P a n g a n i m

762 26 19
                                    

Nashlee POV

Nilingon ko ang bestfriend kong kanina pa nakatingin sakin, di nya ko magawang lapitan or kausapin dahil hanggang ngayon nasa loob pa ng classroom ang terror teacher. Alam kong magwawala to mamaya.

"NAAAASH!!!" Ayan na sya~ tumakbo sya palapit sakin at tinitigan ako

"NAAAASSSSHHHH!!! BAT NAGING BABAE KANA?!! GHAAAD~ ANG GANDA GANDA MOO~" napatakip ako ng tenga

"Inamu ka best. Wag ka ngang maingay katapat lang kita!" Napatakip sya ng bunganga

"Pasensya na. Kala ko ibang tao yung nasa upuan mo eh. Jusko~ Ang ganda ganda mo!"

"Tch! Tara na nga Mariz puntahan natin si Kai sa room nya." Hihilain ko na sana sya ng bigla sya lumayo

"Ayoko best, Puro rich kid nandun! Nakakahiya." Yumuko sya kaya hinila ko na talaga sya

"Wag ka ngang maarte best. Pareparehas tayong estudyante dito wag silang maginaso."

---

Tingkayad ako para makita si Kai sa loob ng classroom nila kaso di ko sya makita

"Tagal naman magpalabas ng teacher nila gutom na ko." Pagmamaktol ko

"Tara na kasi best, sa room na tayo kumain may biscuit akong baon dun! Dali na! Nahihiya na talaga ako sa building nila ih, first time kong pumunta dito." Pagkasabi nya nun ay biglang lumabas ang EXO sa room nila

"Hi, Ikaw ba si Mariz? Narinig namin na nahihiya ka dito sa building namin. Waeyo? Ang pagkakaiba lang naman natin ay scholars kayo sa building nyo samantalang kami hindi kaya wag ka ng mahiya." Nginitian sya ni Suho. Ang bait talaga nitong leader na to

"Hi." Nabihan ako ni Kai

"Hi hi-yin mo yang mukha mo! Anong meaning ng K3U huh!" Bungad ko sakanya

"Ano ba Lee, wag ka ngang sumigaw!" Sigaw nya sakin

"Anong wag sumigaw! sinisigawan mo nga kong hinayupak ka!" Tinakpan nya ang bibig ko at hinila ako papuntang cafeteria

"Ingay mo talagang babae ka." Bulong nya sakin habang naglalakad kami samantalang ang EXO at si Mariz ay nasa likod lang namin

Pilit kong inalis ang kamay ni Kai sa bunganga ko

"Puta! Ang baho ng kamay mo!" Pagkasabi ko nun ay nagtawanan ang EXO sa likod namin

"Kapal ng mukha mo Lee, mabango to! Hininga mo lang yung mabaho!" Bulyaw nya sakin kaya agad ko syang piningot

"Aba! Sino bang nagsabing takpan mo bunganga ko?!" sabi ko habang pinipingot parin sya

"Ang baho kasi kaya tinakpan ko." Asar nya

"Tangina mo. Tara na Mariz sa room nalang tayo kumain." Aalis na sana ako ng bigla akong akbayan ni Kai

"Joke lang to naman. bango kaya ng hininga mo Lee, pakiss nga." Ngumuso sya

"Lalayo ka o sasapakin kita?" Mahinahong tanong ko. Inalis nya ako pagkakaakbay sakin at lumayo ng konti sakin pero nakapout parin

"Ako nalang kkiss sayo Kai!" Tumakbo palapit sakanya si Chen at muntikan na syang ikiss mabuti nalang ay nakatakbo si Kai papasok ng cafeteria kaya tumakbo na rin kami papasok doon.

Pagpasok namin ay nanahimik ang buong paligid at ang mga mata nilay nakatitig samin.

"Tatanggalin nyo yang tingin nyo samin o tatanggalin ko yang mata nyo?" Cold na tanong ni Kris kaya agad silang umiwas ng tingin at nagbulungan

"Ititigil nyo yang pagbubulungan nyo o puputulin ko yang dila nyo?!" Maangas na sabi ni Tao kaya nanahimik ang mga tao sa paligid at itinuloy ang pagkain.

"Mariz anong gusto mo? Libre namin." Xiumin

"Ah. kung anong gusto ni Nash yun din sakin."

"So Lee. Anong gusto mo?" Kai

"Ano bang masarap jan?" tanong Ko habang kakatingin sa menu sa itaas ng counter.

"Lahat masarap." Sabay sabay nilang sabi

"Sige. Lahat yan gusto ko." Nakasmirk kong sabi

"What?!" Sabay ulit nilang sabi

"Sabi nyo lahat masarap. Edi lahat yan gusto ko. Libre nyo naman eh."

"Best. Sobra naman ata yan." Bulong ni Mariz sakin

"Hati na kami ni Mariz." Nakangiti kong sabi

"Sobrang dami nyan baka di nyo maubos." Luhan

"Edi iuuwi namin yung iba. Kung ayaw nyo sa room nalang kami kakain ni Mariz. Tara na best
" akmang hihilain ko na si Mariz ng pigilan kami ng EXO

"No. No. Stay. Sige na umupo na kayo dun, wait nyo kami." Suho

Naglakad kami palapit sa upuang tinuro nila.

"Best ang dami nun." mariz

"Kulang pa yun! Kulang pa yun sa pagkalimot nila sating dalawa Mariz. Dapat bumawe sila satin."

Courting Kim JonginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon