ANG NAYON ng Filii ay matagal ng lugmok sa kadiliman. Matatagpuan ito sa isang liblib na probinsya ng gitnang Pilipinas. At ngayo'y hindi na halos kilala sa bansa.Pinaniniwalaang may isang multong halimaw na kumukuha raw ng kaluluwa ng mga batang babaeng nasa edad na lima hanggang walo, dahil inosente pa ang mga ito at birhen.
Tatlong kaluluwang makukuha ay katumbas ng isang linggong pagiging anyong tao nito.
Hindi na mabilang ang mga batang namatay. Wala ring naglalakas ng loob na labanan ito. Marami na ang mga nagtangkang umalis sa lugar na iyon ngunit hindi pa man nakalalabas ng nayon ay namamatay na ang mga ito dahil sa isang aksidente. Aksidente ang siyang laging dahilan. Bagay na hindi na normal o hindi na masasabing nagkataon lang, sapagkat palagi na lang na iyon ang dahilan.
Ayon sa kuwento ng matatanda, ang babaeng multo raw na ito ay nagngangalang Ruwanda. Isang madre na nagmula sa karatig nayon ng Filii-ang Blis. Kinuyog raw ito ng mga tao at sinunog ng buhay sa dahilang pagpatay at pagkain nito sa isang bata. Pinaniniwalaang nabaliw raw kasi ito at sinapian ng demonyo.
Kahit nakaganti na ito sa mga kumuyog sa kanya ay lumipat ito sa Filii upang ipagpatuloy ang pagkuha ng mga kaluluwa. Isa sa hangarin nito ay muling mabuhay at muling pagsilbihan ang panginoon. Humingi ng tawad at itama ang lahat ng pagkakamaling nagawa. Ngunit maling-mali ang paraan niya.ANG LAHAT ng ito'y nais nang wakasan ng isang dating sundalo na si Aaron Logarta. Mas pinili niyang maging Evil Hunter kaysa sa pagsusundalo dahil gusto niyang maghiganti. Siya ang nag-iisang mamamayan ng Blis na natirang buhay. Nasa akademya siya noon nang maghiganti ang multo kaya nakaligtas siya.
At ngayo'y nagkukubli siya sa gitna ng kagubatan upang paghandaan ang planong pagpuksa sa multo.
MAHIHINANG daing ng isang babae ang nakapagpatigil kay Aaron mula sa pag-iinsayo. Malalim na ang gabi kaya nagtaka siya. Pilit niyang sinundan ang tinig at dinala siya nito sa isang malaking puno.
Nakita niya roon ang isang babaeng duguan. Naka-upo ito't nakasandal sa puno habang sapo ang nagdurugong binti.
"Anong ginagawa mo rito sa gitna ng kagubatan ng des oras ng gabi?" takang-tanong ni Aaron habang nilalapatan ng paunang lunas ang sugat nito nang dalhin niya ito sa kubo.
BINABASA MO ANG
Crafts Of Mind
FantasyCompilation of Fantasy Stories using different Subgenres. √ Supernatural √ Paranormal √ Fairytale √ Mystery/Thriller √ Horror √ Adventure √ Historical (...and MORE!) Let's play our mind through the maze of our imagination. Be sport and bring out...