Chapter 2:Riot

7 0 0
                                    

Zera's P.O.V

I'm still bothered about my dream yesterday. What a scary dream. Sana walang mangyari sa amin lalo na kay Mavis at Richee. Sila yung biktima ayon sa panaginip ko.

"Woooy! Ganda! Gising na. Buhusan kita diyan ng malamig na tubig."

Ang aga-aga nangiistorbo 'to. Ano daw? Buhusan ng tubig? Eh hindi nga siya makapasok dito sa kwarto eh.

"Ayaw mo talaga hah."

Hayys. Salamat tumahimik na rin. Makakatulog na ako ng mahIMBINGGGG!!! " Wahhhh!! What the?! Why did you do that?!"

Buhusan ba naman ako ng malamig na tubig. Kahit kailan talaga tong ate ko. Ginagawa ko ba yon sa kanya? Hindi!

"Ayaw mo kasing gumising eh kaya ayan. Ayos lang yan para diretso ligo ka na."

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag imbis na gantihan ako ngumisi na lang siya. Nangaasar talaga siya eh.

Padabog akong umalis sa kama pati sa pag punta ko sa banyo padabog rin.
Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si ate nakaupo sa kama ko."Ano pang ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.

"Edi aalis na. Bahala ka may ibibigay pa naman ako sa'yong maganda."

Na-curious agad ako dun. Ano kaya yun? Maganda nga ba yun? Baka naman ginugudtime lang niya ako.

"Ano yun?"mataray na tanong ko. Siyempre dapat ganon.

"Mamaya na paggaling mo ng school. Pinagpaplanuhan ko pa kung ibibigay ko pa ba sa'yo. Sige na bihis ka na male-late ka na."

Ano ba yan. Pa-suspense masyado. 'Hindi naman special'.

"Ano yun?"

"Wala yun ate. ^-^ nvm."
Hayyss nag patay malisya pa ako ng di oras.

Lumabas na siya ng kwarto ko at nagbihis na ako. Bumaba ako tapos nakita ko si mama may niluluto. Hmmm.. ang sarap ng amoy. Alam ko yan. Adobo as always. Nakasanayan na namin mag-almusal ng adobo once in a two days. Kahit araw-arawin pa yan hindi ako magsasawa, luto yan ng mama ko eh.

"Good morning ma..."tumingin ako kay ate a nakaupo sa upuan dun sa lamesa,"...Bad morning to you."sinabayan ko ng sama ng tingin pero napangisi lang siya.

"Good morning to you, too anak. Upo na dali. Kakain na. Masarap yan pag mainit pa kaya kain na."

Ang sarap talaga ng luto ni mama kahit kailan. Sarap ulit-ulitin,"Ma nasan si papa?"tanong ko.

"Maagang umalis, may meeting daw eh. Ewan ko ba kung bakit ang aga. Hindi na tuloy siya nakapagpaalam sa iyo."

Ohh. Wala sakin maghahatid sa school nito. May kotse pa naman kami na isa kaso hindi ako marunong mag-drive.

"Sino maghahatid sakin ma sa school? Magta-taxi na lang ako."

"Hindi. Hindi ka magta-taxi. Yang ate mo marunong magdrive yan kaya siya na magdadrive para sayo. Kung magtataxi ka,sayang lang pamasahe."

Bigla akong napatingin kay ate at ayun nakangisi siya sa akin. Wahhh! Si ate? NUUUUUUU!

"Ma!! Dapat ako rin marunong magdrive. Unfair kung siya lang diba?"

Hindi to nasabi sakin ni mama at papa. Lalong lalo na yan si ate. Wala namang balak yan magsabi sa akin eh.

"Hindi pa pwede. Pero sasabihin ko rin sa papa mo tungkol dyan. Pag pumayag siya papayag na din ako."

Yayy!! I'm so happy right now. Kala mo ate ikaw lang? Welp, ako rin.

---

"Hoy ganda! Bilisan mo diyan. Bagal-bagal mo para kang uod."

My Shitty GangsterWhere stories live. Discover now