Chris'POV
Nagpunta ako dito sa bar kung saan kami nagkita ng babaeng mahal ko , ipinagtanong ko na siya dati dito pero kahit isa sa workers nila hindi siya kilala .
Medyo maaga pa sa katunayan sarado pa ang bar na to , pero dahil nga madalas ako dito kaya pinagbibigyan nila ko kahit hindi pa nila working hour's
Maisip ko palang na ikakasal ako sa taong hindi ko mahal sumasakit na ang ulo ko , kaya dinadaan ko nalang sa pagtungga ng alak .
Lumipas ang ilang oras , at malapit na magbukas ang bar na to . Ang dami ko nading nainom pero heto padin yung sama ng loob ko ! Shit hindi ko talaga matanggap ! Lalaki ako kaya kong mag desisyon para sa sarili ko !
" Sir chris tama na po yan lasing na po kayo " - waiter
" sinong lashing ? Bhigyannn mo pa ngaaa ko ng isha , " nahihilo na ko hindi na ko makatayo ano ba tong gnagawa ko
Naramdaman ko na parang may kinakapa siya sa bulsa ko , baka nanakawan ako ng hayop na to ,
End of POV ....
Janah'POV
Nagddrive na ko pauwi , hindi naman na kasi nagpakita o nagparamdam yung dragon pagtapos nyang umalis kanina .
" damn ! I don't want to marry any one dad ! Stop this bullshit ! , no matter what ! Hindi ko susudin ang gusto nyo !" - chris
Naalala ko yung narinig ko kanina..... wait tama ba yung dinig ko MARRY ? as in kasal ? Ikakasal na si dragon ? Oh no ! Paano si Imo ? Magkakastep mom agad siya e d pa nga nya nakikilala ang daddy nya ? Wait this coudn't be !
Ringgggg ringggggg
" ay itlog ng kabayo !" Ano dawwww ?
Sino ba kasi itong tumatawag , badtrip naman nagiisip yung tao e .
Sir. Dragon calling ....
Bakit naman kaya napatawag to ? Tanga janah malamang sagutin mo para malaman mo ! Wag mo kaming gawing tanga ka !
Ay hardcore kay author ah .
" Hello sir bakit po kayo napatawag ?"
" hello po mam , hindi po ako si sir waiter po ako dto sa bar sa may tomas lasing na po kasi si sir wala po syang kasama hindi ko din po alam kung paano gagawin ko sakanya baka po makatulong kayo ," - other line
" ah ganun ba sige po text me the address salamat po ." Grabe naman ako pa talaga tinawagan ? Pauwi na yung tao e . Pero sabi ni sir tatawag sya kapag may kailangan sya pero kaso iba naman yung tumawag e ?
Ay bahala na nga , sino ba naman kasi matinong tao na maglalasing ng ganitong oras ang aga aga pa ! Siguro malala na sira sa ulo ng taong yun .
Pagdating ko sa nasabing bar , agad akong pinapasok nung sabihin ko na secretary ako ni Sir Chris , pabukas palang itong bar pero lasing na sya .
nakita ko si sir na halos isubsob na yung mukha sa lupa , nagsusuka siguro sya , nako naman iinom hindi naman pala kaya ano naman gagawin ko dto ! .
" Sir san po ba kayo nakatira ? Ihahatid ko na po kato . "
" shan nga ba ko nakatirra ? Hindi ko din alam e ! " - chris
Sabi ko nga e mahirap kausap ang lasing ! Hays pinapasakit neto ang ulo ko .
kinuha ko nalang ang phone nya at dial ang numero ni Mrs. Mae siguro naman alam nya diba , mga tatlong ring din bago nya tuluyang sagutin .
" hello Mrs. Mae si janah po ito , lasing po kasi si sir alam nyo po ba kung saang ang address nya para maihatid ko po sya . "
" ah ganun ba sige itetext ko nalang sayo magingat kayo , ikaw na bahala sakanya . " - Mrs. Mae
Maya maya natanggap ko ang text ni Mrs. Mae , inalalayan ko patayo si Sir para dalhin sa kotse ko ibinilin ko nalang din ang kotse nya sa waiter na kausap ko kanina .
Grabe sa bigat itong dragon na to pinahirapan na nga ako kanina sa pagdala ko sakanya sa kotse ko pari ba naman sa pag akyat sa unit nya ! .
Pag dating namin sa tapat ng pinto ng Unit nya kinapa ko ang bulsa ni dragon para kunin ang susi .
" oyyyy shancing ka ahhh bad yon ! " -chris
Sarap batukan neto e ! Chansing daw ako e sya na nga tong tinutulungan ! .
Pagpasok namin sa loob agad ko syang dinala sa loob ng kwarto at hiniga , sobrang bigat ng mokong na to !
Kunuha ako ng maligangam na tubig para mapunasan ko sya , sobrang pamilyar sakin ang lugar na to .
Pagbalik ko sa kwarto nya , kinuha ko ang upuan sa may study table at inilagay sa tabi ng kama nya para gawing patungan ng tubig .
Inuna kong punasan ang kanyang ulo at mukha para kahit papaano ay mahimasmasan sya , hinubad ko ang coat na suot nya at sinimulang i unbutton ang polo kasunod nito .
Gulp gulp gulp , sunod sunod na paglunok ang ginawa ko , hindi ko pa lubusang naaalis ang damit nya pero kitang kita ko na ang pagiging matipuno ng katawan nya , walang pinagbago .
" uhmmmmmmm "
Shit ! Gising ata tong mokong nato , baka isipin nya pinagsasamantalahan ko sya . !
maya maya pa nagulat ako ng idilat nya ang mga mata nya at hinawakan ang kamay kong nagpupunas sa dibdib nya !
Nagkatitigan kami ! Nangungusap ang mga mata nya , yung mga mata na nakita ko 3years ago , same feeling ang nararamdaman ko hindi ko kayang labanan ang nga titig nya nanghihina ako pero hindi ko magawang iiwas ang tingin ko .
Papalapit ng papalapit ang mukha namin sa isat isa ilang inch nalang , damang dama ko ang bawat paghinga nya .
mabilis nyang tinawid ang pagitan ng mga labi namin , bawat galaw ng mga labi nya nagpapaalala sakin nang nangyari dati , puno ng emosyon ang bawat halik nya hindi ko mapigilan ang sarili kong tugunin siya .
mabilis ang pangyayari , nihiga nya agad ako sa kama , malayang naglalakbay ang kanyang kamay sa buong katawan ko , habang tinutugon namin ang halik ng bawat isa .
Nagulat ako ng bigla siyang tumigil . pinagmasdan ko ang kanyang mukha marahan ko itong hinaplos , nakatulog na pala siya .
para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko ang ginawa namin , shit ang tanga mi janah ! Bakit nagpadala ka !
napabalikwas ako ng bangon , kinuha ko ang gamit ko at mabilis umalis .
Ang tanga mo janah ! Muntik muntik ka nanaman ! . Bakit ko ba kasi pinuntahan yung mokong na yun e muntik nanaman ako malagay sa alanganin ! .
BINABASA MO ANG
Falling Inlove Again
RandomAng pag-ibig na madalas makapag pasaya sa ating lahat ay ang nagiging dahilan din kung minsan para mabago ang pananaw natin sa buhay , Sabi nila kailangan daw maranasan natin ang masaktan para matuto pero paanu kung sa lahat ng sakit wala ka naman n...