Chapter I- His eyes

13 0 0
                                    

Hindi na ako nagmadali dahil narinig ko na ang bell na nag-ring, that means late na talaga ako. Hindi ko alam kung swerte ba ako kasi nakita ko yung lalaking nakabangga sakin o malas dahil sa kanya e na-late ako.

Pero dahil andito na to, iisipin ko nalang na swerte ako.

Habang naglalakad papasok ng gate, tanaw ko na si Ms. Minchin. Napa face palm nalang ako dahil alam ko na at sigurado na akong sermon ang aabutin ko dito.

"Hay, Lord, kayo na po ang bahala sa akin."
Kinamot ko ang magkabilang siko ko pag-pasok ko ng napakalaking gate ng school namin.

Yes, when I said malaki, malaki talaga. Kasi nga diba university talaga to. Isang malaking gate lang ang entrance ng mga college students at high school students. Though, nahahati sya sa dalawang part at bawat part ay may tig-tatlong turnstile. Isang part para sa college, at isa naman para sa highschool.

"Good morning Ms. Minchin." Pinandilatan nya ako ng mga mata sa pagbati ko sakanya. Shet! Ano ba namang lumabas sa bibig ko. Double kill ako nito!

"Anong sabi mo iha?" Tanong nya yan with matching super dilat na eyes.

"Ah, eh sabi ko po good morning Ms. Rose." ^__^ kaloka naman tong umaga na to.

"Akin na ang handbook mo iha, naku ha suking suki ka na dito. Gaano ba kalayo ang bahay mo at palagi kang late?" Sinasabi nya yan habang sinusulatan ang handbook ko. Naiiyak na ako. 😭

"Oh pang sumpung late mo na, hindi ka na makakapasok sa 1st class mo. Sa susunod naman iha, agahan mo. Mahiya ka naman sa pagiging late. Kababae mong tao e."

Grabe!!! Ang sakit naman nya magsalita.
Pagtapos ng panenermon nya ay tinalikuran na niya ako. Andito lang ako ngayong sa guard house. Di naman sya kaliitan. Masasabi kong sapat na para sa 20 na taong tatambay dito. Pero ngayon, tatlo lang kami. Ang guard, ako at ang isa pang late. Di ko sya kilala kaya hayaan nyo na sya.

Naupo ako sa bandang sulok, nilapag ko ang bag ko at inilabas ang binabasa kong libro. ABNKKBSNPLAko ni Bob Ong. Hehe, pang 3rd time ko na tong binabasa. Nakakatawa kasi yung pagkakasulat pero pag binasa mo, mamumulat ka sa realidad. Kaya heto paulit ulit kong binabasa dahil naaaliw ako.

Habang nagbabasa ako e napansin kong lumapit ang kasama kong detainee rin.
"Mukang nakakatawa yang binabasa mo miss ah." Medyo nangingisi niyang sabi.

"Hmm, oo kuya. Gusto mo hiramin?"

"Ahhh hindi na, ako nga pala si King. Ikaw anong pangalan mo? Madalas kitang nakikitang late swerte mo ngayon ka lang na-detain."

Wow naman talaga si Kuya, swerte pa akong ma detain ah. Hmp. Pero dahil mabait ako sige di ko sya susungitan.

"Janine. Hmmm oo nga. Ikaw ba madalas ma late? Anong year mo na?"

"Oo, nakakatamad pumasok e. 2nd yr college. Business ad. Ikaw?"

"4th yr. high school pa lang ako kuya." Sagot ko naman. Ka stress tong King na to. Ginagambala ang pagbabasa ko.

"Ang ganda mo pala." biglang sabi ni King.

napatingin ako sa kanya at pakiramdam ko medyo namumula na ako dahil sa tuwa? Hindi ako sanay mapuri ng ibang tao at alam ko naman na simple lang ang itsura ko kaya medyo nakaka-flatter na may pumuri sa akin ngayon.

"Ah, eh, hmmm, salamat." Tumayo na sya at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Una na ako, nice meeting you Janine. See you around!"

Natulala lang ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Kriiiiiinggggg!!! Kriiiinggggg!!! (Tunog yan ng bell sa school)

Hay sa wakas nag bell na! 2nd subject na! :D inayos ko na ang gamit ko para makalakad na sa loob ng school.

"Oh shemz, aray"

Sheda, kanina pa ako may nakakabanggaan ah. Pinulot ko ang mga libro ko at tumayo.
At di ko talaga alam kung malas ba ako o swerte dahil pagtingin ko sa mga mata niya nakasilay nanaman ako ng liwanag. Gosh! Those brown eyes.

Waiting For UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon