Chapter 1: The Arrival

38 1 1
                                    

Third Person PoV:

"Let's go guys, our destination: Tokyo, Japan." Nakangising sabi ni Nash Gold Jr. Kulay Gold ang buhok at kanyang mga mata.

"Hmp! Sa narinig ko malalakas daw ang mga basketball player don." Tugon naman ng isang higanteng si Jason Silver.

"Nakalimutan mo na ba Silver? Tayo ang pinakamalakas." Tiningnan ni Gold si Silver ng masama at natahimik ito.

"Well, Let's go."

____________________________________

Tokyo, Japan (Rakuzan's Gym)

"Akashi, narinig mo na ba ang balita?" Tanong ng kakampi nyang si Reo Mibuchi, nakatingin lamang si Akashi sa kanya.

"Oo, may dadayo dito na taga Amerika." Tugon naman ni Akashi, ang laki ng kanyang pinagbago simula ng matalo sila laban sa Seirin.

May kumatok mula sa pintuan ng gym, lumakad si Akashi papunta sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa harapan nya ang isang matandang lalaki na may hawak na bola sa kamay nya.

"Yo, Akashi Seijuro." Pamulang bati ni Kagetora Aida, ang ama ni Riko Aida. Isang beteranong basketball player at coach. Kinamay nito si Akashi.

"Mr. Aida, anong kailangan mo?" Tanong ni Akashi habang naglalakad papasok ng gym ang matandang lalaki.

"Wala naman, ang totoo nyan eh pinuntahan ko lahat kayo. At ikaw ang pinakahuli kong binisita haha." Tumatawa ang matandang lalaki habang dini-dribble ang bola.

"Alam kong may kailangan kayong sasabihin sakin." Singit ni Akashi, "Ah oo meron, nabalitaan mo na ba na may pupunta ditong mga Amerikanong baller?" Tumango ang binatang lalaki habang pinapanood si Kagetora na maglaro.

"May nakalaang laban sa kanila, ang Lancelot. Binubuo nina Kasamatsu, Kiyoshi Miyaji, Shoichi, Okamura, at Higuchi." Seryosong sambit ng matandang lalaki at tinira ang bola sa hoop at nag shoot ito.

"Ganun ba? mukhang mapapasabak sila ng matindi." Tumango si Kagetora at ibinigay ang bola kay Akashi at lumakad palabas ng Pinto ng gym.

"Babalitaan na lang kita kapag nakarating na ang mga Amerikano dito." At saka tuluyang umalis ang matandang lalaki.

____________________________

Tokyo Japan, (Seirin's Gym)

"Pasa dito!" Sigaw ni Kagami Taiga habang hinihingi ang bola, ipinasa naman agad ni Hyuuga ang bola sa kanya at saka nag dunk.

"Nice dunk Kagami!" Lumapag sa sahig si Kagami at sumuntok sa hangin. "Taiga, O tubig." Pag harap nya ay may isang lalaking kulay asul ang buhok. Si Kuroko Tetsuya, ang "Anino" ng Team Seirin. Siya ang nagpanalo sa halos lahat ng laban nila sa Winter Cup. Maliit lamang sya at hindi maskulado.

"Salamat Tetsuya." Kinuha ni Kagami ang tubig at saka ininom. "Kagami, Tetsuya, Halika kayo." Tawag ng kanilang Coach na si Riko Aida, ang babaeng anak ni Kagetora Aida. Dahil sa angkin nyang talino at pagoobserba sa court, ay di mo aakalaing sila ang kampyon ng Winter Cup.

Lumapit ang dalawang lalaki kay Riko at kinausap ito.

"Ano 'yon coach?" Pagtatanong ni Taiga.

"Kailangan nyong pumunta sa Street Basketball Competition bukas ng umaga."

"Anong meron don coach?" Kumunot ang noo ni Riko, "Patapusin mo muna ako."

"Ah pasensya na coach." Tumango si Riko at nagpatuloy.

"May dadayo dito galing sa Amerika. Ayon sa binalita ni papa sakin, sila daw ang pinakam malakas na team sa Amerika."

"At sa sinabing record ng laro nila ay 153-13 120-12, 103-15 at 140-10."
Nanlaki ang mga mata ng dalawang binatang lalaki sa sinabi ni Riko.

"Ganun sila kalakas?" May pagtatakhang tanong ni Taiga.

"Oo, at gusto kong subaybayan nyo sila sa laban. At habang nandoon kayo, may aasikasuhin lang kami."

"Yes coach!" At tumakbo pabalik ang dalawa sa gym.

__________________

"Nandito na tayo sa Tokyo, Japan Sir Gold, Sir Silver."

"Hahaha it's time to crush those Japanese Monkeys!" Tumayo si Silver mula sa kinauupuan nya, nasa isang private plane ang limang Amerikanong Players.

"Shut up Silver, the ball game will start tomorrow. Go get some fvcking rest!" At bigla namang sumunod ang apat na Amerikano.

"Tomorrow is going to be hella fun." Tumayo ang Amerikanong lalaki habang umiipip ng sigarilyo.

Akashi Seijuro's Basketball(New and Improve story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon