Chapter 23 - Happy

40.4K 928 14
                                    


Chapter 23 - Happy

~

UNANG KAARAWAN ni Zera. Maayos ang lahat at talagang pinaghandaan. Typical kids party of a rich peoples. Sa totoo lang, ayaw sana ni Zia na magpa-party ng ganito kabongga. Hindi pa naman iyon ma-aappreciate ng anak niyang si Zera dahil maliit pa ito, marami pa namang kaarawang magdadaan e. Ang gusto niya sana ay maliit na salo-salo lamang sa kanilang buong pamilya na mariin namang tinutulan ng mga magulang niya. Masyado talagang na-ispoiled ang anak niya.

Halos lahat ay narito. Kanina nga ay kausap niya ang kaibigan niyang si Aileen, kasama nito ang anak nitong si C.A. Nagulat pa nga siya ng malaman niyang ikakasal na ito sa kapatid ng dati nilang Boss sa Heluxus Hotel. Tinudyo niya pa nga ito na masyadong malihim ngunit bumalik din sa kanya ang sinabi niya sa mga ito. Mas malihim daw siya dahil walang kaalam alam ang mga ito sa mga nangyayari. Si Belle naman ay panay lang ang ngiti sa kanya. Karga karga nito ang dalawang taong gulang nitong anak na lalaki, si Rocky Costalles. Somehow, alam ni Zia na may alam si Belle, knowing her husband, naku! Alam naman niyang magkaibigan at kasali sa iisang grupo ang mga asawa nila.

Oh, her bad! Ex-husband na pala iyong sa kanya. Ewan niya ba, naasar siya kay Leon. Halos magalit na nga sa kanya ang Daddy niya dahil hinahayaan niyang sa kanya umuwi si Leon pero hanggang ngayon mukha namang walang balak na alokin siyang magpakasal muli ng binata.

Duh! Halos gabi gabi nagpapa-angkin siya sa dati niyang asawa. Halos araw-araw silang nagpapalitan ng salitang ‘I love you’. Kulang na nga lang ang kasal sa kanilanh dalawa. Pero mukhang hindi naman iyon ibibigay ni Leon sa kanya.

Napangiti siya ng makita niya ang mga kapatid ng dati niyang asawa.

Sina Jaguar at Falcon.

Nakangiti ng malapad sa kanya si Jaguar habang si Falcon naman ay nasa usual facial expression nito. “Hey! Hey! Where is my beautiful niece?!”

Natawa siya. “Late kayo!” Tudyo niya sa mga ito. “Nasaan ang regalo niyo?!”

Jaguar chuckled. May inabot ito sa kanyang malaking box. Parang mga libro ang laman noon. “Yes, it's a book Zia. And oh, you're wrong if you were thinking that it was story books. Historical books yan ng buong mundo.”

“Ano?!” Nanlalaki ang mga mata niyang tanong kay Jaguar. Hindi kasi siya makapaniwala.

Muli ay natawa ito. “I want her to know the history of the world. Specially in China, our origin. Namana pa naman ng anak mo iyong mga mata namin.”

Napairap nalang siya. Oo nga't naman iyon ng anak nila ni Leon. Halos xerox copy nga ito ng dati niyang asawa. Kumbaga, babaeng version ni Leon. Pero iyong kulay ng mga mata niya ay kanyang kanya. Zera also has a butterscotch color of the eyes. And she looked even more beautiful on that.

Napatingin siyang muli sa magkapatid ng magsalita si Jaguar. “Hey, Falcon! Give to her your give for Zera.”

Tumango naman si Falcon. Ganoon naman ito panay. Hindi nagsasalita, para bang ayaw nitong masayang ang laway nito.

Napakunot ang noo niya nang isang brown envelope ang inabot nito sa kanya. Nagtatakang napatingin siya sa magkapatid. Kita niyang nagpipigil ng tawa si Jaguar habang poker face pa din si Falcon. Na-curious tuloy siya kung ano iyon.

Literal niyang nabitawan ang hawak niyang envelope ng makita niya kung ano ang laman niyon.

“What the hell?!” She exclaimed. “What in this world are you people?! Ang bata bata pa ni Zera! Your gifts are supposedly toys.”

Tawa naman ng tawa si Jaguar sa kanya. “See?? Mas OA yung gift niya sa gift ko!”

Falcon cleared his throat. “It was a life size doll house in the Island in Palawan. It was now on, Isla Zera.”

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon