Chapter 3:Death Threat??

3 0 0
                                    

Zera's P.O.V

Isang linggo na yung nakakalipas simula nung nangyari. Ayos na rin sila Mavis at Richee. Minabuti na naming hindi na sabihin sa magulang nila kasi alam naman namin na ilalayo na nila kami sa isa't-isa. Yung regalo ni ate sa akin? Ayun hindi natuloy. Nakakabwiset nga eh. Inaasahan ko pa naman yun tapos. Tss.

"Ang lalim ng iniisip mo hah? Ano yun?"

Napatingin ako kay Warrod. Wala namang mawawala kung magopen-up ako sa kanya eh after all, kagrupoko naman siya. Hayys. Sige na nga,"Ginugulo pa rin kasi ako nung note na yun eh. Hanggang ngayon tinutukoy ko pa rin kung sino o ano yung ibig sabihin ng BS at kung anong pakay nila sa atin."

Umupo siya sa tabi ko per dinedma ko na lang. Kailangan ko rin ng makakausap."Alam mo huwag mo munang isipin yun pwede? Mamaya pumangit ka niyan eh."

Siguro nga. Minsan may sense din kausap si Warrod pedo minsan non-sense puro kasi pagfi-flirt yung alam.

"Sige una na ako."sabay alis.

Wala na akong magawa kaya pumunta ako sa upuan ni Mavis. Hanggang ngayon ang tahimik niya,"Mavis,pwede ba kitang makausap? Tungkol sa nangyari noon. Ano ba talagang nangyari say...",hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lanh niya ako niyakap tapos himagulgol na siya sa pag-iyak.

Sa totoo lang, naaawa na ako para sa kanya. Parang ang sakit ng dinaranas niya ngayon. Feeling ko, parang gusto kong saluhin lahat ng yon eh.

"Zera, please help me..."

Huh? Help me daw? Ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa ni Richee. Hayys. Nangangamba na talaga ako.

"Ano ba talaga yung eksaktong nangyari Mavis? Sino yung nanakit sa inyong dalawa ni Richee?",hindi agad siya nakapagsalita at umiwas din siya ng tingin. Mas lalo lang talaga ako nacu-curious eh.

"Zera, mag-ingat tayo. Dapat bantay sarado tayo sa mga sarili natin. Please lang oh.", umiyak na naman siya. Nakakapanibago lang. Hindi na siya yung Mavis na kilala ko. Wala na yung childish na Mavis.

Niyakap ko na lang ulit siya. Pagkatapos non may pumasok na teacher. Wow lang hah. Tingnan lang natin kung makatagal siya dito.

"Good morning class.",bati niya sa amin. Kitam? Eh wala ngang bumati sakanya eh. Kung ako sakanya lumayas na lang siya dito. Wala naman siyang magagawa eh.

"I said GOOD MORNING CLASS!!"

O__O Halos lahat sila napa 'Good Morning' dahil don. Wow. Iba siya sa mga teacher na sumubok na pumasok sa room namin. I like her. I think I play with her.

"Ok that's good. Sit down. So ngayon ako muna yung magiging teacher niyo pansamantala kaya lahat ng palatuntunin ko susundin niyo..."

Nag-ayos siya ng mga papel tapos isa-isa kaming tinitingnan. Ok. I admit it. She's scary.

"Bago magumpisa ang lahat. Magpakilala muna kayo."

Magpapakilala pa? Hayys. Pagkasabay nun ang pagdating ni Warrod napatingin siya kay maam,"Good morning maam."

Tumingin lang si miss mataray sa kanya,"Sige umupo ka na. Kagaya nga ng sinabi ko, magpapakilala kayo isa-isa kaya prepare yourselves."

"Pero Maam, hindi na namin kailangang gawin yon. Kilala na naman namin yung isa't-isa eh.",sambit ni Warrod. Yeah my point siya. Ano pa nga bang point ng pagpapakilala kung kilala ka na naman ng mga tao sa room.

"May reklamo? Bakit? Kilala ko ba kayo? Hindi naman diba? Kaya sa ayaw at gusto niyo, magpapakilala kayo. Are we clear?"

Yeah right. Bwiset. Kailangan pa ba yon? Eh wala ka naman dun matututunan eh. May lesson ba dun? Hayyys. .__.

My Shitty GangsterWhere stories live. Discover now