Chapter 2

166 1 0
                                    

Nakikinig ka pa ba?

Ako pa rin ‘to, si Top.

Akala ko, mga 8:00 pm, kakatok sa pintuan ng kwarto ko si Gail. Masyado yata akong umasa.

Bakit nga ba ganun? Minsan, yung mga bagay na inaakala nating magpapasaya sa atin, sila pa ang nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Kaya siguro marami ang nagsasabi na mas mabuting huwag na lang mag-expect, para hind ka masaktan ng todo kung sakaling hindi mangyari ang gusto mo.

Pero umasa pa rin ako.

*Tok tok tok tok*

10:28 pm na sa relo ko, narinig ko ang boses ni Gail, kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ko.

“Kuya Top… Gising ka pa ba?”

“Ikaw ba yan, Gail? Wait lang.”

Mabilis akong bumangon sa kama at lumabas para magpakita kay Gail.

Iba na ang suot niya.

Manipis na white T-shirt.

Pilit ko mang iiwas ang mga mata ko, napapatingin pa rin ako doon dahil naaaninag ko ang suot niyang kulay pink na bra. (Size? Secret. Hahaha!) Maluwag na pajamas, na puro mukha ni Doraemon.

Kahit naka-pambahay, ang cute pa rin niya. Gusto ko mang ipaalam na ang ganda niya sa suot niya, pinili ko na lang na tumahimik at maging seryoso muna.

“Do’n na lang po tayo sa lobby, Kuya.”

“Ah.. Sige. Para malapit tayo sa router.”

Lobby ang tawag namin sa pinaka-“living room” naming lahat sa boarding house. Medyo ka-structure niya kasi yung lobby ng school namin. Malawak ang lobby. Isa ‘to sa dalawang tambayan namin sa bahay, dahil may TV. Yung isa? Next time ko na lang sasabihin.

Naabutan namin doon ang isa sa mga kasama namin sa boarding house – si Joyce. 2nd year. Taga-UP din siya, Fine Arts. Nanonood ng That Winter, the Wind Blows.

“Hi po!” bati niya sa’min.

Wala pang limang minuto na nandoon kami ni Gail, umalis na rin siya dahil natapos na yung palabas.

“Tapos na. Hehe! Akyat na po ako. Paki-off na lang po pagkatapos niyong manood,” nakangiting sabi niya.

Madali kong naayos ang pag-connect ni Gail sa wi-fi. Gusto ko na sanang sabihin na babalik na ‘ko sa kwarto, pero sa likod ng isip ko, parang ayaw ko pa. Magulo. Pinapanood ko lang siya habang masayang nag-iinternet. Kapag napapatingin siya sa’kin, binabalik ko agad sa TV ang tingin ko. Nagulat na lang ako, bigla niya ‘kong kinausap ulit.

“Kuya Top, thanks ulit, ha?”

“Uh? Sure. Hehe. Kapag nawala, katok ka lang sa kwarto.”

“Matutulog ka na, Kuya? Aga pa, ah.”

“Siguro. Late na kaya. 8:30 class ko bukas. Early to bed, early to rise!”

“Makes a man healthy, wealthy and wise. Hahaha! Good night po.”

Pagtatapat ko sa pintuan ng kwarto ko… Shemaaay! Naiwan ko pala yung susi sa loob!

Bumalik ako sa sala. Nando’n pa rin si Gail.

“Oh… Kuya, kala ko ba matutulog ka na?”

“Naiwan ko yung susi ko sa kwarto.”

“Nyek? Pa’no po yan?”

“Hmm… Dito na lang ako matutulog. Hihiram na lang ako ng duplicate sa landlady bukas. Aish! Sana magising ako ng maaga.”

“Ang lamig kaya dito.”

“Okay lang. Bahala na… Eh, ikaw, ‘di ka pa matutulog?”

“Matutulog na rin po maya-maya. Sure ka, dito ka lang?”

“Pwede ba ‘ko sa room mo?”

(Takte! Bakit ko nasabi ‘yon?! Kailangang bawiin ko agad!)

“Joooke. Haha! Joke lang, Gail, huh?”

“Hehe! Maluwag naman po sa room ko. Wala masyadong gamit. Okay lang po kung gusto mo. Tsaka, sige ka, maginaw dito.”

Hindi ko muna siya sinagot. Nag-focus muna ako sa pinapanood kong balita.

“Kuya, ano… dito ka lang? Matutulog na ‘ko.”

“Okay lang ba? Tsk! Nakakahiya, pero giniginaw na ‘ko, eh.”

“Opo. Pwede kang maglatag ng comforter sa sahig.”

Hindi na ‘ko tumanggi. Alam ko naman sa sarili ko na pangarap ko talagang makasama si Gail. Pero hindi ko akalain na sa ganitong paraan yun matutupad.

“Daming posters, ah. Puro K-POP yan?” tanong ko sa kanya habang nililibot ko ang paningin sa paligid ng kwarto niya.

“Ah… Opo.”

Naka-agaw ng pansin ko yung solo picture ng isang Korean na medyo kahawig niya.

“Girls’ Generation… Choi …Soo…Young?”

“Ahh… Opo. Bias ko yan.”

“Anong bias?”

“Bias. Kapag may mga favorite kang idol, yun yung tawag.”

“Ahh… Akala ko ikaw yan, eh.”

“Bakit? Dahil kamukha ko?”

“Hmm… Oo.”

“Ang dami niyo nang nagsasabi niyan, pero ako, hindi ko ma-imagine na kamukha ko siya.”

(mahina) “Sa totoo lang, mas maganda ka, Gail.”

“Po?”

“Wala. Sabi ko, kamukha mo talaga siya. Tsaka.. uhm, maganda siya.”

“Ahh. Hahaha!”

“K-POP talaga favorite mo?”

“Opo.”

Kung saan-saan na nakarating ang pag-uusap namin… pero hindi rin lumabas sa K-POP!

Tinuruan niya rin ako ng basic Korean expressions tulad ng “Annyeong haseyo!” (Hi!), “Kamsahamnida” (Thank you), at yung pinaka-paborito ko, “Saranghaeyo” (I love you).

Marami akong Korean na nakakasalubong dito sa Baguio. Kahit saan yata, makikita mo sila dito. Naiinis ako sa kanila dati – sa hindi ko naman malamang dahilan. Ewan ko rin kung pa’no, pero nag-iba ang pananaw ko sa Korean music at culture. Ang alam ko lang, kung ano ang gusto ni Gail, gusto ko na rin.

Inabot kami ng 1:30 ng umaga sa pag-uusap tungkol sa mga bagay na hindi ko alam kung meron bang kabuluhan.

Biglang bumangon si Gail.

“Kuya, talikod ka muna. Magpapalit lang ako.”

Fan Girl Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon