Janah' POVSa wakas nakarating na ko sa bahay slash mansion hahaha sabi ko naman sainyo dba Montemayor ako . Pagbaba ko ng kotse ko binigay ko kay manong Edie ang susi para ipark sa garage ang kotse , sosyal dba parang sa hotel lang may taga park pa hahaha .
" Senyorita ako na po magdadala ng gamit nyo , " sabi ni nay Sonya sa akin . " Hindi na po nay Sonya hindi naman po mabigat ito kaya ko na po , nasan po ang bebe koh ? ".
" nadun po senyorita sa may pool kasama ng Senyor ".
Agad naman ako naglakad patungo sa pool , mis na mis ko na talaga ang bebe koh pinatong ko lang sa sofa ang mga gamit ko , napansin ko naman na kinuha yun ni nay Sonya . Si nay ang kasama ko mula bata kaya nanay ang tawag ko skanya pero ayaw ni dad na tinatawag akong anak ni nanay kaya senyorita padin ang tawag nila sakin . Strikto ang daddy kaya walang sino man ang hindi sumusunod skanya .
Pagdating ko sa may pool nakita ko si daddy nakaupo kaya nilapitan ko sya para humalik . " oh baby nandito ka na pala , hows your first day ? Napagod ka ba ? Tell me the story anak ." Ayan padin si daddy sa pagtawag sakin ng baby di na talaga nagbago nakakahiya na minsan .
" later dad , namis ko ang bebe koh kaya quality time muna kami " sagot ko kay daddy .
Hinanap naman ng mata ko kung nasan ang bebe koh at nakita ko syang masayang naglalaro sa may gilid ng pool katabi ang yaya nya . " Bebe koh !!! " tawag ko sakanya . Agad naman syang tumayo at tumakbo papunta sakin para yakapin ako .
" Mommy I miss you so much where have you been po ? You didnt call me mom I was so worried all day. !!! Oh diba dinaig pako mag english ng bebe koh hahaha parang nanay ko lang kung pagalitan ako hahaha imbes na sagutin e pinupog ko sya ng halik .
" hey mom answer me first ! ".
" bebe koh diba I told you last time that mommy will go to work , did you forget ? . Bigla naman napakamot ang anak ko sa ulo nya na parang naguguluhan hahaha ang cute lang .. sarap pisilin ng pisnge hahaha
" sorry mom ,I love you !" Hays ang sweet ng anak ko kaya lahat ng pagod ko sa buhay bawing bawi dahil sakanya .
Flashback .....
3years ago
Nandito ako sa isang bar dto sa tomas morato . 17years old palang ako pero nakapasok ako galing ko diba . Sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya wala akong ibang gustong gawin kundi ang maglasing ..
Nakita ng dalawang mata ko kung paano ahasin ng bestfriend ko ang boyfriend ko .. ang sakit doble yung hirap bakit , bakit ako pa !! Pinagkatiwalaan ko sila pero ginago nila ko !!! Mga hayop sila ang baboy nila !!
hindi ko alam kung ilang baso na ba ng alak ang nainom ko at nahihilo nadin ako . Kanina ko pa napapansin na parang nay nakatingin sakin kaya lumingon ako sa likod at hindi nga ako nagkamali kasi may isang lalaking nakatitig sakin , tiningnan ko sya gwapo at ang manly nya manamit dahil siguro sa espirito ng alak, nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad papunta sakanya .
" hi !, can I join you ?" Malambing na tanong ko sakanya . Hindi ko na sya hinintay na sumagot agad akong umupo sa tabi nya . Binigyan nya ko ng isa pang baso ng alak ...
Pagtapos nung pangyayari na yun ang natatandaan ko lang sumama ako papunta sa place daw nya at, kinabukasan ng magising ako wala na akong saplot sa katawan pati ang lalaking katabi ko . Hindi ko alam kung paano ako umabot sa ganito kaya dali dali akong nagpunta ng banyo para magbihis .
Pagtapos kong ayusin ang sarili ko, kinuha ko ang bag ko at naglakad na papunta ng pinto para umalis pero lumingon ako ulit at saglit ko syang tinitigan .
Lumipas ang isang buwan pagtapos ng one night stand na yun sa di ko manlang kilalang lalaki, napagalaman ko na buntis ako , nung una natakot akong sabihin kila daddy at mommy kasi siguradong magagalit sila sakin lalo na kapag nalamang hindi ko kilala ang ama ng anak ko , pero hindi ko naman kayang patayin ang buhay na nasa sinapupunan ko gulong gulo man ako sa nangyayari ayoko padin gumawa ng masama .
Sa huli sinabi ko kila daddy ang lahat , nagalit sila sakin nung una kaya nahinto ako sa pagaaral at pinadala nila ko sa amerika para itago ang pagbubintis ko pero after ko mailabas ang anak ko pinauwi naman ako ni daddy para ipagpatuloy ang buhay ko .
Ang laki ng utang na loob ko sa magulang ko kaya lahat ng gusto nila ginagawa ko pang bawi lang sa lahat ng pagkakamali ko sakanila . Si mommy ang nagpangalan sa bebe koh Seinna Imo Flores Montemayor ang ibinigay ni mom na pangalan ng munting anghel namin , dahil hindi ko naman alam kung anong pangalan ng kanyang ama kaya apelido ko padin ang gamit nya .
End of Flashback
" hey mom what's bothering you ?" Natulala pala ko Sa pag iisip ng mga nangyari . Hays paano kaya kung malaman nya na may anak kami ? Pano na gagawin ko mukhang nilalapit ako ng tadhana sa katotohanan .
" nothing bebe koh I'm just tired lang ". Lumapit si Imo sakin at niyakap naman ako .
" dinner is ready !! " sigaw ni mommy mula sa loob ng bahay . Haha mahilig talaga sumigaw ang mommy ko kaya wag na kayong magtaka . Tumayo naman kami at pumasok na sa loob .
" nandito ka na pala anak kanina ka pa ba ? Kamusta ang unang araw, nahirapan ka ba ? " tanong ni mommy sakin . Naupo muna ako sa tabi ni bebe koh saka ako sumagot kay mommy .
" ok lang mommy hindi naman po nakakapagod ." Sagot ko sabay kuha ng pagkain .
" mabuti naman anak , pagbutihan mo dapat madami kang matutunan para pag ikaw na ang namamahala sa negosyo natin wala kang problema ." Sabi ni daddy , ayan nanaman sya sa mga bilin nya .
Natapos na ang dinner namin , si mom at dad umakyat na sa kwarto nila para magpahinga , si Imo naman kasama ang yaya nya sa kwarto nya para ihanda sya sa pagtulog , ako naman nandto sa kwarto kakatapos ko lang maligo at handa nadin para matulog . Nahiga na ko sa kama ko at pinatay ang ilaw sa tabi .Pinikt ko na ang mata ko para matulog ...
" kukunin ko ang anak ko sayo !! Hinding hindi mo na sya makikita kahit kailan !!! Hindi ka bagay maging ina ng anak ko wala kang kwenta !!!! " sabi ng lalaki , hindi ko makita ang mukha nya malabo .
" sino ka ba bakit mo kukunin ang anak ko sakin ??! " sino ba sya hawak nya ang anak ko .
" I'll go with him mom , daddy and I will live far away from you !!! . Sigaw ng anak ko.
" no ! you cant go with him ! Come here bebe koh dont leave mommy pls bebe koh mommy loves you so much !!! Umiiyak na sabi ko pero d nya ko pinakinggan tumalikod na sila at nagsimulang maglakad .
" Imo !!!! "
" Imo !!!"
" come back here!! Imo !!! "
" Senyorita gising !! " Agad akong napabangon sa kama nang marinig kong magsalita si nay Sonya , panaginip lang pala pero hindi ko mapigilan yung pag iyak ko ..
AN: nakakakaba pala to whooooh hahaha sana matapos ko ..
BINABASA MO ANG
Falling Inlove Again
RandomAng pag-ibig na madalas makapag pasaya sa ating lahat ay ang nagiging dahilan din kung minsan para mabago ang pananaw natin sa buhay , Sabi nila kailangan daw maranasan natin ang masaktan para matuto pero paanu kung sa lahat ng sakit wala ka naman n...