Rank #3 on Phase 2, Literary Outbreak writing contest!
Genre: Fantasy-Adventure
Theme: Isolation
Element: Aokigahara Forest, Japan***
LAKBAY-BITAY
ISA NA NAMANG paglalakbay; isa na namang kabanata sa iyong buhay. Kailan ka ba madadala, Lucas? Kung kailan ikaw ay isa nang malamig na bangkay?
"Kapag nakuha natin ang kayamanang nakatago sa puso ng Aokigahara Forest, boom! Puwede na tayong tumigil sa pagiging treasure hunters," naalala kong sabi mo noong nasa Pilipinas pa lamang kayo.
Sadya ngang wala kang kinatatakutan noon pa man. Napahamak ka na ng ilang ulit. Minsan na ring nalagay sa kritikal ang iyong buhay. Ilang ulit ka nang muntikang mamatay. At sa tuwing mangyayari iyon ay pilit akong tinatawag upang dumulog sa 'yo. Nakahanda sa iyong tabi upang sunduin ang iyong kaluluwa, ngunit palagi akong nabibigo. Palagi kang nakakaligtas. Kaya naman ngayo'y narito na ako. Matamang nakamatyag sa 'yo. Sasamahan na kita sa bawat oras ng iyong paglalakbay.
"Lucas, baka may iba pang daan? Alam nating suicide forest 'to!" takot na saad ng isa mong kaibigan. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot habang walang magawang sumusunod sa 'yo. Dahil mas pinahahalagahan nila ang inyong pagkakaibigan.
"Wala ng ibang daan maliban dito, Gab. Huwag kang matakot. Walang pumapatay sa gubat na 'to. Kahit saang pahayagan mo tingnan, nag-suicide ang mga taong namatay dito. Hinaluan na lang ng ibang kuwento para pagtakpan ang nakatagong kayamanang narito," ngunit mariin mong sagot.
Ang isa mo pang kaibigan ay may bitbit na napakahabang tali. Mula sa bungad kung saan niya itinali ang isang dulo, magpahanggang ngayo'y hila pa rin niya ito.
"Para saan ba ang tali na 'yan, Jobe?" inis mong tanong sa kanya.
"Traces. Para hindi tayo mawala," paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Crafts Of Mind
FantasyCompilation of Fantasy Stories using different Subgenres. √ Supernatural √ Paranormal √ Fairytale √ Mystery/Thriller √ Horror √ Adventure √ Historical (...and MORE!) Let's play our mind through the maze of our imagination. Be sport and bring out...