ANG HIWAGA NG ANTIQUE SHOP

329 2 0
                                    

      Isang araw, nagtungo sina Felisa at ang kanyang ina sa mall, upang bumili ng regalo para sa kaibigan ng kanyang ina.

“Nanay, ano po ba ang bibilhin nating regalo” tanong ni Felisa sa kanyang ina.

       “Hindi ko rin alam Felisa. Pero alam kong mahilig yun sa antique” tugon naman nito

       “Ganoon po ba. Sige Nay’ maghanap po tayo sa mga antique shop”suhestiyon niya

     

        Nilibot na nila ang buong mall ngunit wala pa rin silang makita. Nagpasya na silang kumain muna. Pumasok  sila sa kainan at umorder ng pagkain.

      

        “Ito na po  ang order ninyo Ma’am” magalang na sabi ng waitress.

        “Excuse me Miss, bakit may fortune cookies dito? Sa pagkakaalam ko wala kaming inorder na ganyan?” Nagtatakang sabi ng kanyang ina.

        “Free po iyan Ma’am,sa bawat order ninyo ay may kalakip na isa niyan” sagot nito bago umalis.

        “Nanay akin na lang po  itong fortune cookies !” pagpapaalam nito.

        Ngumiti at tumango lamang ito tanda ng pagsangayon. Tahimik silang kumain. Pagkatapos niyon ay isinunod naman ni Felisa ang pagbukas ng fortune cookies.

       “Anak, anong nakasulat diyan?” tanong nito patungkol sa hawak niyang papel.

       “Isang leksyon ang matututunan ngayong araw” ang naksulat sa papel.

       “Yun lang yun? Akala ko pa naman kung ano na. Puro kalokohan naman!!! Bakit pa tinawag na Fortune Cookies?  Wala namang Fortune!” bulong niya sa sarili.

      “O siya subukan mo naman yung isa.” utos ng kanyang ina.

      “Wag na po, Itatago ko na lang po.” Sagot niya

      “Ikaw ang bahala, O siya halika na” pagsangayon ng kanyang ina.

      Habang naglalakad, may isang babaeng nagbigay ng isang makulay na papel kay Felisa. Kinuha niya ito at pinabasa sa kanyang ina. Ang nakasulat sa papel ay “MYSTICA ANTIQUE COLLECTION”

      “O saan mo naman ito nakuha”

      “Inabot po ng babae.”

      “Nasaan na yung babae?”

      “Nandoon po….Ha? Saan nay un?”

      “Halika puntahan natin ito baka ditto natin Makita yung magandang panregalo.”

ANG HIWAGA NG ANTIQUE SHOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon