"Thank you" mahinang sabi ko at isinarado ang pinto ng kanyang sasakyan ng dahan dahan"Teka, ihahatid na kita" bumaba sya sa sasakayan at sinabayan ako sa paglalakad
Malamig ang hangin ngunit ang pakiramdam nito ay pamilyar, it felt like home somehow
Tahimik lang ako at maging sya dinSigurado ako tulad ko marami ding pumapasok sa isip nya
Bakit naging ganito?
Bakit ibang iba na kami sa dati?
Pano nangyare to?
Ano ng mangyayare sa amin?
Wala na ba talaga?
Di na ba maiibalik?
Sobrang sakit tanggapin ang katotohang nag tatapos talaga ang mga bagay kahit ayaw mo pa itong matapos
The memories keep flashing
"Clark ano ka ba! Wag mong masyadong bilisan baka mahuli tayo ohmygad you idiot!" sobrang bilis na ng takbo ng sasakyan at maging ng dibdib ko samantalang etong magaling kong boyfriend ay tawa lang ng tawa
"Di tayo mahuhuli wala na sa katinuan ang mga pulis pag alastres na ng madaling araw babe" yun lamang ang sinabi nya at pinaharurot na ang sasakyan nagawa pa nitong buksan ang radio
"Ayyy favorite ko yan babe ohmygad wooooh! We could waste a night with an old film, smoke a little weed on the couch in the backroom hideaway tentenenen tenenenten SAY YOULL NEVER LET ME GOOOOO AH HA HA AY"
With matching sayaw pa yan
Sabay kaming natawa ni Clark sa kabaliwan ko habang niyayakap kami ng malakas ng hangin
Tanging yabag at hininga lamang namin ni Clark ang naririnig sa aming pag lalakad
Parehas kaming mabagal ang lakad na tila ba ayaw na namin matapos ang paglalakad na ito, hindi ko alam kung ako lang ba ang ganuon ang nararamdaman o pati din sya