Prologue

16 0 0
                                    

"Janine Faith! Bumangon ka na dyan, mahuhuli ka na sa klase!"
Eto ang unang linyang naririnig ko tuwing umaga mula kay Mama. Oo na, ako na ang palaging late. At kailangan ko nang magmadali dahil baka ma-suspend na ako dahil sa di ko mabilang na mga late.

Lagot ako nito kay Madam Minchin (haha! Joke, Rose talaga ang name ng prefect of discipline namin pero dahil sa kanyang manipis na salamin at mala-kontrabidang aura ay naging Minchin na ang tawag sa kanya ng karamihan sa eskwelahan hahaha!)

Okay, tama na muna! At kailangan ko nang maligo ng mabilis.
Ay wait, di ko pa naipapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Janine Faith Ramirez, 16 yrs. old, 4th yr. student sa Unity University (UU). So yes, may highschool at college dito sa school ko.

Ayan, enough na! 6:45 na at nandito pa ako sa bahay, almost 10 mins. ang byahe papunta sa school at kaunting lakad pa. Kaloka! Dapat di ako maabutan ng bell dahil for sure, detention ang aabutin ko. Huhu
Tumatakbo na ako papasok ng school nang biglang...

"Araaaaay" shiz, huhu may nakabangga pa ako at ang sakit. Di ko sya nakita, nagkalat ang mga libro kong dala sa daanan. Kung siniswerte ka nga naman oh. Tinulungan naman ako nung nakabangga ko. Ugggh! Kairita! Anong oras na hay, wala na akong pag-asa.

Pero sa pag-abot nya ng mga gamit ko, bigla akong nakakita ng pag-asa...

Pag-asa sa kanyang mga mata.
"Oh miss." Abot nya at tumalikod na.

Dugdugdugdug.
Ngayon ko lang narinig ang puso kong pumintig ng ganito kalakas.

Waiting For UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon