Chapter 5

141 0 0
                                    

“Oh… Gail. Bakit nandito ka?”

“Huh? Bakit po? ‘Di ba tambayan ‘to?”

“Oo nga pala. Hehe.”

Gusto ko sanang sabihin na umupo siya sa tabi ko at samahan ako hanggang maghating gabi, kaso…

“Kuya Top! Paupo ah… Tabi tayo.”

“Sige lang.”

“Ang init po kasi sa loob, eh.”

(Ano kaya kung sinabi kong, “Mainit, pero ang kapal ng jacket? Yung totoo!”?)

Magkatabi kami. Pero hindi kami nag-uusap. Nakatingin lang kami sa nagliliwanag na mga bahay. Ang ganda talaga ng view! Buti na lang at dito ako tumira. Hehe!

Wala, wala talagang nagsasalita. Kinakabahan ako na baka bigla siyang umalis kapag may nasabi akong hindi niya magugustuhan.

Para mabasag ang katahimikan, kinuha ko yung cellphone ko at nagpatugtog na lang ng isang kanta.

♫♪ Seulpohajima, no no no! Onjega anya, no no no! ♫♪ (“No No No” by Apink)

“Woooah! Fan ka na rin ng APink, Kuya?”

“Hmm… Oo. Hehe!”

Alam kong alam niya yung kanta, kaya yun talaga yung pinatugtog ko. Nakakatuwa siyang panoorin habang sinasabayan niya yung lyrics.

Nasabi ko na lang sa sarili ko, “Imba talaga ‘to!”

“Gail, alam mo? Mas kamukha mo yung isang member ng Apink, kesa kay SooYoung ng Girls’ Generation.”

“Sino po?”

“Si Jung Eunji. Siya na yung bias ko. Hehe!”

“Wow! Si Kuya, buma-bias na rin. Pero bakit siya? ‘Di ba sabi mo, the best ang SNSD?”

Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, nung sabihin kong, “Wala lang. Gusto ko lang siya. Feeling ko nga…. in love na ‘ko sa kanya.”

(Pero sana maisip mong ikaw yon!)

“Ay ganun? Ako nga din po, eh… In love na ‘ko kay Sungmin oppa.”

“Pero siyempre, yung ‘love’ ko para kay Eunji, admiration lang yon. Meron kasi akong true love, hindi siya K-POP artist.”

“Basta ako, siya pa rin ang true love ko.”

(Tsk! Hindi man lang niya ginustong malaman kung sino yung true love ko.)

Hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ang meron siya para sa bias niya. Nakaka-selos. Gusto ko sanang magtampo, pero wala nga pala akong karapatan.

Kung bakit ba naman kasi may mga nai-in love sa mga taong kaya lang silang pakiligin, pero hindi naman sila kayang mahalin.

“Gaano mo naman ka-love si Sungmin?”

“Hindi ko kayang sukatin, Kuya.”

“Pero bakit mo siya mahal?”

“Kuya, kapag minahal mo ang bias mo, hindi na yun madaling ipaliwanag!”

“Ganun ba yun? Kaya pala hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ko siya mahal.”

“Tama. At dahil mahal mo siya, Kuya Top, kahit may makita kang iba, siya pa rin talaga.”

“Yun pala yun… Sana makita niya rin ako.”

“Makikita ka rin niya, Kuya… Makikita ka rin ni Eunji, tiwala lang.”

“Sana nga… Nandito lang naman ako, eh.” Napakamot na lang ako sa ulo.

“Kuya Top, Fighting!”

“Ne! Kamsahamnida.”

Kamukha niya talaga si Eunji ng APink. Medyo ka-boses pa!

Inabot na naman kami ng hating gabi sa kwentuhan tungkol sa K-POP. Kahit kapwa giniginaw, para kaming nakikipag-kompitensya kung sino ang mas matibay.

Sari-saring music video at live performances din na naka-save sa cellphone niya ang ipinanood niya sa’kin. Para siyang member ng isang religion na desido akong mai-convert.

Hiningi pa niya ang cellphone number ko, ite-text niya daw ako ‘pag may rumors tungkol sa mga K-POP artists. Ibinigay ko naman.

Yung dating pinandidirihan ko, pinipilit kong i-enjoy ngayon. Kailangan, eh. Si Gail na ang nagpa-panood sa ‘kin. (Note: Hindi yon porn!)

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kapag nababanggit niya ang mga words gaya ng gwapo, talented, nakakakilig at abs. Meron din naman ako ng lahat ng ‘yon! – except yung huli kong nabanggit.

“Kuya, anong oras klase mo bukas?”

“10:00 am. Bakit?”

“Wala lang po. ‘Di ka pa po matutulog?”

“Kapag bumaba ka na, bababa na rin ako.”

“Bababa na po ako.”

“Ay…Wait lang, Gail.”

“Po?”

“Pero pa’no kung dumating na yung true love mo?”

“Si Sungmin na nga po yun.”

“Hindi. I mean, yung Pilipino rin. Yung taong mamahalin ka nang buo, yung iingatan ka, yung ipaglalaban ka, yung sasamahan ka… hanggang sa pagtanda mo. Yun.”

(Sa’n ko nahugot yun?)

“Kuya naman, eh. Hahaha! Wala nga pong nagkakamali sa’kin, eh. Ang panget ko kasi.”

Hindi na ‘to bago sa’kin – ang marinig sa isang babae ang “pangit kasi ako.” Lalo na doon sa mga nagpo-post ng picture nila sa internet, tapos sasabihin nila, “Ang pangit ko!” Siguro… siguro lang naman… yun ang paraan nila para sabihin sa kanila ng ibang tao na…

“Hindi, ah! Ang cute mo nga, eh.”

“Whew! Si Kuya Top, bolero.”

“Ay ganun? Seryoso, Gail. Meron ngang may crush dito sa’yo sa boarding house, eh.”

“Po? Dito sa boarding house? Seryoso, Kuya? *Nugu?! OMG… Sana siya yun! Hihi!”

(*Nugu? = Who?)

^______^

^___^

^_^

</3

Fan Girl Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon