The 5th Floor that moves like Jagger

1.9K 91 58
                                    

Tristenpot Production presents

The 5th floor that moves like Jagger

A holloween special a

______________

Ako si Taeyeon 1st Yr. College student sa paaralang itago nalang natin sa pangalang Jaggerific bakit jaggerific? dahil sa klase ng karanasang nangyari sa akin

Isang ala-sais ng hapon noon , ako ay nasa classroom pa kasama ng isa ko pang classmate na si Kylie

"Ohh Taeyeon! hindi ka pa uuwi? ." ang tanong ng classmate kong si Tiffany na nag-aayos na ng gamit nya

"Ahh mamaya maya pa ako eh may tatapusin lang." sabi ko

"Oh sige, una na ako ha." sabi ni Tiffany na lumabas na ng pinto

"Sige! buhbye! ." sabi ko na nagwawave pa

at pagkatapos nun eh nagpatuloy na ako sa ginagawa ko

nagtaka ako ng biglang may estudyanteng tumabi sa akin

"Ahh estudyante ka rin dito? ." ang tanong ko sabay tiningnan siya, same uniform kami pero nakita ko ang kanyang mata na para bang madilim , na para bang malungkot at malaki ang pinoproblema, na para bang may malaki syang dinadalang sama ng loob pero natural parin naman ang mukha nito

"Tinatanung pa kita eh same uniform pala tayo hehe ." sabi ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko

"Alam mo ang hirap maging college no andami daming ginagawa , nakakairita na nga eh! tapos yung ibang profs ang baba pang magbigay ng grades ." sabi ko habang gumagawa parin

ng mapansin kong nawala siya sa tabi ko , bigla akong napatigil sa ginagawa ko at hinanap kung nasaan na siya at nakita ko nalang na nasa may bandang pintuan na pala siya

"Ohh aalis ka na ba? sabagay gabi narin sige baka hinahanap ka na sa inyo." sabi ko na nakatingin sa kanya

pero nakatingin lang din siya sa akin na wari mo'y may nais pinaparating

ng biglang may nagtxt sa akin

~~~~~~~~

From: Jiwoong (ang kuyakoy ko)

hoy! Taeyeon di ka pa daw umuuwi nasa school ka parin ba? Susunduin kita kelangan by 7:20 nasa baba ka na ng school nyo!

~~~~~~~~~~~~~

To: Kuya

Opo boss pababa na po ! sige aayusin ko lang ang gamit ko

~~~~~~~~~~~~

hindi ko namalayang mag aalas-siete na pala , tiningnan ko ulit yung babae sa may pintuan pero wala na ito, hindi ko namalayan yun ah pero hmmm baka nga lumabas at umuwi na nga

inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng classroom , grabe ang layo pa ng gate malamang 5th floor to eh

ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan , aruy naman bakit ngayon pa oh!

kaya naman nagpunta muna ako sa aming c.r

kasi naman bakit nasa dulo ang c.r , no choice kundi maglakad sa pagkahaba-habang hallway na ito Tsk. hassle

habang naglalakad ako papuntang C.R bigla akong nakarinig ng sipol

kaya naman napalingon ako at inisip kung may tao pa

pero wala akong nakita kundi mga saradong pintuan lang

hindi ko nalang iyon pinansin at binilisang maglakad

The 5th Floor that moves like JaggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon