Ariana's POV
After class pupunta sana akong canteen pero nakita ko si ma'am Carmina. Tinawag nya ko.
"Ma'am susunduin mo ba si Akihiro?", tanong ko.
" Ah oo. Pero ikaw talaga ang sadya ko dito. "
"Ako po?"
"Gusto sana kitang makausap"
"Tungkol saan po ba?"
"Alam kong alam mo na pasaway ang anak ko. Nakikipag-away, nagka-cutting classes, minsan hindi na nga pumapasok. Ayokong matulad sya sa kuya nyang maagang nakabuntis dahil sa pagrerebelde nya. Ganyan na ganyan din kasi ang kuya nya dati. Hindi sya nakikinig samin ng daddy nya. Hindi namin sya nabantayan. Kaya ngayon humihingi ako ng pabor sayo na bantayan ang anak ko. Napaki-usapan ko na ang principal na ilipat sya sa klase nyo para magkasama kayo baka mahawa pa sya ng katalinuhan kung nandyan sya sa klase nyo. Ayoko lang namang nangyari sa kanya ang nangyari sa kuya nya. Magbabayad ako kahit magkano at pag-aaralin kita kung gusto mo para hindi na mahirapan ang Nanay mo.", paliwanag ni ma'am Carmina.
" Kung pwede po sanang tanungin ko muna si Nanay tungkol dito"
"Sige. Sana maintindihan mo ko."
"Opo. Salamat po"
Pag-uwi ko agad ko namang kinausap si Nanay.
"Nakiusap si ma'am Carmina sa'kin kung pwede kong bantayan ang anak nya sa school at pag-aaralin nya daw ako. Nay, hindi nyo na kailangang magpagod kasi babayaran nya naman ako"
"Anak di mo na kailangang gawin yan. Kahit di na kami magpahinga ng tatay nyo basta mag-aral lang kayo ng mabuti ayos na kami. Hindi naman ako papayag na magtrabaho ka kasi inaalala mo kami."
"Naaawa lang naman ako kay ma'am Carmina. Gusto ko lang naman syang tulungan"
"Kahit na. Gusto kong mag-focus ka lang sa pag-aaral mo dahil yun lang ang makakapagpasaya samin ng tatay mo"
Mukhang wala na kong magagawa. Siguro kailangan kong sabihin kay ma'am Carmina ang naging desisyon ni Nanay. Pumunta ako sa bahay nila.
"Pumasok ka muna", sabi ni ma'am Carmina
"Hindi na po. Di naman ako magtatagal. Sorry po pero di po ako pinayagan ni Nanay."
"Ganun ba? I understand. But if you change your mind kausapin mo lang ako."
"Salamat po."
Pagkatapos ng morning session ko sa school pinatawag ako accounting, mukhang tungkol 'to sa scholarship ko.
"Ms. Hernaez ikinalulungkot ko na wala ka ng scholarship dito sa school", panimula ni Mrs. Villanueva
" Pano po nangyari yun? Akala ko po 6 years ang scholarship ko. Matataas naman po ang grades ko"
"Nagdesisyon kasi ang board na hanggang 4 years na lang ang scholarship. Hindi ka naman namin na-inform kasi marami kaming inasikaso dahil kabubukas pa lang ng klase."
"Ibig nyo pong sabihin hindi na ko makakapag-aral dito"
"Yun ay kung hindi ka makakapagbayad ng tuition at miscellaneous fees mo. May oras ka pa naman para makahanap ng ibang paraan"
"Sige po"
"We're really sorry Ms. Hernaez"
Ano ng gagawin ko. Kung hindi ako makakahanap ng paraan, hindi na ko makakapag-aral dito.
Pauwi na ko ng biglang tumawag si kuya Francis sa'kin.
"Ariana pumunta ka dito sa hospital!", sabi ni kuya na nanginginig ang boses.
" Kuya? Anong nangyari?"
"Si tatay inatake sa puso. Hinimatay sya kanina sa construction site"
Nataranta ako. Agad akong sumakay ng jeep papuntang hospital. Pagdating ko nakita ko si Nanay na tulala. Tinabihan ko sya.
"Malaki na pala ang butas sa puso ng tatay mo. Sabi ng doktor baka hindi na sya makabalik sa trabaho lalo na't hindi sya pwedeng magbuhat ng mabibigat.", sabi ni Nanay.
Niyakap ko sya. Dun na lamang sya na paiyak. Alam kong nahihirapan sya ngayon.
" Pano tayo makakapagbayad ng bill dito sa ospital? Kulang pa rin ang sweldo ko. May gamot pang dapat bilhin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
"May awa ang dyos nay. Di nya tayo pababayaan."
Napaisip ako. Kung sasabihin ko kay Nanay na wala na kong scholarship, madadagdagan ko lang ang problema nya. Si kuya at ate Kris, college na. Si bunso, ga-graduate na sa elementary this school year. Pano na lang kami neto kung di maka pag trabaho si tatay. Tapos kulang pa ang pambayad namin sa ospital.
Nagpaalam muna ko sa kanila para umuwi at makapagbihis. Pabalik na ko sa ospital nang maalala ko ang inalok sa'kin ni ma'am Carmina. Wala na kong choice kundi ang gawin to. Ito na lang ang naiisip kong paraan para makapag-aral ako at makapagbayad sa ospital.
Sorry Nanay pero kailangan kong gawin 'to.
Pagbalik ko ng ospital ako muna ang nagbantay kay tatay. Mayamaya pumasok si kuya.
"Nay may nagbayad na po sa bill ni tatay!", sumbong nya
"Sino daw?", tanong ni Nanay
"Ayaw sabihin eh"
"Ganun ba? Dyos ko salamat! Kung sino man ang mabuting loob ang tumulong satin hulog sya ng langit"
Pumayag na ko sa gusto ni ma'am Carmina. Ayokong makitang problemado si Nanay kaya gusto ko syang tulungan. Hindi ko na sasabihin sa kanya ang ginawa ko. Ayokong mag-alala sya. Lahat gagawin ko para sa kanila. Ganun ko sila kamahal.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Ng Umasa
Teen FictionPara sa Paaaa. Para sa Umasa. At para sa patuloy paring Umaasa.