Sana po magustuhan niyo ito. Support also yung isa pa. Seducing Mr. Gay.
---
"HR!"
Just walk Honey. Don't mind him. Titigil din iyan.
"HR! STOP"
Keep walking. Malapit ka na sa pintuan. Limang hakbang pa Honey. You can do it.
"HONEY ROSE FUENTES, OBEY MY COMMAND!" Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Gusto kung maiyak. Dalawang hakbang nalang makakalabas na ako sa nakakainis na bahay nato.
"HARAP!"
Ang pintuan nasa harapan ko na. What would I do? Itutuloy ko pa ba ang balak na lumabas o haharapin ko ang walang tigil na sermon ni papa?
Kainis naman talaga oo.
"Uulitin ko HR. Humarap ka ngayon din at kakausapin kita."
Napabuntong hininga ako, sabay harap kay papa. My goodness, mas gusto ko na atang ituloy ang balak.
Nakakatakot siya. "Now tell me, young woman. Ano na naman ba ang ginawa mo at napatawag ang dean ng university ninyo?"
"Wala naman po." Mahinang sagot ko.
Takte, pag nalaman ni papa yung ginawa ko tiyak puputulin niya ang credit card ko. Saan ako kukuha ng gagastusin kung ganun? Hindi pa naman ako mabubuhay kapag walang new dress.
Kasalanan lahat ito ni Aliya the bitch. Hamakin ba naman ang pagkatao ko. Nakatikim tuloy ng mag-asawang sampal mula sa akin.
She deserves it. Isa lang naman siyang bitch na biglang umangat sa buhay dahil sa maharot niyang ina. Pumatol nga sa isang mayaman, naging kabit naman.
Akala ng Aliya nayan, makakaya niya ako. Puwes sa susunod na banggahin ulit niya ako hindi lang sampal ang matitikman niya. Ikikiskis ko sa pader ang panget niyang mukha. Chaka!
Ako si Honey Rose Fuentes. Nag-iisang prinsesa ng Fuentes Clan. Maraming natatakot na kalabanin kami dahil alam ng lahat kung gaano kalakas ang pamilya namin. Kami ang pinaka maimpluwensiyang tao dito sa bansa. At bilang nag-iisang babae, kayamanan ang turing sa akin.
Pinalaki nila ako ng may pagmamahal. They spoiled me, at tinuruan kung paano lumaban.
I am their precious gem.
"Anong wala? Sabi ng Dean mo, kinawawa mo raw ang anak ni Gov. Smith."
"So? Papa kahit patayin ko si Aliya walang pakielam sa kanya ang Gov. Anak lang naman siya ng kabit."
"HONEY! Ganyan ka ba talaga!"
"Opo pa, matagal na ngayon niyo lang nalaman? Huli na po kayo sa balita." Sarkastiko kong sabi.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayong bata ka." Sabay iling ni papa. "Sa ngayon palalagpasin ko ang ginawa mong to. But next time na may marinig ulit akong ganitong balita. Papalayasin talaga kita dito sa bahay."
Napataas agad ang kanang kilay ko. "Kaya mo?"
"Oo, kailangan mo ring maparusahan. Kaya sana magbago ka na. Hindi ka naman ganyan dati."
Yeah I know, noon ako yung anak na tahimik lang at mabait. "Pa, alam mo namang hindi ako nananakit kung hindi sila ang nauna."
Father sighed and move towards me. Hinaplos niya ang buhok ko at tinignan sa mata ng may pag-aalala at pagmamahal.
"HR, wag ka sanang gagawa ng ikapapahamak mo. Ikaw na lang ang tanging alaala ng mama mo sa akin."
My mother died when I was Eleven. Pinatay siya mismo sa harapan ko. Three years bago ko nakalimutan ang trahedyang iyon.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Cold
RomanceHoney Rose Fuentes is a bitch. Lahat nakukuha niya in just one snap of her finger. Kinaiinggitan ng maraming babae dahil sa gandang taglay. Kinahuhumalingan ng maraming kalalakihan sa tindi ng alindog. Mayaman, matalino, maganda. Perfect na sana ka...