Chapter 2

24 5 0
                                    

Nagising ako sa isang lugar na ngayon ko pa lamang nakita. Maliwanag sa paligid ko, naririnig ko ang pag huni ng mga ibon at sa di kalayuan ay nakita ko ang dalampasigan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal tumakbo kagabi. Ang alam ko lang hindi ako tumigil hanggang sa mawalan ako ng malay. 

Maingat ako naglakad lakad, dahil alam ko kahit anong oras ay maaaring sumulpot ang mga Armagidon (ang mga taong nagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at naming mga alien) Oo. Isa akong alien at nagmula ako, kami ng kuya ko sa planetang Oktabina. Nandito kami sa Earth para isakatuparan ang misyon ng aming mga magulang na nilamon ng black hole limang daan taon na ang nakakalipas. 

[500 years ago- sa planetang Oktabina]

Crecia's POV

Ang hirap kapag hindi mo alam kung ano ang gusto mo o kung ano ang pede mo gawin. Ang alam ko lang ay kailangan ko makahanap ng gagawin kung hindi ay mamamatay ako sa pagkabored dito sa spaceship namin. Wala na naman si Ama at Ina, paniguradong nasa labas na naman sila at naghahanap ng mga dyamante. 

Hindi ko gusto sa labas, bakit? Dahil madilim, hindi mo alam kung ano ang makikita mo at kung sino ang makakasalubong mo sa iyong munting paglalakbay. Naaalala ko pa nung huli ako lumabas para hanapin sila Ama at Ina, hindi ko mabilang kung ilang bato ang tumama sa ulo ko nung araw na yun. At ayaw ko na maulit yun. 

Sa dami ng bato na tumama sa ulo ko, pakiramdam ko hanggang ngayon ay apektado pa din ang pag iisip ko. Sana talaga makahanap na ako ng pagkakaabalahan. Paulit ulit lang ako naglalakad sa loob ng aming spaceship. Napagisipan ko na pumunta sa laboratoryo ni Ama. Alam ko at ilang beses na ako pinaalalahanan na hindi kami pede pumunta dun. 

Pero dahil bored na bored na talaga ako, dun ako pupunta at walang makakapigil sa akin. Maliban na lang kung magising si kuya, huwag naman sana. 

The keeper of her heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon