Balagtasan (Wikang Filipino: Sa matuwid na Daan)

31.9K 116 22
                                    

Lakandiwa:

Maligayang pagdiriwang, Madlang Pipol!

Narito muli, sa isang paghahatol

Ng makakatang kanina pa nagmamaktol

Sa kanilang adhikaing nais ipukol

Ano ba itong kanilang adhikain?

Atin na ngayong alamin at suriin

Pero bago muna kanilang paglalahad

Simulan muna sa pagpapakilala

Martha Villanueva, Magandang pangalan ko

Sa araw na ito, maglilingkod sainyo

Balagtasang to, lakandiwa papel ko

Ngayo’y umupo nang matuwid,

 at makinig kayong nasa harap ko

Dalawang makata, nasa inyong harapan

Pagkakataon muli ang matunghayan

Ito ngayong kanilang pagsasagupaan

Sa pamamagitan nitong balagtasan

Ito’y may layunin, mabigyang daan

Maisakatwiran ang isang katanungan

Na sinusundan ng isang kasagutan

Ngunit di malutas-lutas ninuman

Wikang pilipino’y natatangi

Saanman sating mga karatig

Wikang ipinagtanggol ng mga bayani

At sagisag na dapat mamayani

Ngunit ating pamumuhay, nagbabago

Nararapat na umunlad, umasenso

Kaya’t sa pagsulong ba ng ating katayuan,

Wika parin ba natin, sapat na kasagutan?

Tanghala’y bukas na sa mga nais makihamok

Tiyakin lang na ang isip ay busog

Pagtatalong to’y di biro, katwira’y dapat malusog

Kung may pag aalinlangan maaari ka ng umusog

Pababa sa mga kauri mong bugok!

Kayo naman, minamahal kong Madlang Pipol!

Bago sila magsimulang sumipol

Masigabong palakpaka’y ipukol

Sa inyo pong paboritong Idol!

Mambabalagtas A:

Magandang hapon po sa inyong lahat

Ako po’y may natanggap na sulat

Mayron muli, katunggaling nagkakalat

Di ata alam, dakila itong nais makaharap

Ito ngayon saiyo, aking mungkahi

Kung sana’y wika lang natin

Ang tangi at unang gagamitin

Balagtasan (Wikang Filipino: Sa matuwid na Daan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon