"Gen!!!"
Nadinig ko ang pagsigaw ni ate Shean mula sa aming kusina.Ngunit binalewala ko 'to. Laking gulat ko ng padabog itong umakyat ng hagdan at binuksan ang aking silid.
"Bumangon ka naman diyan.Kain na tayo." Iritado niyang saad sa akin.
"Sige susunod nako."
"Bahala ka!" Ayan lang ang huling nadinig ko at lumabas na nga siya.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng aking paboritong libro na Until Trilogy ni Queen Jonaxx. Adik na nga yata ako eh. It's been 2days na wala akong tulog. Alam mo yung pakiramdam na matapos mo lang yung isang buong book magpupuyat ka talaga. Sa dalawang araw na yan ay 5am na lagi ang aking tulog at gigising ng 9am para mag-almusal at magbasang muli. Madalas na din akong pinapagalitan ng aking Lola at kapatid dahil wala na daw akong ibang ginawa kundi magbasa ng magbasa.
Ako nga pala si Genevieve Mendoza,16 years old at isang Certified Bookworm.
3years old palang ako ay hilig ko na ang pagbabasa,Nag-umpisa ako sa ABAKADA at mga kwentong bayan. Nang ako'y tumuntong sa elementarya ay nagbabasa na ako ng mga books sa aming paaralan at kapag naman natatapos ko na ang mga kwento doon o mga article ay nagbabasa naman ako ng mga college books ng aking mama.Hanggang sa naging highschool ako at doon ko nakilala ang Wattpad.Hindi lang wattpad ang binabasa ko,Mapa-novel nila William Shakespear,Nicholas Sparks,John Green,Carol Rivers at madami pang iba.Samantalang sa wattpad naman ay sina Jonaxx,iDangs,Blue_Maiden,Marcelo Santos,Sic Santos at madami pang iba't-ibang kilalang author. Madami ang nagsasabi sa akin ng ganito:
"Ang boring kaya magbasa"
"Sus! Lahat ng tao marunong niyan,Hindi na dapat ipinagmamalaki."And so what? Lahat nga ng tao marunong bakit lahat ba ng tao isinasabuhay ang kanilang mga natututunan at ipinapasok ba nila sa puso nila.No!
There are some reader's out there or should i say people na pag nagustuhan babasahin pag natapos wala na,Masabi lang na nabasa at mema kwento lang sa barkada.Ako kasi yung tipong reader na babasahin,isasabuhay at isasagawa. Minsan pa nga pakiramdam ko isa ako sa mga character's ng binabasa,Para akong nage-explore sa iba't-ibang bansa o lugar ng hindi napapagod,Nakaka-kilala ako ng iba't-ibang klase ng tao at nagiging parte ng buhay ko. Hindi katulad bg mga reader's na nagbasa,nagustuhan,ikinwento sa iba tapos magiging fandom ng nga fictional character's pero wala naman natutunan. Well im also a fangirl of fictional characters.Pero mahirap ha! Malungkot din.
"Huy!! Kumain kana."
Agad akong napabalikwas ng upo ng biglang pumasok ang aking kapatid at sakto naman na tapos na din ang Book II ng Until Trilogy ni Jonaxx. Ibinaba ko muna ang aking libro at bumaba na upang kumain. Matapos kong kumain ay naghugas lang naman ng pinagkainan namin.well! As always at tsaka nag halfbath at naglinis ng sarili bago muling umakyat sa aking kwarto.
Hindi ako tambay sa labas o party-goer. Oo madami nagsasabi sakin na magaling akong pumorma,na RK daw ako dahil sa outlooks ko pero hindi ako gimikera. Minsan lang pag Malling,may family bonding,event na pupuntahan sa church o minsan naman ay sumasama sa aking mga kaibigan pero MINSAN lang. Actually madalang nga eh.
Nang makapag-bihis na ako'y agad kong kinuha ang aking libro at muling nagbasa.
Nang sumapit ang hatinggabi ay nagpasiya na akong matulog ngunit nasa point na thrill na ako.Kaya't hindi ako ulit natulog.3Days na.Hoho!
Mahimbing ng natutulog si ate habang ako,Eto mulat ang mata at nagbabasa padin.Kinaumagahan ay maagang nagising si Ate at ako'y gising pa din na maluha-luha.
"Oh bakit? Ano problema?"
"eh kasi The End na yung binabasa ko."
"Ayun lang naman pala.tss"
Umiling nalang ako dahil alam ko namang hindi niya ramdam ang napi-feel ng isang Obsessed reader o Bookworm dahil hindi naman siya reader o Bookworm.
Hindi ko namalayan dahil sa pag-iyak ko'y nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Fictional Character (One Shot)
Teen FictionAko si Genevieve Mendoza at isa akong reader.Not just a typical reader but an obssessed reader.I love books ever since. I started reading a book when i was 3years old and everyone always telling me this words "Mababaliw ka na!Tama na pagbabasa." But...