Nagsimula ang lahat nung nagkatinginan kami. Nagkataon din na nahuhuli ko na naka tingin siya sa akin minsan ngumingiti ako sa kanya. Pero hanggang doon na lang yun. Or so I thought it would be. Naging friends kami sa facebook pero hindi kami nag chat. We aren't close. Crush na crush ko siya simula nun.
"Dan may sabihin ako sa iyo." Sabi ni ate Carl.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Alam ko kung sino crush ni Caleb." Sabi niya. Napatulala ako sa sinabi niya.
"Really? Sino?" Tanong ko ulit.
"Ikaw." Sabi niya. Kinilig talaga ako. Tumawa lang din si Ate Carl sa akin.
"Ganito kasi yun. Nung kumakain kami sa Camella narinig ko na nag sabi si kuya Caleb na ayaw niya raw umalis sa Davao. Tapos sabi ni kuya Chit na dahil ba daw yun kasi inadd siya ni Nikka. Nag smile lang din si Kuya Caleb. Sa isip ko na kilala ko talaga kung sino yung tinutukoy nila." Sabi niya sa akin.
Hindi ko mapigilan sarili ko na kiligin. So he likes me. Pero crush din siya ng best friend ko at palagi rin sila nag uusap. Baka ayaw niya lang siguro mahalata na gusto niya ako kaya nag uusap sila? Sigh. Pabayaan ko na lang sila. Sabagay magkaibigan sila eh.
-isang linggo ang lumipas-
Iba na masyado si Ate Xena. Palagi na lang sila nagtatawagan, nagtetext at nagchachat. I'm jealous to be honest. Kung sabihan ko kaya si kuya Caleb na tigilan na yung paglalagay ng pekeng pag asa sa puso ni ate. Aish. Kainis. Tapos nakita ko si Ate Xena.
"Te xen, kamusta na kayo?"
"Ok lang. Inamin niya na may gusto siya sa akin." Pagkasabi niya nun, gumuho ang mundo ko. Aray. Ang sakit. Dapat nakinig ako sa sarili ko na hindi magkagusto ulit. I'm broken again. Palagi na lang talaga. Pero hindi ko pinakita sa kanya na nasaktan na ako.
"Really? That's great. Sa bagay, naka move on na ako." Sabi ko. Totoo na naka move on na ako. 2 days ago but I still felt pain and jealous. Lahat na lang kasi nang crush ko ay nagkakagusto sa kanya o close niya. Sige na. Siya na. Siya na yung magand. Siya na yung talented. But still, I don't have the right to act like this.
"Alam mo ba te xen, nagselos ako sa inyo." Sabi ko na naka smile. Hindi siya bitter na smile. Only a simple and cheerful smile. Natawa lang din siya at natawa lang din ako. Why should I destroy our friendship just because of a boy? Hindi naman worth it yung lalaki na yun para sa luha ko. And most importantly our friendship is far more important to me than a boy who might leave me if we were the ones in a relationship. Mas maganda kung pipiliin ko ang best friend ko kaysa sa isang lalaki na pwedeng mawala sa piling ko. Kahit iiwan ka man ng girlfriend o boyfriend mo, nandyan palagi ang best friend mo para sa iyo kahit ano pa ang mangyari.
BINABASA MO ANG
Love, Hate And Friendship
RandomCollection of stories about Love, Hate and Friendship. Compilation of English, Taglish and Tagalog stories. All stories are made by forgottenrose. Some stories literally happened to forgottenrose in real life, but most are just fiction. Enjoy. :) An...