Sa wakas ay nakalabas narin sila sa lugar na iyon. Gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi. Parang isang bayan ang lugar na iyon, katulad lang sa nakikita sa mortal world, maraming pamilihan parang makalumang pamilihan, Iilan lamang ang makikita mong malalaki at nagtataasang building, napakasimple lang ng lugar ang makikita mo.. Kahit saan sya tumingin ay may nakikita syang mga tindahan, Mukha itong maliliit na mall. Marami ring mga tao ang makikita mong naglalakad, nag uusap , the usual scenery na makikita mo. Ang mga kasuotan nila ay katulad lang naman sa atin, ngunit mukhang conservative ang mga tao dito. Wala syang nakikitang kahit na sino na nagsusuot ng mga maiikli at revealing na damit. Lahat ay kung hindi naka british style ang damit, Ay naka jeans, or nakadress ng lagpas tuhod tapos may suot na mahabang winter coat , pero magaganda ang desinyo ng mga iyon. Maaliwalas at malamig ang paligid kahit hindi naman taglamig. Malalaman mong nasa gitna ka na ng lugar na ito pag nakita mo na ang Mataas na fountain, pabilog ito at sa gitna ng fountain ay may iniukit na isang ibon sa likod ng ibon ay isang dragon nakaharap ang mga ito sa magkabilang direksyon. Sa bibig ng dragon at ng ibon lumalabas ang maligamgam na tubig, Na pag hinawakan ay lumiliwanag ibat ibang kulay ang makikita katulad ng sa bahaghari..
" Nasaan na ba tayo henry.. "
" Nandito tayo sa, Elendra Market... Ito ang kabisera ng lugar na ito. Dito mo mabibili lahat ng kailangan mo.. "
" eh saan ba dito yung teunasia... malayo pa ba tayo? "
Nilingon sya Henry at may itinuro.
" doon, yun ang teunasia... "
napatingin sya sa tinuro ng lalaki.. Sobra syang namangha. Yeah as expected katulad na katulad ito ng napapanood nya sa mga fantasy movie at sa mga nababasa nya. Makaluma ang style na mukhang kastilyo, Nandoon iyon sa tuktok ng mataas na bulubundok. Maaninag mo ang mga ibon na lumilipad papalapit doon, makikita mo rin ang watawat na may nakaburdang simbolo ng eskwelahan na nakatusok sa tuktok ng pinakamataas na tore. May matataas itong pader na nakapalibot sa buong skwelahan..
" Bukas magsisimula na ang klase, pero sa ngayon doon muna tayo sa pent-a-gor.. "
" Pent-a-gor? ano yun? "
Nagpatuloy na sila sa paglalakad ng lalaki, may nakikita narin syang mga katulad nilang estudyante pero hindi parin nya mahagilap sina felia.
" Doon tayo pansamantalang matutulog, ang pent-a-gor ay parang isang hotel na nakalaan lang para sa mga estudyante ng teunasia, dito nanunuluyan ang mga estudyante ilang araw bago magsimula ang klase...Madali lang matagpuan ang pent-a-gor dahil iyon lang naman ang nag iisang gusali rito sa elendra market na may watawat sa tuktok... At katapat lang din ito ng Season fountain."
" bakit season fountain ang tawag doon,? "
"dahil kahit na anong panahon hindi nag iiba iyong tubig, kung panahon ng taglamig, kahit gaano kalamig ang panahon hindi nagyeyelo ang tubig, nanatili itong maligamgam at napakaganda.. "
Ang sosyal naman pala dito.. grabe ah may sarili talagang hotel ang mga studyante ng teunasia? at yung fountain, ang astig..
" paano nila nalalaman kung isa ka sa mga estudyante ng teunasia? i mean, baka may makapasok na hindi estudyante.."
" Hindi iyon mangyayari, Dahil sa oras na nakatungtung kana sa lugar na ito lalabas na ang tatak ng pagiging teunasian mo... "
Pinakita nito ang isang simbolo na nakatatak sa wrist nito. Isa iyong letter T.
" ito ang simbolo natin.. Pag wala ka nito kahit anong gawin mo hinding hindi ka makakapasok sa pent-a-gor.. "
She look at her wrist.. Meron na nga syang tatak , hindi nya man lang namalayan na nagkaroon na sya ng tatak na katulad ng kay henry.
BINABASA MO ANG
Julie Hawkens: The Dragons Tale
FantasíaGet ready. for, you will join her.. Learning new spell, How to do Potions and Meet Magical Creatures.. Join Her adventure in ... Julie hawkens: The Dragons Tale