[Chapter 2- Pyuri's Family]
[Mommy of Pyuri at d'ryt :)]
Pyuri's PoV
"Nakakainis!" paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko nung maalala ko yung huling sinabi nung gunggong na'yon sa akin. Anong akala niya sa sarili niya? Gwapo siya? Pero gwapo naman talaga siya eh. In fact , mas gwapo pa siya kay Yuhan---Yuhan na naman? Nakakainis!
Hayy!
Paano ako makakalimot niyan? Lahat nang gamit dito sa kwarto ko galing kay Yuhan. Pagkapasok ko pa lang dito , naluha na naman ako. Huhuhu. Naaawa na ako sa sarili ko. Hindi ako makalimot. Paano bang magmove-on?
Aha!
'Google: Search'
"How to move on?"
"Three Ways To Get Over A Guy Who Doesn't Care About You?"
Tatlong paraan lang? Magawa ko kaya? Sige nga! Tatry ko kung madali lang.
1. Address the situation head on.
2. Don't blame yourself.
3. Embrace your independence.
"Ano ba 'tong mga 'to? Nakakainis! Hindi ko maget's!" binatawan ko ang pen na hawak ko at dumukdok sa harap ng computer ko. Akala ko pa naman ang daling magmove-on. Huhuhu. Tatlong paraan lang tapos ang hirap igets?!? Huhuhu.
Pahirap kang Google ka!
***
*Ringggggggggggg*
Bumangon ako ng dahan-dahan at nagkusot ng mata. Nakatulog na pala ako sa kakaiyak ko kagabi. Akala ko mauubusan na ako ng luha. Huhuhu.
Tumayo ako mula sa higaan at tumingin sa salamin.
Ano bang mali sa itsura ko?
Panget ba sa'yo ang naka'nerd glasses? Wala akong braces no!? Ayoko. Tapos hindi naman pati kulot ang buhok ko. Bagsak naman ito. Kaso nga lang lagi ko itong pinupusod ng patumpok tapos ginagawang headband ang panyo.
Ano ba kasing mali sa mukha ko?!?
"Pyuri. Maganda ka. Mabait ka pa. Wag kang mag-alala , makamove-on ka din! AJA PYURI!" bulong ko sa sarili ko habang papuntang CR. Maliligo na lang ako para mawala ang bangag ko.
-
"Hi Mamaaaaaaaaaaa!"

BINABASA MO ANG
Must Be Love<3 [ON-HOLD]
Humor'May babaeng binebespren at may babaeng ginagawang Girlfriend' -KathrynBernardo[MBL] Pero sa istoryang ito ay parang may sasalungat sa kataga ni Kathryn. At ito ay si Purie(Pyuri) Anne Perenia na naniniwala sa kasabihang 'Walang Forever!' Thankyou...