa pag aaral” malamig kong sabi. Hindi niya pwedeng I give up ang pag aaral niya. Ayokong matulad sya saakin.

Napayuko nalang ito, binalikan ko ng tingin si mama. Nahihirapan na ito, kaya hindi sya nagsasabi ng kailangan niya. I decided.

*****

“H----Hello?” yung kapitbahay namin tinawagan ko, halos mandakuba sa pag c’convince saakin na pumasok sa lugar na yon. Nung una naiinis talaga ako, ayoko nga eh. Kahit hirap na hirap na ako, naubusan narin yung bestfriend ko sa kakahanap ng raket para saakin. Nakakahiya narin.

“Sino to? ahh…easy honey…uhmmm” nagimbal ako sa narinig. What the hell?

“S-si….uhm Eliza!” nagdadalawang isip na talaga akong tumawag.

“Oh..Eliza…fvck easy honey…napatawag ka…uhhhm…oh” sh*t pwedeng mag pause kayo? Hindi man lang nahiya diba?

“Ahmm..kasi…mamaya nalang…byeeee” agad kung piñata yung tawag. Di ko mainda yung ingay na as in, nakakagimbal pati balahibo ko nagsitaasan na.

Eliza PerezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon