A/N: Inedit ko po :) sana ok po sa inyo. kasama na po yung mga excess punctuation marks and letters. :) ;)
----------------
"nagseselos ako!" sigaw ko habang kinakausap ang sarili ko.
Teka lang. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Kanino naman kaya ako magseselos? E wala pa naman siyang boy friend, diba. Wala pa nga ba? Hay naku!
"hoy Calix Angelo Martinez! 'wag ka ngang paranoid." Dinuduro ko sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. "wala sa lahi ng mga Martinez ang pagiging paranoid over girls. Tsaka nakakalimutan mo na ba? Kung meron man, sasabihin naman niya sa'yo 'yun e. Best friend nga kayo, diba!"
Best friend. Napaisip tuloy ako ng malalim. Oo nga, mag-best friend kami since the-day-I-can't-remember-when. More than friends but not lovers kasi parang magkapatid na. Sweet siya sa akin kasi sweet ako sa kanya pero hindi naman ata ibig sabihin nun na may gusto din siya sa akin. Bale, one-sided love lang 'to pre. Medyo masakit lang. x( na-friend zone ako.
"ahh! Buseet naman oh. Bahala na nga...." tumalon ako pahiga sa kama at tinakpan ang mukha ko.
Out of nowhere, may narinig akong boses ng babae. Medyo pamilyar siya at medyo kilala ko kung kanino.
"ano ka ba?! Mahal ka nun, tiwala lang ;)" mapang-asar na sinabi ng babaeng pumasok sa kwarto ko.
Si Cheska Mac Garcia, ang best friend ko. Medyo intruder din siya at feel na feel at home siya kaya labas-pasok nalang siya sa bahay namin.
"Bakit? Mahal mo ba ako?!" lakas loob kong sagot kasi may nakatakip na unan naman sa mukha ko.
"Ano 'yun?" pasigaw na tanong ni Eka (palayaw ni Cheska) sabay tanggal ng unan sa mukha ko.
"wala. Bawal chismosa!" sagot ko kasi kapag may sinasabi akong hindi niya naiintindihan, gusto niyang ulitin ko talaga kahit wala namang sense. Ganun siya lagi.
Medyo inis na siyang sumagot, "ano nga kasi 'yun?!"
"wala nga sabi! Ang kulit. Maligo ka na nga sa inyo, nangangapit-bahay ka tapos ang baho mo." Sinabi ko para maasar siya.
At hindi nga ako nabigo sa pakay ko. Naasar siya! Hahaha, pano ko nasabi? Kasi hinampas niya sa mukha ko 'yung unan na tinanggal niya at nginudgud pa ito. The best noh! Ang cruel ng best friend ko, parang hindi babae =3=
Ang maganda lang sa kanya kahit galit, pikon, inis o naasar she's still looking so pretty. Laging blooming kahit gabi na at kahit hindi pa naliligo xD hehehe. Kaya ba naman ang dami ng admirers niyan sa school (kasama na ako dun) kaso wala siyang ini-entertain. Nakapagtataka lang kasi hindi naman siya pihikan sa mga lalaki e. Alam ko kasi lahat ng crush niya at kilig moments kasi kinukwento niya lagi sa akin. Hindi mga gwapo ang gusto ng babaeng iyon, medyo malabo ata mata nun e di hamak na wala pa sa kalingkingan ko ang lalaking natitipuhan niya, tsk! At ako naman dahil best friend nga, walang palag kaya nakikinig na rin lang kahit inis na dahil sa ibang tao siya kinikilig at hindi sa akin.
"ate Eka, tawag ka na po sa inyo!" sigaw ng kapatid kong babae.
Ang galing ng timing diba! Hehehe, sa wakas matutuloy ko na ang self-talk ko. Kaya tsupi na Eka! Uwi ka na. Hehehe, medyo masamang best friend at alam ko 'yun x)
"B-bye bantot! Ligo ka na daw. :P" pang-asar ko.
Ngumiti lang lang siya. Sanay na kasing inaaway ko kapag pinauuwi na siya sa kanila.
"mami-miss mo rin ako Calix! Tandaan mo, mami-miss mo rin ako... hahahaha" sagot niya with an evil grin.
Tinawanan ko lang siya. Hindi niya lang alam na lagi ko siyang namimiss. Pano ba naman, may pagkamanhid din kasi. Halos lifetime na kaming magkasama pero di pa rin niya alam na may gusto ako sa kanya, hindi pa rin makaramdam o sadyang ayaw lang makiramdam. Hindi pa ba sapat na ako 'yung nasa tabi niya nung sinaktan siya nung walang kwenta niyang ex, pinakikinggan ko lahat ng sentiments niya maging sa mga koreanovelas, may boquet of roses siya lagi kung birthday, pasko at valentine's day, ako 'yung lagi niyang date pag school events like prom, valentines ball, etc. halos mamulubi na nga ako sa sobrang pagka-demanding niya tapos until now, wala pa rin siyang idea na gusto ko siya. Kulang nalang ata e magrent ako ng billboard at lagyan ko ng I LOVE YOU EKA BANTOT!!! Pero alam ko namang hindi ko gagawin 'yun kasi kapos ako sa budget x3
BINABASA MO ANG
Best Friend Nga Kasi
Teen FictionBEST FRIEND Sila 'yung taong nakakaalam ng lahat ng sekreto mo sa buhay at nakakakilala sa'yo higit pa sa pagkakaalam mo. Sila 'yung taong may kakayanang sirain ka at ilabas lahat ng baho mo pero hindi niya ginagawa. Sila rin yung taong mahal ka kas...