CHAPTER 8: First Day at Teunasia (part 2)

14 1 0
                                    

Sinusundan nya lang ang headmistress, daan dito, daan doon. Hindi nya alam kung saan sila papunta pero isa lang ang masasabi nya the school's structure is really beautiful , artistic , the design is well refined. It is a combination of old and modern style castle look. May mga paintings karing makikita sa bawat hallway, pero ang pinag kaiba lang sa nilakaran nila kanina ni Ms. Urya ay dito hindi na mga torch ang nagdadala ng mga ilaw kundi mga lamp na nakadikit sa mga pader ng academy.

Gaano nga kaya kalaki itong Teunasia? Grabe.. Pagod na ako kakahila nitong mga gamit ko..

" Were here.. "

Biglang sabi ni Headmistress. Kaya napatigil sya , Nasa harap nya ngayon ay parang isang Bird tub. A stone that's the shape is look like a bowl, and place at the center of the room. Nakapatong ito sa isang maliit na lamesa. Nilapitan nya ito, Napakakinis at napakaputi nito may mga kung anong nakaukit dito na hindi nya maintindihan. The room is full of candle. And there's a statue of a dragon and a bird, or let us say a phoenix. Walang masyadong desinyo itong kwartong ito. Tinignan nya ang tubig, napakalinaw nito nakikita na nya ang sarili nyang repleksyon.

" Ano pong ginagawa natin dito? "

" Dito natin malalaman kung saang bord ka mapupunta.. Ilublub mo ang iyong isang kamay dyan sa tubig.. "

inilapag nya ang daladalang maleta.. Sinunod nya ang sinabi nito. Inilublob nya ang kaliwang kamay sa tubig. Pumunta sa harapan nya ang headmistress at tinignan ang tubig.

Gosh, grabe saang bord kaya ako mapupunta pero please wag naman sanang sa nordlich, sa Vychod nalang pleaseeee.. pleasee vychod.. vychod..

Naipikit nya ang kanyang mata. Napakunot naman ng noo ang headmistress habang tinitingnan ang tubig, kakaiba.. Pangalawang beses palang nya itong nasasaksihan ang una ay sa estudyanteng iyon, at ang pangalawa ay itong nasa harapan nya ngayon.

Ngayon lang ulit nagkaganito ang Choosair hindi nito mapakita ng maayos kung sa anong bord nararapat ang estudyante.. Nasabi nya sa kanyang sarili.

" Ms. Hawkens, Para sa iyo ano ba ang gusto mong bord.. Nordlich Border o Sa Vychod Border? "

Napatingin sa kanya si julie.. may pagtataka sa kanyang mata.

" Po? uhm .. para sa akin , parang mas gusto ko po sa Vychod Border.. "

Tinignan ulit ng headmistress ang tubig, unti unti na itong nagliliwanag kanina ay naging kulay itim ang tubig pero ngayon mukhang may desisyon na kung saan sya mapupunta. Biglang may lumitaw na bubble sa tubig na ikinagulat ni julie, may laman itong usok. Lumipad ito paitaas. Ng nasa taas na ito lagpas sa ulo nila ng headmistress ay bigla itong sumabog.

Naialis nya sa tubig ang kamay at naitakip sa ulo nya. Mula sa usok ay lumitaw ang isang kumikislap na bagay. Kinuha ito ng headmistress, bigla itong ngumiti. Iniabot ito sa kanya.

Kinuha nya ito at tinignan. Isa iyong susi, May desinyo ito sa hawakan. Kulay ginto ito, at napakaelegante nitong tingnan. May nakaukit dito. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi..

Napatingin sya sa headmistress.

" Welcome To Vychod Border Ms. Hawkens.."

[A/N: see the key at multimedia. Isipin nyo na lang may nakaukit na vychod border hahahahaha ]

" Thank you po.. "

Umalis na sila sa kwartong iyon. Sinamahan naman sya ng headmistress at dinala sya sa dorm ng Vychod Borders.

" Ms. Hawkens nais kong ipaalam sa iyo, Ang bord mo ngayon ay ang magiging bord mo permanently hindi na maaring mapalitan pa. At isa pa, ang bawat bord ay may kanya-kanyang dorm. Pero wag kang mag alala Ms. Hawkens, kahit iisa lang ang dorm ng bawat bord magkaiba naman ang kwarto ng babae at lalaki, ang kwarto mo ngayon ay ang magiging kwarto mo rin permanently hanggat nandito ka sa academy. At yang susi na hawak mo ang susi ng magiging kwarto mo, ang bawat kwarto sa academy ay may dalawang kama, which means may kasama ka sa kwarto... "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Julie Hawkens: The Dragons TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon