KARMA

5 0 0
                                    


HAHA! I was happy then kasi sino ba namang hindi matutuwa kung bumalik sayo yung taong mahal mo. Napaka saya ko. Kasi nabigyan ako ng isa pang pagkakataon na baguhin yung sarili ko. Na itama yung kalandian ko. Papatunayan ko sa kanya na tama na bumalik sya.

Ako: Ryan wag ka ng magcellphone jan.

Sya: (BUSY sa hindi ko alam kung anung ginagawa)

Ako: Huy! Anu ba. Tama na yannnnnn!

At inagaw ko sa kanya yung cellphone nya. Nanlaki yung mata ko kasi tinitingnan nya yung facebook ng ex nya.

Ako: Oh. Sorry. Pasensya na.

Yan yung unang paglunok ko sa pride ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wag kang iiyak. Lakasan mo yang loob mo. Baka sinadya nya lang yun para magselos ka.

Ako: (HUG) Iloveyou.

Sya: Ang korni mo naman oh

Ako: Bakit? Korni na ba maging honest?

Sya: Hindi. Wag ka kasing mang-aagaw ng cellphone ng may cellphone! Kung nalaglag to at nadungisan ang muka ng ex ko, ay sinasabi ko sayo.


Ako? In total shock? Owmygoodness. Mas may care pa sya sa muka ng ex nya na impossible namang magasgasan kesa sa cellphone nya? Dahil nagtitimpi ako sa selos, e binalewala ko nalang yung naramdaman ko. Baka kako gumaganti lang.


Lagi kong sinasabi na baka ganyan, gumaganti sya, kase ako naman yung nauna. Ako yung unang nagloko. Yung baka gusto nyang maramdaman ko kung gano kasakit maloko. Yan yung pangalawang paglunok ng pride ko.


Kinabukasan tinawagan ko sya:


Sya: Hello babe?

Ako: Babe??? Yuck. Wag mo nga ako tawaging babe. Pangalan na lang.

Sya: Edi mahal nalang

Ako: Ayoko.

Sya: Honey

Ako: Ay ang kulit. Sabi ng ayoko ng tawagan ih. Ashley lang

Sya: Ashley

Ako: Oh?

Sya: Aalis kami ng friend ko

Ako: Sino yung friend mo?

Sya: Basta. Ge bye

Tututooot...

Nung gabi na dahil bored ako. Hindi pa rin kasi sya nagtetext, nagopen ako ng facebook ko at ayun nasurprise ako, nagpost yung friend nya, naka-tag lang sya, na napaka saya nila, nakaakbay sya sa FRIEND nya. BABAE yung FRIEND nya. Hindi ko pa sya nakitang ngumiti ng ganun kasaya habang kasama ko sya.

Napatulo nalang yung luha ko bigla. Sabi ko, "Hindi. Friend nga db? Bat ka ba nagseselos. Wag kang tumulo huy. Tapos umiyak nalang ako buong gabi. Hindi nya rin ako tinext o tinawagan man lang. NAPAKASAKIT SOBRA. Mas masakit pa nung nakipaghiwalay sya sakin.


Narealize ko na, nakirot pala talaga ang puso kapag nasasaktan at dun ko narealize na, eto na ba yung 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Should I go or Move on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon