Chapter 7- Proposal

9 1 0
                                    


PROPOSAL




Shiera Pov




The Next Day



"Dad ano po ba ang sasabihin niyo? Alam naba nila mommy ito kaya di sila kasama sa usapan natin? Takang tanong ko kay daddy. Kasi kami lang dalwa ang nandito sa office niya sa bahay namin. 6 am pa lang at ginising na ako ni dad for this. At alam kong di ko magugustuhan ang sasabihin niya.



"Princess please relax, this is about the arrange marriage to your prince" sabi ni dad with sad face. Kasi alam niyang tututol ako sa mga ganitong usapan.



Kung nagtataka kayo kung sino ung prince at ang akala niyo ay ung kuya James ko. Ngkakamali kayo, kasi si papa ang king ng gangster pero hindi si mama ang queen. Si mama kasi di naman siya gangster, nakilala lang siya ni papa at nainlove sa isa't isa.


 Ang queen ng gangster ay nagngangalang Violet Pearl. Di ko lang alam ang tunay niyang pangalan. Ang pagkakaalam ko din ay may asawa na ito at may anak na lalaki kaya siya naging prince.



Yung prince na iyon ang tinutukoy ni dad na papakasalan ko kahit di ko pa nakikilala, kahit na pangalan di ko alam. At hindi ko gustong malaman pa.



"pero dad, you know that I don't wanna marry a guy that I don't love. Please dad I'm inlove with someone else." Pagmamakaawa ko sa kanya at parang nabigla naman sa sinabi ko kasi alam nila na wala akong boyfriend. Pero di naman porket walang boyfriend hindi na inlove diba? Hehehe



"Pero princess this is for our Gangster World, para sa pagkakaisa ng pamilya natin sa Queen at para mas lumakas, mas katakutan ng mundo ang mga gangster kung magsasama kayo ni Prince natin." Pageexplain ni dad.



Di na ako nakaimik at nakatulala na lang. sa lahat ng bagay kasi di ko sinusuway sina dad at sa lahat nang utos nila. Pero sa usapang ganito ay kelangan kong pumalag kasi para sa aking buhay naman ito diba? Hindi naman sa kanila.



Di ko alam ang gagawin ko kaya lumabas ako ng office ni dad at nakita si Jacob. Nakatingin lang siya sa akin na parang narinig niya lahat ang usapan namin ni daddy.



Di ko siya pinansin at kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng mansion. Di ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Jacob.




"Ako na ang magddrive, sakay na" utos niya sa akin at kinuha na lang ang susi at pinagbuksan ako ng pinto.

My Teacher Is A Gangster??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon