Chapter III- The Project

2 0 0
                                    

King's POV

Her name's Janine, yeah I know. Janine Faith Ramirez. 4th year, class A- President. 2nd year HS siya nung nakilala ko siya habang ako ay 4th year na. Unang kita ko palang sa kanya, iba na ang naramdaman ko. Don't get me wrong, I am not a stalker. I just knew her because sumali siya ng pageant sa barangay namin. That's when I found out na same school lang pala kami.

Since then, napansin ko na siya. Let's say crush ko siya kaya naman tumatak na sa isip ko ang itsura nya and when I saw her na detained, I took the chance to talk to her. Di bale nang di makapasok sa 1st Class. This was my chance.

She was reading her book at the corner. Para siyang mag sariling mundo. I wanna know her more!

But then it was just a brief moment cause the bell rang.

"Ano palang nangyari sa class?" Tanong ko kay Uno, siya yung tumawag sakin sa detainee hall.

"Chill lang naman pre, pero ayun hinahanap ka ni Ms. Agatha. Ma ddrop ka na raw. Umayos ka na."

Si Uno, siya ang pinaka close ko sa campus. Mabait siya pero mapang trip din. Halos parehas kami ng ugali kaya naman magkasundo kami. Kaya lang kawawa rin tong isang to, dahil alam ko sa likod ng masigla niyang mukha ay lungkot.

Dahil hindi niya makuha kuha ang kaisa isahanag pangarap niya.

..........

Janine's POV

Nandito kami ngayon sa classroom, naghihintay ng next teacher. Nag-iisip ako ng strategic plan para sa school year na to dahil bukod na sa ako ang president sa loob ng classroom namin ay ako rin ang president ng student council sa high school namin.

Minsan, nai-stress na ako sa dami nang ginagawa. Ang hirap maging responsable.

Gusto kong makagawa ng memorable activities para naman may maiwan akong legacy dito.

"Janine, pinapatawag kayo ni Sam sa Principal's office ni Sir Alberto." Sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki.

Si Sam ang Vice-president ng student council. Tahimik lang si Sam at medyo suplado. Nakikipag-usap lang siya pag kinakailangan.

Pinuntahan ko sya sa upuan nya. Medyo nasa likod kasi siya nakaupo. Laging may sukbit na head phones sa leeg. Hindi naman sya pinagagalitan dahil sa talino nyang taglay.

Kinalabit ko sya dahil seryoso sya sa pagbabasa nya.

"Sam, pinapatawag tayo sa Principal's office."

Imbes na sumagot ay sinarado nya ang binabasang libro, tumayo at tuloy-tuloy na lumabas ng classroom.

Hindi man lang ako hinintay.

Bat nanaman kaya? Huhuhu nakakatamad naman oh. Pero wala naman akong choice kung hindi ang sumunod. Pagdating ko sa office ay nakaupo si Me. Alberto, ang principal namin. Merong tatlong iba pang nandon.

"Good morning po" bati ko sakanila.

Dumeretso ako sa tabi ni Sam. Pakiramdam ko ako nalang ang hinihintay nila kaya medyo nahiya akong tignan ang mga nandoon na. Nang nilibot ko na ang mga mata ko nakita ko si Mr. Alberto.

"So since we're all complete here, we may now start pur meeting." sabi ni Mr. Alberto. Hindi naman intimidating yung mga taong kaharap ko pero wala akong idea kung sino sila.

"Janine and Sam, I would like you to meet the college presidents of our university. This is Liz, president of College of Arts and Sciences, Rain under Business Ad, and Yannie from Tourism and Hospitality Management."

"Liz, Rain, Yannie this is Janine and Sam. Both high school senior students and they are the president and vice president of our the student council of our secondary education."

Nag-hi sila sa amin at ngumiti. Ngumiti rin ako at bumati sakanila. Ganoon din naman si Sam. Nako at buti alam naman ni Sam kung kailan magsusungit at kailan magiging mabait. Hehe. Mabait naman si Sam pero di mo talaga siya makakausap pag feeling niya walang kwenta yung topic.

"Pinatawag ko kayo Janine and Sam dahil magkakaroon tayo ng Career Orientation sa inyong senior students. Nandito naman sila Liz, Rain and Yannie to help you sa activity natin."

Habang nagsasalita ang principal namin ay nakatitig lang ako sa pinakilala niyang Yannie and Liz. Sobrang gaganda nila. Sana pag nag college ako ay matutunan kong mag-ayos.

"Sir, we have 5 courses under our college. I'll just choose one representative po for each courses. Janine and Sam, hingin ko nalang yung number nyo so I can update you." sabi nung pinakilalang Liz. Mukhang ang bait nya. Ang ganda na nga ang bait pa. Nakakatuwa naman.

"Sige po, ibibigay nalang po namin ang number namin ni Sam." sagot ko habang nakatingin sa mukha nya. Grabe may pores ba sya? Sobrang kinis e.

"Yannie and Rain, any concerns?"

Napatingin naman ako kay Kuya Rain. Ang pogi rin ha. "Wala naman na po Sir. I'll just let them din know po  kung sinong magta-talk from our college."

"Same sir" tipid na sagot nung Yannie. Maganda sya pero bat ang tipid nya sumagot.

"Then this is settled. Janine and Sam, I'll let yoh handle this. Just update me on the progress. Pur target date will be next month."

"Yes sir. Noted po." Sabay naming sabi ni Sam. Minsang ang cute din talaga nito e. Crush ko na sana siya kung di sya masungit.

"Then meeting adjourned baka maga classes pa kayo. Thank you." Pagpapaalam ni Sir Alberto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting For UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon