Akihiro's POV
Parang tinatamad akong pumasok. 3rd day palang to pero wala na kong gana. School really sucks. I hate school. Lahat ng problema ko dyan nanggagaling. Ngayon galit na naman si dad at mom sa'kin dahil sa babaeng yun. Kung di lang dahil kay mom di na ko mag-aaral. May sakit sya sa dugo kaya nagtitiis ako sa eskwelahan kahit ayoko.
Pagkatapos kung maligo at mag-ayos, bumaba na ko para kumain. May narinig akong boses sa dinning area. Boses ng isang babae pero parang pamilyar. Sinilip ko kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sya.
Anong ginagawa nya dito?
"Magnanakaw ka noh? Pano ka nakapasok dito?" Nilapitan ko sya at hinawakan ko ng pahigpit ang braso nya.
"Aray!", pagreklamo nya.
"What are you doing here?" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko.
"Aray! Bitawan mo ko. Nasasaktan ako!" Bigla ko syang binitawan kaya nasagi nya yung baso sa mesa.
"Tingnan mo ang ginawa mo. Nakabasag ka pa.", pang-iinis ko.
Sinamaan nya ko ng tingin. Agad nyang pinulot ang bubog. Hindi ko sya tutulungan noh. Sya kaya ang may kasalanan.
" Aray!", bulong nya. Nasugatan sya. Nakita kong dumudugo na yung daliri nya. Karma lang yan. Bagay naman yan sa mga pakealamerang katulad nya.
Kahit nasugatan na sya pinupulot nya pa rin yung mga bubog. Hindi ba nya gagamutin ang sugat nya. Hahayaan nya na lang na tumulo ang dugo nya. Hindi ba nya alam na pwede syang ma tetanus dahil sa ginagawa nya.
Nilapitan ko sya.
"Tumayo ka nga dyan!"
Tumingin lang sya sakin.
"Tayo!"
Hinawakan ko ang kamay nya at inalalayan syang tumayo
"Aray! Yung sugat ko"
Agad ko namang binitawan yung kamay nyang may sugat.
"Yaya! Pakilinis nga neto.", utos ko
" Anong nangyari? ", tanong ni mom
" Sorry po ma'am. Nasagi ko po kasi yung baso"
"Are you okay? Nasugatan ka ba?", pag-aalala ni mom
Nakita kong tinago nya yung kamay nyang nasugatan.
" Okay lang po ako", sambit nya.
Okay? Okay lang na nasugatan sya? Ganun ba sya kamanhid para di masaktan.
"So since nagkita na kayong dalawa mabuti pang wag na nating patagalin to", sabi ni mom. "Ariana this is my son, Akihiro. Anak she's Ariana at babantayan ka nya anywhere and everywhere you go"
"What? Are you insane? Hindi na ko bata para bantayan", reklamo ko.
"Yes, you're not a child anymore so don't act like one. Ayoko lang matulad ka sa kuya mo."
"Don't compare us because I'm not like him. Iba ako sa kanya. Hindi ako katulad nyang nakikipag one night stand"
Natigilan si mom sa sinabi ko.
"How dare you Aki. Whether you like it or not babantayan ka ni Ariana at sasabay sya sayo papuntang school everyday so be nice to her"
"Pero..."
"Sige na kumain ka na"
"Nawalan na ko ng gana. Papasok na ko"
Lumabas ako at sumakay sa kotse. Kung pwede ko lang sanang iwan yung babaeng yun kaso nandyan si mommy. Di na dapat ako nagpapahatid sa school. Hindi na ko pinapayagan ni dad na mag-motor dahil nga sa ginawa ko nung isang araw. Imbes na napapaniwala ko na sila na tumino na ko ngayon mas humigpit pa sila sa'kin. Ang masaklap pa eh pinababantayan na ko ngayon. Kung naka-motor ako ngayon di ko sya paaangkasin noh. Sya kaya yung dahilan kung bakit yun kinuha ni dad.
Tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin lang sya sa bintana. Naalala ko yung sugat nya. Di pa pala yun nagagamot. Bagay lang yan sa kanya, masyado kasing madaldal.
Tiningnan ko sya. Hawak-hawak nya lang yung daliri nyang nasugatan."Manong may first aid ba tayo dyan?", tanong ko
" Opo sir. Ito po ". Inabot nya sa'kin yung first aid kit.
" Kamay mo.", sabi ko
"Ayoko.", tanggi nya" Kamay mo nga sabi eh."
Di nya ko nilingon. Kinuha ko yung kamay nya. Nilinis ko muna yung sugat tapos nilagyan ng betadine gamit ang bulak.
"Aray!aray."
"Ang clumsy mo kasi.", pang-aasar ko.
" Ako pa ngayon ang sisisihin mo. Ikaw tong nanakit sa'kin kanina. Masakit kaya yung pagkakahawak mo sa braso ko kanina."
"So you're saying that it's my fault"
"Kanino pa ba"
"Tandaan mo may kasalanan ka pa sa'kin."
She just rolled her eyes. Ako pa ngayon ang sinisi nya.
Pagkatapos ko syang gamutin binitawan ko na ang kamay nya. Hindi naman ako anak ni satanas para pabayaan sya. Hindi ako ganun ka sama.
Pagdating namin sa school dali-dali akong bumaba ng kotse.
"Hoy sandali", pigil nya
Huminto ako at nilingon sya.
" Di mo ko kailangang batayan. Kaya ko ang sarili ko"
"Kahit anong sabihin mo hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko, yan ang sabi ng mommy mo"
"Magkano ba ang bayad ni mommy sayo, babayaran kita. Lumayo ka lang sa'kin"
"I don't need your money. Ginagawa ko lang to kasi nakiusap sa'kin ang mommy mo"
"Well you ask for this so welcome to hell" nginitian ko lang sya at inasar sa tingin ko.
Bahala ka Ariana. This is what you want then I'll give you what you don't want.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Ng Umasa
Novela JuvenilPara sa Paaaa. Para sa Umasa. At para sa patuloy paring Umaasa.