•KRRRIIIIINNNGGG!!!!!~•
Naimulat ko ang mga mata ko at bigla akong napa-upo sa kama nung narinig ko yung pag-alarm ng hello kitty digital alarm clock ko. Tinignan ko yung oras; 6:45 a.m.
(o ~ _ ~ o) Bakit parang may mali? 6:45 a.m...
May mali talaga eh. Ayan 6:46 na.
Ano bang mali?
Kumurap pa ako ng isang beses at mas lalong ikinunot ang noo ko.
"OMG! MALE-LATE NA AKO!"
Tsaka ko lang naalala kung ano nga ba talaga yung mali. Ang tagal talaga mag-process nung utak ko kapag kulang ako sa tulog! Huhu... Bakit kasi ini-snooze ko pa? 'Yan tuloy nasobrahan! Kasi naman, puyat pa ako eh~ (o > ~ < o)
Eh sino ba ang rason ng pagkapuyat mo?
Huhu, sino pa ba? Eh yung baklang mickey mouse na nag-concert kagabi. Kainis na baklang daga! Naisipan ba namang mag-karaoke. Letse naman eh, ang sakit kaya sa eardrums nung boses niya. Ay joke, maganda ang boses niya pero MAXIMUM YUNG VOLUME! Sino ba naman ang hindi makakatulog niyan!?! Pasado alas-dos na ata siya natapos. Para siyang Globe eh... 'Go lang ng Go!' T^T
Itinigil ko na ang pagmo-monologue ko at dumiretso nalang sa C.R. Napasigaw nalang ako ng wala sa oras ng makita ko ang dyosa kong mukha sa salamin. Mas malaki na yung eyebags ko kesa sa mata ko... for short, nangingibabaw na.
Gusto ko sanang umiyak pero dinaan ko nalang sa pagsipilyo. Sayang ng oras noh! Wala na akong time magdrama pa. Gustuhin ko mang mag-drama, wala namang lumalabas na luha.
Inalis ko na yung hello kitty kong pantulog at nagsimula nang maligo. After 5 minutes, natapos na din ako. Hindi naman sa minadali ko yung paglinis ng katawan ko, sadyang mabilis lang akong kumilos kapag kinakailangan. Isa yan sa mga naituro sa akin ni Mommy.
Binalot ko na yung katawan ko nung tuwalya at lumabas na. Kinuha ko na yung uniform ko na nakahanger mula sa walk-in closet ko na plinantsa ko pa kagabi. Syempre naman, ako yung tipo na hinahanda na yung mga gamit na gagamitin at hindi na umaasa pa sa iba lalo na kung wala naman akong maasahan. *sigh* Bigla ko tuloy namiss sina mommy.
Enebe... tama na ang drama, iiwan ka na ng paaralan.
Paano naman ako iiwan ng paaralan? May paa ba yun? (o - . - o) Ang weird talaga ni inner-self.
Lintek na asarol, male-late ka na!
Ay oo nga! Ano ba 'yan! Nawala talaga sa isip ko na nagmamadali ako. Aish.
Pagkatapos kong magbihis, kumaripas na ako ng takbo pababa at palabas. Peroㅡ
"ASAN YUNG ARAW!?!" Iyan nalang yung nasabi ko nung nakita kong medyo madilim pa sa labas at may extra pang crickets.
"Nasa outer space, saan ba nahahanap ang araw?" Biglang may nang-epal kaya napalingon ako sa pinanggalingan nito. Bumungad sa akin si Beki Mickey na pwerteng nakaupo sa sofa habang nakacross-arms. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang aga mo naman ata, hindi pa nga alas-kwatro oh."
Napatingin ako sa wall clock which is above the flat screen T.V. Nanlaki naman yung mata ko matapos kong makita na quarter to 4 palang pala NG UMAGA!

BINABASA MO ANG
The CHEATER & The FIGHTER: Sino ang mananalo?
Teen Fiction"Excuse me 'Mr. Gwapong panget ang ugali na walang matinong magawa', hindi mo ako laruan! Kung gusto mong lumaro, I recommend na bumalik ka sa Elementary dahil nandun ang mga kalahi mo! Isip bata!" ㅡNaomi Abigale Esteves