Nashlee POV
kasalukuyan kaming naglalakad ng tahimik sa loob ng mall, tinignan ko si Kai na mukhang may hinahanap.
"Ayun! Tara." Hinila nya ko papasok ng isang---
"SALON?!" Lumapit samin ang isang bakla.
"Oh? Kai, long time no see nung last kitang nakita e yung kasama mo si Trisha-- Oh? Who's that girlalu?" Tanong nya ng makita ako
"Ah. Frei meet Nashlee, ikaw ng bahala sakanya huh? Make her pretty. Babalikan ko nalang sya dito after--- itext mo nalang pala ako NashLee."
"Wala akong number mo baliw kaba? Tsaka anong ginagawa ko dito kingina mo ba? Ayoko dito! Uuwi na ko!" aalis na sana ako ng bigla nya kong hawakan sa kamay at titigan sa mata
"Please. Kung ganyan yung itsura mo walang magiging epekto yun kay Trisha, gawin mo to para sa plan natin." Napahinga ako ng malalim at naglakad palapit sa baklang si Frei.
"Thanks, Ittext kita tapos isave mo yung number ko. Babalik ako kasama ang EXO!" umalis na sya
"Tara na girl simulan na natin ang make over mo."
Dalawang oras na ang nakakalipas kaya inaantok na ko. Di ko makita ang sarili ko kasi nakatakip yung salamin. Tch! Anong trip yun?
"Haist." Iritado kong sabi, tagal naman!
"Alam mo kung tutuosin? Mas maganda ka kaysa kay Trisha, mas sexy at mukhang mas mabait ka." Frei
"Talaga?" Bored kong sabi
"Yup, dinala na din sya ni Kai dito nung sabay silang nagpakulay ng buhok. Napakamaldita, ewan ko nga kung bakit gustong gusto sya ni Kai eh."
"Gusto nga ni Kai na ligawan ko sya para pagselosin yung ex nya at balikan sya eh."
"Haha, So kaya ka nya dinala dito para sa plan na yan?" Frei
"Yup. Sa ayaw at gusto ko kailangan kong ligawan ang isang Kim Jongin."
"Pero may gusto ka naman sakanya diba?" Tinignan ko sya dahil sa sinabi nyang yun
"Pa.. paano mo nasabi?"
"Naku ate mong girl, yung tingin mo palang sakanya halatang halata na eh."
"Sa tingin mo nahahalata din yun ni Kai?"
"Hindi ko alam, alam mo namang bulag si Kai dahil na kay Trisha lang mga mata nya. Pero ikaw, dapat yang feelings mo para kay Kai ay hindi na lumalim dahil pag lumala pa yan panigurado ikaw lang ang mahihirapan sa bandang huli."
---
Nakatayo ako sa labas ng salon. Ilang minuto na ang nakakalipas ng matapos ang make over chuchu namin ni Frei.
"Putangina nun ni Kai huh, kanina ko pa sya tinext huh!" Pinadyak padyak ko yung paa ko
"Kanina pa ko pinagtitinginan ng mga tao dito eh. Shit kasi tong si Frei ayaw akong patinginin sa salamin, di ko tuloy alamm kung anong itsura ko." okay, nagsisimula na kong kausapin ang sarili ko.
Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki na naglalakad palapit sakin, nakita ko si Kai na kasama nila at nagtatawanan.
"Woy kai! Ang lakas ng loob mong tumawa e kanina pa ko naghihintay sayo dito!" Pumamewang ako sa harap nya
"N..nashlee?!" Gulat ng sabi nya
"OBVIOUSLY!!"
"Woooh! Sabi mo Kai pangit sya? Maganda naman huh!" Sabi ni Chanyeol
Yup.. kilala ko silang lahat, kasi nga basta!
"Hi mith~ Ako nga pala thi thehun." nilahad nya ang kamay nya kaya nilahad ko rin yung akin, imbis na kamayan ako ay hinalikan nya ito.
"Ano naman si Suho." Inagaw nya ang kamay ko kay Sehun at nakipagshake hands
"Baehyun here! Ang ganda ng eyeliner mo."
"Chanyeol. Hahahaha!" Nagderp sya at nakipagkamay
"Dyo." wait, bat ang cold ng pagpapakilala nya? Nagseselos ba sya? Omg! KaiSoo is real~
"Luhan~" Lumapit sya sakin at nakipabeso beso.
"Kris." Nagbow lang sya
"Tao-shi." Nagbow din sya
"Chen chen machine~" kinindatan nya ko na syang ikinagulat ko
lumapit sakun si Xiumin at itinaas ang polo nya
"I'm Kim Minseok, mas marami akong abs kaysa kay Kai." Asdfghjkl! Yung abs nya kumakaway sakin. Pwede bang hawakan? Charot lang!
"Lay, gusto mo rin ba ng unicorn?!" Yung mukha nya habang tinatanong yan ay sobrang amo. Shit~
"Hi sainyo. I'm Nashlee Oira, you can call me Nash. Wag nyo kong tatawaging Lee kung gusto nyo pang mabuhay." Napalunok sila ng laway
"Ay, Nash para nga pala sayo." Isa isa nilang inabot ang paper bags na hawak nila
"Ano to?!"
"Damit yan. Gusto ko yan yung suotin mo pagpasok bukas." Kai
"What?! Di ko yun gagawin no, ang mga katulad ko ay dapat nakauniform at hindi gumagaya sainyo na mga rich kid. Tch!" inabot ko ulit sakanila yung paper bags kaso di nila ito kinuha.
"Sa ayaw at gusto mo dapat isuot mo yan. Alam naming required sa scholars ang uniform--" Kai
"Alam mo naman pala bat mo pa--" tulad ng ginawa ko pinutol nya rin ang sasabihin ko
"Ako ng bahalang kumausap sa dean. Tara na." Tinalikuran na nila ako
"Uuwi na ko." Tatalikod narin sana ako ng bigla nya kong hilain
"Kakain pa tayo at ako na maghahatid sayo." Kai
Shit, Please Kai. Stop being nice!
"Ahm. Kai, pwede mo ng bitawan yung kamay ko kasi naglalakad naman na ko kasabay nyo at di naman ako aalis." Pagkasabi ko nun ay agad nyang binitiwan ang kamay ko at tinabihan si D.O
"Pft. Hahahahaha!" Napalingon ako sa likod ko at nakita si Chanyeol at Baekhyun na tumatawa
"Tangina nyo, ako ba pinagtatawanan nyo?!" Pinagitnaan nila ako.
"Hindi ikaw, yung ginawa ni Kai yung pinagtawanan namin." Baekhyun
"Hahahaha! Grabe hawak hawak nya talaga yung kamay mo!" Chanyeol
"Tch. Tuwang tuwa na kayo nyan?"
"Halata ba? Kaya nga kami tumatawa kasi tumawang tuwa kami. Hahahahaha!" Baekhyun
"Kala ko ba matalino ka? Bat di mo alam na tuwang tuwa kami? Hahahahaha!" tumatawa sila habang pumapalakpak.
"Palong palo ang mga gago." Bulong ko
"Woy Chanyeol at Baekhyun! Tigilan nyo nga yang panttrip kay Nashlee!" Saway ni Suho
"Patangkad ka muna! Hahahaha!" Chanyeol
"Epal si Suho hyung dito lang yung usapan oh!" Nagsign si Baekhyun ng guhit sa likod namin pahiwatig na di kasama si Suho sa usapan
"Leche talaga kayong dalawa! Wag kayong magpapalibre sakin huh?!" Pagbabanta ni Suho
"Kami nalang manlilibre sa isa't isa diba Yoda? HAHAHAHAHA!" inakbayan ni Chanyeol si Baekhyun nauna ng nag lakad.
Tinabihan naman ako ni Suho
"Pagpasensyahan mo na yung dalawang yun Nash, Mga baliw lang talaga yun."
"Ayos lang. Sanay na ko."
"Anong sanay?"
"A..ah wala wala."
napahinga ako ng malalim, di na ba talaga nila ko natatandaan?
![](https://img.wattpad.com/cover/23668805-288-k58172.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting Kim Jongin
FanfictionEXO SERIES #8 [Kim Jongin FF] "I don't like him but I need to court him." STATUS: C O M P L E T E D #663 in fanfiction