Entry #7

23 0 0
                                    

Dear Diary,

Sembreak naaa! Woohoooo hiyeees! Alam mo ba diary, nagiging stalker na ako e. Sa tuwing may kahina-hinalang pinupuntahan si Matt at Jynelle, sinusundan ko (malamang kaya nga stalker e) kasiii naman. Nakakapag-taka kaya yung pagbabago ni Jynelle! Hindi na sya yung issue sa campus araw-araw! Ang tahimik na din nya, hindi nambubully, tapos may nagbabago na din sa katawan nyaaa omg. And na-confirm ko na! Preggy nga sya omg I can't believe it! Nung sinundan ko sila sa clinic para sa mga buntis. Haruuujusko di ba nakapag-tiis si Matt? Hindi pa naman agree ang parents nya sa teenage pregnancy! Hay jusko! Nakakaloka ng bongga! Kaya pag nalaman ng parents nya na nakabuntis sya, di na ko magugulat kung itatakwil man sya. I'm serious! Nawawalan na talaga ako ng pakialam sakanya. Pagkatapos ng sembreak at pag natapos na yung OJT, graduate na kami owyes! Ang kailangan ko nalang ay focus focus focus. Wag magpapaapekto dun sa dalawa. Kaya ko 'to! I'll graduate with flying colors! Yiiii excited na kooo! Nai-imagine ko na aakyat ako sa stage habang naka-toga, omggg! Soon, I'll be Engr. Maria Erika Jenn Reyes. Hayy ang sarap pakinggan. Btw diary, nakaupo ako dito sa couch ni Gilliane sa kwarto nya habang pinapanood sila ni Aeron mag-just dance. Hayy ang sweet sweet nila. Kelan kaya ako magkaka-lablyp? Hindi naman sa pagmama-yabang, diba nga kasi madaming nanliligaw sakin dati? Tapos binabasted ko lang kase nga si Matt yung labidabs ko. Yung isa ko ngang manliligaw dati, si Theo, naging crush ko yun diary! Ideal man kaya sya. Matalino, gwapo, mabait, may humor, gentleman, as in lahat ng gusto ng babae nasa kanya na. Bonus nalang yung mayaman sya. Kamusta na kaya yon? Nga pala, pagtapos ng graduation, pupunta daw kami nila Gilliane sa Paris kasi 8th anniversary nilaaa! Omg! Kenekeleg eke 😍 andd, shh ka lang diary, magpopropose na daw si Aeron kay Gilliane! Hahays excited na kooo! Ako yung videographer hehe. Bye for now nagugutom na ko e.

Mala-Sherlock Holmes sa pag-iimbestiga,
Erika ❤

Diary ng Babaeng Medyo InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon