THIS STORY IS UNDER HIATUS.
My apologies.~Raykosen
IntroductionIsa akong Comic creator. Siya naman ay isang Cosplayer.
Ako ay introvert. Siya nama'y extrovert.
Gusto kong buhayin ang mga kwento sa pamamagitan ng drawings ko.
Gusto niyang buhayin ang mga characters sa pamamagitan ng paggaya sa kanilang itsura.
Iisa lang naman ang passion naming dalawa sa buhay. Ang passion sa Art.
Art na tinatawag ng ilan na hindi kapakipakinabang sa lipunan.
Sa bansang tulad ng Pinas, ano nga ba ang maitutulong ng pagko-cosplay at pagko-comics?
Tinanong na ako kung kailan ako titigil ng sarili kong mga magulang.
Habang siya nama'y nilalait ng mga taong hindi nakakaintindi sa pagpapanggap niya bilang isang karakter sa isang araw.
Pero tuloy lang kami. Passion e.
Ako ay isang Comic Creator. Ako si Colt.
Siya naman ay isang Cosplayer. Siya si Colette.
Crush ko si Colette. Kaya lang, parang ang layo layo niya. Parang isang magkaibang mundo ang ginagalawan naming dalawa.
Cosplay at Comic. Magkaibang field of art.
Kapag pinagsama, Cosmic!
Oha oha!
Hilig ko talaga ang puns at paghaluin ang mga salita para makagawa ng bagong salita!
Kapag kami talaga ni Colette naging Cosmic Couple... Naku lang!