Entry #3

26 1 0
                                    

Dear Diary,

Tinext ako kagabi ni Matt. At dahil syempre assumera ako, inisip ko na aamin na sya sa lihim nyang pagtingin sakin. Pero hindi! Huhu. Samahan ko daw sya sa mall dahil bibili ng i-reregalo kay Jynelle. Malapit na daw kasi birthday nung malandi na yun. Nagpapatulong pa kung ano daw magandang i-regalo dun! Ngali ngali kong sabihin, "Bigyan mo ng lalaking ka-one-night-stand masaya na yan! Pero syempre di ko yun sasabihin. Baka ma-bad shot ako sa Matt the love of my life. Sya yung tipong attractive pero silent type. Mala-Zeus pero behave. Ganern? Yung almost perfect na. Tanga nga lang. Pano ma-iinlove na nga lang sa malandi pa! Napaka-judgemental ko huhuhu sorry po Lord. So ang ending, teddy bear saka bouquet ng rose ang binili nya. Tapos na valentines bes! Oo bes sa totoo lang tapos na. Hay nako. Ma-iinlove ka din sakin tiwala lang. Laters diary

Nagmumukha na syang shunga pero pretty pa rin ever since,
Erika

Diary ng Babaeng Medyo InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon