Struggle

25 0 0
                                    

Oh my Momay!! Late kami ng 10 minutes! Eh kasi naman makalakad kami palagi, parang may burol! -______-

"Naku Jan, nakakatakot si sir. O.O", bulong ko kay Jan na tila nakakita ng multo.

"Oo nga, marami daw nagsasabi na ang hirap ng mga binibigay niyang tests at seatworks.", sagot niya.

Dahan-dahan kaming pumunta saming upuan at..........."Why are you late?!", sigaw ng teacher namin.

Walang kumibo saming apat, hanggang sa mapagalitan kami ng teacher.

"Walang sasagot? Sige, maupo kayong apat sa harap, tingnan natin kung mag-iingay pa kayo. Seniors na kayo at kailangang disiplinahin niyo sarili niyo.", sabi ni Sir.

"Sorry sir", sagot naming apat.

Siomai!! Badtrip! Naku naman oh?! -___-

*KFine, challenge accepted sir, mabuti nga't makakapakinig na kami during nagle-lecture ka. :3

Naupo na kami't naglecture na si sir, after 20 mins....>>>"Class, I'll leave the room muna kasi may urgent meeting sa Math Department. I left you an activity to work on para hindi kayo ma-bored.",bilin ni sir.

*Nag-titigan kaming lahat at yung mga mukha namin parang hindi kayang ipinta ng pinakasikat na pintor sa mundo!! "Wow ha! Nakakahiya naman sa'yo!", sigaw ni Chris nang lumabas na si sir.

"Tumigil ka nga diyan. Puro ka lang dakdak, kung umpisahan mo kaya diyang mag-solve", sabi ko na parang ang KJ.

I LOVE MATH kasi eh! ^____^  <3 Pero minsan inaabot ako ng aking katamaran. :D

Ako yung unang nakatapos, mga classmates ko, chika here, chika there! Naku pag inabutan sila ng bell siguradong magpa-panic ang mga ulol na 'to -_____-

"Uy,  Micha laro tayo!", sabay kalabit sakin ni Jan.

"Sige! Anong laro?! Uy, Grace, Jill, sali kayo!", sagot ko sa kanya. *Childish kaming apat eh. Sinuwerte nga't sumali sila ni CJ, Joshua at Vinz.

"HIDE AND CLAP", sagot samin ni Jan.

Naku! Ansaya niyan! The Conjuring ang trip namin!

At taya si Jilliane, tinakpan ko ang kanyang mga mata, pinaikot nang 4 na beses at, yun. Let the game begin! :D

"1st Clap!", sigaw ni Jilliane. *nagpalakpak din kami.

"Sa kanan! Sa kaliwa! Hindi! Umatras ka ng konti! Ganyan! Malapit na!", sigaw ng mga kaklase namin.

Kawawa naman si Jilliane. Pero parang natutuwa siya sa ginagawa niya eh, hayaan na lang natin. :)

Di ko pala alam na ako yung narinig niya nung tumawag siya ng second clap! Hindi ako kumibo! Kinabahan ako dun ah! Malapit na kasi siya sa kanal!

"Ahhhhhhhh!!!", sigaw ng mga nanood samin. NAHULOG NA PALA SI Jills SA KANAL! NAKU! Nasaktan siya siguro kaya hindi siya nakatayo agad. O.O

"Jill? Jill! Okay ka lang ba?", tanong namin sa kanya.

"Hmmnn, sa tingin niyo okay ako?! Loka-loka kayo ah! Nahulog na, hindi na nga makatayo, tapos tatanungin niyo pa kung okay ako?!!! OKAY LANG AKO GUYS ^_^", sagot niya.

Eh may tama din pala siya sa utak eh, loka-loka rin -______- Akala namin kung napano siya. T.T

Hindi nagtagal matapos ang laro namin dumating si sir, nagtakbuhan kami papunta saming mga upuan at, *Boooggshhh! Natalisod pa ako T___T andameng na didisgrasya ngayon. :3

"Okay class, at the count of 5, I want you to pass your papers forward. Late papers will not be accepted.", sabi niya.

"Uy, bilisan niyo naman oh.", sabi namin sa isa't isa. Bagal kasi nila. -_____-

CLASS DISMISSED....at lumabas kami ng room, tuloy ang laro!

"Jills, sorry talaga kanina ha?", makaawa ko sa kanya.

"Forgive and Forget, micha ;p" sagot ng ni Jilliane.

Tumuloy ang laro at si.....Joshua na ang taya......

Live, Laugh, Love, LearnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon