Best Friendzone

22 1 0
                                    


ONE SHOT STORY
(A/N: Vote, Comment, Share ang Enjoy.)

Sabi ng utak ko tama na lalo lang ka nalang mahihirapan, maawa ka naman sa sarili mo
Pero...
Sabi ng puso ko sige Alyssa tuloy lang magmahal ka lang ala namang masama ehh

Yan yung lagi kong nararamdaman ang hirap, hindi ko alam kung ano paiiralin ko yung utak ko ba o ang pusong 'to

Sabi nila kaya daw nasa ibabaw ng puso yung utak kasi kailangan munang pag- isipan yung magiging bunga ng gagawin mo pero bakit ganun hindi ko maitatak sa makitid kong puso na tigilan na ang pagmamahal kay Alex, may mahal na syang iba eh si Bea yun actually sinusuportahan ko pa sya dun kahit masakit pero bakit ganun?? Hirap na hirap na ko

Ano ba kailangan gamitin? Diba puso? Diba? Dito naman kasi ako sasaya eh lalo na close pa kami ni Alex sana balang araw mahalin din nya ko, sana balang araw makalimutan na nya si Bea sana ganun nalang kadali na makalimutan nya si Bea at mahalin nya yung babaeng nasa tabi lang nya kahit ano mangyari

"Hoy, Alyssa nakikinig ka ba?"
Ayan na naman ang puso ko grabee

DugDugDugugDugDugDug

Ayan ganyan kadikit dikit ganyan kabilis parang mga kabayo ma naghahabulan

"Alyssa! May sakit ka ba?"
Hala bakit ganun ayaw bumukas ng bibig ko wahhh bakit hindi ako makapagsalita ayoko na wahhhh

"Ah eh wa- wala. Oo wala akong load" sana naman tugma yung sinagot ko sa sagot nya jusko
Lord help me

Huh? Bakit sya tumatawa? May mali ba sa sinabi ko?

"HAHAHAHAHAHA! Alyssa ano ba sinasabi mo, sabi ko may sakit ka ba?"

Hala!!! Kahiya naman hay nako ano ba kasi tong bibig na too, sa lahat ba naman ng salita load pa talaga yung nasabi. Dapat hindi ko na dinugtungan ehh. Hindi parin sya tumitigil sa kakatawa

"Ahhh w- wala, may kausap ako sa phone nagtatanong kung may load ako"
Ngayon nag- act ako na may kausap ako sa phone
Sana naman walang tumawag sakin

Kring kring

Kasasabi ko lang ehhh
Ayan tumawa na naman sya oras na ba para sabihin ko tong sinisigaw ng puso ko, eto na ba yung sinasabi nilang "Tamang Panahon" eto na ba yung pinakahihintay ko

"Tara na nga kumain nalang tayo. Treat nalang kita, gutom lamg siguro yan"

Hay salamat buti naisipin nya yan nako kung hindi, hindi ko na alam gagawin kong lusot kay Alex

"Oo nga, tara na nagugutom na ko ehh"

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala nya yung gamit ko at naglakad na kami
Wait what? Hawak nya kamay ko?! Omgg jusko baka namumula na kooo omggpaka gentleman naman talaga nito dala pa nya gamit ko juskooo
Lord please pahinging hangin hindi na ko makahinga wahhhhh

"Ang lambot naman ng kamay mo, hindi siguro to gumagawa ng gawaing bahay tss" bulong ko sa sarili ko

"Alyssa alam ko namang dati oa malambot tong kamay na 'to pero sa abot ng kaalaman mo gumagawa ako ng gawaing bahay noh, hindi naman kami ganun kayaman para hindi ako gumawa ng chores"
Hala narinig nya yunn
Napalakas ata yung bulong ko grabe kahiya naman

"Ahhh ok" yan nalang nasabi ko sa sinabi nyang ala nobela, ala naman na kasi akong masasabi ehh tsaka wala akong tuwala sa bunganga ko baka kung ano pa masabi ehh

Bakit ba naman kasi ako pinanganak ng may ganitong kadaldal na bunganga

Ayan tuloy nauna na sya baka nailang sakin tss.
Hindi na nya namamalayan na wala na ko sa tabi nya, baka sa susunod kaya na nyang wala ako sa tabi nya

"Alex" sigaw ko sa kanya at napalingon naman sya sa pwesto ko

"Bakit?" Ano sasabihin ko na ba tong feelings ko? Baka kasi pag hindi ko sinabi ehh sumabog na yung puso kong itooo

"May sasabihin ka ba Alyssa? Kasi kung wala mauna na ko sa canteen ang kupad mo maglakad eh"
Kanina apaka gentleman ngayon naman gentledog na hay nako buhay

"A-ano kasi" sabi ko

"Ano?!" Sabi nya mykang nagagapit na tong mokong na to ahh

Hoy Alyssa mag- isip ka ano sasabibin mo gusto mo sya o mahal mo sya
Jusko naman sa lahat ng pagkakataon na hindi mag function utak ko nagyon pa

Hala palayo an sya sakin

"Gusto kita Alex"
Seriously?! Bakit ayan yung lumabas sa bunga nga ko ano ba naman patay ako neto ehh

Jusko ayan na sya papalapit na wahhh lupa lamunin mo na ko now na

"Kelan pa?" Sabi nya na walang ka emosyon emosyon yung mukha

"Since October 2015" ano kaya sasbaihin nya, ayokong ma friend zone please wag ngayon di ko kaya

"Nakikita mo ba yang babae na yan?" Tinuturo nya si Bea gamit ang kanyang kulay kapeng mata

"O-oo si Bea yan" ang sakit na ngayon palang kahit wala pa syang sinasabi feeling ko may babagsak na luha galing sa magaganda kong mga mata

"Xander mahal kita" hala bat ko sinabi yannn, wala padin akong makitang emosyon sa mukha nya ang sakit naman nun

"Si Bea, si Bea ang gusto ko, si Bea ang mahal ko at hindi ikaw sorry" nangyari na ang pinaka kinakatakutan ko ang unti unting pag bagsak ng mga luha ko hindi ko mapigilan , bakit ako umiiyak? Una palang alam ko na na wala akong pag- asa kay Alex ehh pero umasa parin ako

Alex bakit sya pa? Bakit hindi na lang ako? May kulang pa ba sakin? Ano yun sabihin mo sige na baka sakaling pwede mo kong mahalin.

Gustong gusto ko sabihin yan sa kanya pero mag mumukhang akong desperada ehh

"Since January pa to pasensya na"
Dagdag naman nya kahit anong punas ko sa mata ko hindi parin maubos ang mga luha na dumadaloy sa mukha ko

"Ako dapat magsabi sayo nyan sorry kung nafall ako sa'yo sorry hindi ko sinasadya"

Bakit sya pa ako naman yung nandito lagi sa tabi mo ako naman at hindi sya pero bakit sya pa minahal mo
Gusto ko yan idagdag pero baka lalo pang lumala yung sitwasyon

"Hindi yan mapipigilan kaya ok lang" kala mo lang ok pero hindi ehh hindi ok

"Diba wala namang magbabago?"
Hope so sana walang magbago... Sayo

"Oo wala" sabi ko sa kanya habang umiiyak

"Friends?" Sabay abot nya sa kanyang kamay at ngumiti
Jusko eto na yung kinakatakutan koo, ma friend zone pero hindi ako papayag

"No, best friend" Pinunasan ko ang mukha ko, inabot ko din ang kamay ko at ginamit ko ang maskara ko with made in China smile

----------------------THE END----------------------

This is the first one shot story that I made, sorry if this is lame.

Sorry for the typos and grammatical errors.
V

ote, comment and share.
Copyright ©Xine_Alba
All Rights Reserved: April 2016

In Love With My Best Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon