I was sitting beside the classroom's window. Eh sa nandito yung upuan ko, alangan naman lumipat ako ng upuan di ba? Baka mapagalitan pa ako ng prof namin. And besides, I'm a good, very good, really good girl. Yeah, I'm finicky but I'm not rulebreaker nor a b*tch.
Oops... wrong use of words. Bad mouth Naomi! That's a bad word!~ Okay, back to the topic.
Nakatingin lang ako sa school grounds... or should I say, tulala na ako? Well, nag-iisip lang naman ako kung ano ang pwede kong gawin para makabawi kay Beki Mickey mamaya.
Tama ang nabasa ninyo, magso-sorry ako kay beki. Dahil ako nga si good girl, nakonsensya ako sa ginawa ko kahapon. Ni hindi nga ako makatulog kagabi dahil feeling ko kahit panaginip ko baka multuhin ako ng bakla na yun. The result? A perfect circle of eyebags. What a masterpiece!
Tsaka isa pa, itapon mo ba naman yung cellphone ng iba na hindi waterproof sa tubig? Syempre, kahit ako magagalit ako kapag ginawa yun sa akin ng iba. Sabi nga ni Mommy, matuto daw akong pahalagaan ang pinahahalagaan ng iba lalo na kung importante sa kanila dahil may mga bagay na hindi maayos sa isang simpleng sorry lang. Ang galing humugot ni Mommy noh?
"NAOMI!!!"
"Ay siopao!" Napatalon ako sa upuan ko dahil sa gulat sabay napalingon sa sumigaw. "Kailangan talagang sumigaw? Like hello, nasa harap mo lang ako."
"WOW! NAGSALITA YUNG SNOBBER! SINABIHAN MO NA NGA AKONG SIOPAO TAPOS HALOS MAUBUSAN NA AKO DITO NG LAWAY SA KAKASALITA PERO HINDI KA NAMAN PALA NAKIKINIG!" She said sarcastically. I tilt my head sideward.
"Nauubos ba ang laway?" I asked curiously. Nagpigil naman ng tawa si Jaira at Alicia. Haley just rolled her eyes heavenwards.
"Whatever Naomi."
Lahat kami napalingon sa pintuan nang pumasok yung prof namin sa Advanced Algebra. As usual na gagawin ng mga estudyante, babalik sa permanent seat at sabay-sabay na maga-greet. Pero dahil ng sa ubod ng sungit yung prof namin ay hindi niya lang yun pinansin at nagsimula agad na magturo. Tss... kalalaking tao pero parang may period araw-araw.
30 minutes later...
"To get the blah blah blah, you need to blah blah blah..."
Ugh! Kahit ba naman sa lesson namin ay nagpaparamdam pa rin yung beki na yun! Please, I need concentration. I need peace of mind.
Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa tinuturo ni Mister Sungit kaso sadyang imahe ni Ken ang pumapasok sa isip ko. Wow, I called him Ken for the first time. Bonggacious!~
I tried to forget his handso---ugh... pretty face, para hindi naman siya ma-offend. But mas lalo lang lumalala at hindi na siya nawawala. Ginulo ko ang buhok dahil feeling ko mababaliw na ako dito anytime.
"PLEASE! TIGILAN MO NA MUNA AKO! AYOKONG MAPUNTA SA MENTAL INSTITUTION!" I screamed because of frustration.
Natigilan ako nang ma-realized ko na sumigaw ako... at the middle of the discussion.
Nagpigil ng tawa yung mga classmates ko at dahan-dahan akong lumingon kay Mister Sungit na kasing taas na ng mount everest yung kaliwang kilay niya. Halos manlambot yung mga tuhod ko at gusto ko nang magpalamon sa lupa. Uh-oh.
"Did you drink your medicine, Miss Esteves?" Napailing ako sabay kamot sa batok ko. "Then I guess you should really go to a mental institution dahil patagal ng patagal ay lumalala na yang kabaliwan mo. Sit down." Napayuko ako dahil sa hiya at umupo nalang ulit.

BINABASA MO ANG
The CHEATER & The FIGHTER: Sino ang mananalo?
Fiksi Remaja"Excuse me 'Mr. Gwapong panget ang ugali na walang matinong magawa', hindi mo ako laruan! Kung gusto mong lumaro, I recommend na bumalik ka sa Elementary dahil nandun ang mga kalahi mo! Isip bata!" ㅡNaomi Abigale Esteves