CHAPTER FIVE

5 0 0
                                    

Chapter 5

Maliah's Point of View

Nahiga na ako sa kama ko dito. Matutulog na lang ako. Tutal maaga akong nagising kanina...na binuwisit naman ng unknown guy na yun. FC kasi as in FEELING CLOSE!

Sila Yumi at Cass naman ay nagkakatuwaan, sinasama nila ako pero wala ako sa mood. Ayoko man maging KJ sa kanila kaso ayaw sundin ng sistema ko. Ano ba ang problema ko?

Pinikit ko na ang mga mata ko at pinilit na dalhin ang sarili ko sa dreamland.

****

/vibrate.vibrate/

Naalimpungatan ako sa cellphone ko dahil lagi kong nilalagay yung phone ko sa ilalim ng unan. Naugalian ko na yan.

"Sino ba naman ito? Natutulog ang tao eh!" Medyo husky pa ang boses ko dahil galing ako sa tulog.

Minulat ko na ang mata ko dahil hindi narin ako makakatulog nito kasi gising na ang diwa ko. Leche kasi itong nagtetext sa akin! Panira!

Binuksan ko na ang nag-SMS sa akin.

Fr: UNKNOWN

+6393526*****

-Hey!

-Fvck! Is that your number?

-Uy!

-Text me back!

Nagulat ako sa daming text na natanggap ko, pero iisa lang ng number galing. Marami pa itong tinext sa akin, di ko na dedetalye ang iba.. baka mapagod lang si Ms. A ☺☺

Teka? Rereply-an ko ba ito? Di ko naman ito kilala? Saan niya nakuha ang number ko? Baka mamaya masama palang tao ang tinext ko na to at baka mamaya matrace niya ako at bigla na lang ipakidnap kung kanino man! Waaah! Sayang ganda ko kung ganon lang ang mangyayari sa akin!

5 minutes... 10... 20... 30 minutes na akong di nagrereply dito.

Pinag-iisipan ko talaga ng mabuti eh.

/vibrate/

1 message received

By: Unknown

Sino ba talaga ito?

'Hay Maliah! Kung hindi mo rereply-an yan hindi mo malalaman ang mga tanong na hinihingan mo ng sagot!' Sabi ng konsensya ko

Oo, may konsensya parin ako kahit ganito ako.

Binuksan ko na ang message nito.. ang nakalagay lang..

-are you avoiding me?! May utang ka pa sa akin!

What?! Ano ba sinasabi nito?

Sige na nga! Text ko na ito. Nakakainis naman na. Kanina pa text ng text. Di ko naman maintindihan ang sinasabi.

To: Unknown

-sino ka ba?! Ang lakas ng loob mo na sabihan akong may utang sayo?? FYI. Mayaman kami kaya wala akong utang kanino man!

Message Sent!

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya..

Fr: Unknown

-Im Kiel Lopez. The one and only. Ang gwapong siniraan mo ng kinabukasan!

Syeeet!! Si THE-ONE-ONLY-GUY pala eh. Ang gwapo ng pangalan niya! Gwapo na nga-- ano ba mga pinag-iisip mo ha Maliah?? Yak lang!

Teka! Yung kaninang lalaki?! Yung nanghalik sa cheek ko?! Siya!? Yung panget na iyon?!

'Kakasabi mo lang gwapo kanina tas panget na?' Konsensya ko

Che! Panget sya! Basta!

To: Panget KLopez

-Di ko na kasalanan yun kung sira na. Saan mo nakuha number ko? Siguro stalker kita nuh?! At bakit mo rin ako hinalikan sa cheek ko!? Manyak ka!

Nagkalahating oras na ng di parin nagrereply sya sa akin. Haha nice one, Maliah!---

/Ring.Ring.Ring/

Sino naman ba itong natawag? Kanina text ngayon call na?

Panget KLopez Calling...

Sasagutin ko ba o hindi?

Sasagutin! "Oh?" Bungad ko

"What did you say earlier? Im stalking you? In your dreams, Maliah Rose Cruz" Siya sa kabilang linya

"Stalker ka! Hindi ko sinabi sayo ang pangalan ko!" Ako

"Sabihin na nating Stalker ako pero mas nababagay ako sa ADMIRER dahil gwapo ako." Alam kong nakangisi sya ngayon.

"Tss!"

"You have a soft cheek ah?" Siya!

Ahhhh!! Naalala ko na naman ang kanina!

"Bwisit ka! Lagot ka sakin pagnaglita ulit tayo! Babasagan na talaga! Kinuha mo ang first kiss ko sa cheeks! Walang modo! Manyak pa!" Sigaw ko sa kabilang linya dahil kanina pa ako naiinis.

Tumawa siya sa kabilang linya "we'll see, Rose.."

Did he call me ROSE??! tama ba ang rinig ko??

"DON'T YOU DARE CALL ME RO--toot.toot.toot"

"AARRRRGGH!!" Naihagis ko na lang ang cellphone ko sa kama dahil sa inis.

Asar! Ang ayaw ko sa lahat yung pinapatayan ako! Gusto ko ako ang nagpapatay! And don't call me Rose kung gusto mo pa mabuhay!

I dialled his number..

Nakakaisang ring palang ng sinagot na niya..

"Miss me---" sasagot pa sana siya kaso inunahan ko na siya.

"DON'T YOU EVER CALL ME BY ROSE OR ELSE I'LL KILL YOU!! AND ONE MORE THING...I WILL BE THE FIRST TO HANG THIS CALL--toot.toot.toot" sabi ko sabay end ng call conversation, walang hingahan ata yan eh. Hahaha! Masaya na ako sa ginawa kong yan.

Hindi dapat pinapatayan ng tawag ang isang katulad ko dahil ako dapat ang dapat na nagpapatay kasi wala kayong karapatan!

_____________________________

Please Do Votes and Comments ☺☺☺

KIEL LOPEZ in the media here------>>

@4evermarki11

CLASH BETWEEN GIRLS AND BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon