Papalapit na sya sakin. Hindi ko na lam yung gagawin ko. Parang na-stock nako sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko ng bumitaw sa relasyon na matagal kong pinanghawakan, inintay, at pinaghirapan. Parang gusto ko ng bitawan si Rendel na minahal ko at alam ko namang mahal ko parin hanggang ngayon, pero sobrang daming gumugulo sakin.
Simpleng babae. Di katangkaran, di din naman kagandahan kung titignan, medyo matalino, at boyfriend si Rendel Desacada na isang sikat sa school namin sa pagiging varsity nya sa basketball. Ako nga pala si Princess Layd Lucas. Na ngayong namomroblema kay Rendel na mahal na mahal ako pero di ko na masyadong maramdaman. Anggulo ko no? Pero bago pa naman kami mapunta sa ganito. We've been happy for so long with each other just like we are only the people who is alive and leaving on Earth.
First year high school palang ako nun, si Rendel naman 2nd year. Ahead sya sakin ng 1 year. Magkakilala na kami since Elementary days, pero pagtungtong ko sa High School naging mas close kami. Yung tipong every break time namin pupuntahan nya ko para magkausap kami. Minsan sinasabayan nya ko sa pag uwi kasi iisa naman yung destinasyon namin. At hanggang sa isang araw pumunta sya sa room namin, hind ako nage-expect ng kahit ano kasi ambata bata pa naman namin para dun, what I mean is, sa LOVE-thingy.
"Hi Layd! Pwede ba kitang makausap?" shemay. Kinakabahan ako. Bakit ganito yung nararamdaman ko. Mixed emotions. Relax Layd, Relax.
"Oo naman Rendel. Saka kinakausap mo na naman ako diba?" nagbiro nalang din ako kasi parang kahit yun palang yung mga salitang lumabas sa mga bibig namin parang ambigat bigat na ng nararamdaman ko tungkol don sa sasabihin nya.
"Layd, Pwede ba kong manilgaw?" yun na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya pala ko kinakabahan. Pero anong isasagot ko? Ipagpapalit ko ba yung pagkakaibigan namin sa pagiging mag-on?
Layd. Isip. Isip. Pag sinagot mo sya magkakaron at magkakaron ng wakas yun pero pag nag stay kami sa pagiging magkaibigan, endless yun. Pero may possibility din na maputol na kasi mabu-busted sya sakin. Di ko na alam yung gagawin ko. Di ko nalang namalayan yung sarili ko na tumango sa kanya bilang sagot.
"Layd? Does it mean, pinapayagan moko manligaw sayo?" Napuno ng ngiti yung labi at mukha nya. Makakatanggi paba ko sa gwapong nilalang na 'to.
"Oo Rendel." Yun nalang yung nasabi ko kasi biglang dumating yung bestfriend ko na si Cheska na ngiting ngiti din at umirit.
"YIEEEEEEEEEEEEEEE! My Gosh beshi. Ang poging ito?! Manliligaw sayu?!?! oy Rendel bakit hindi ako? Bakit? Ano bang meron sya na wala ako? Sabihin mo" hayy. Talaga tong bestffriend ko sobra magdrama. Daig pa si Bea Alonzo. -___-
"Beshiii. Tama na nga, nakakahiya kay Rendel."
"Ah ganon Besh? Kinakahiya mo nako?" nagkatinginan kami tapos, sabay taw ng malakas.
yan yung mga bagay na ginagawa namin pag magkasama kami nitong beshii kong makulit. TUMATAWA NG SOBRANG LAKAS. yung tipong pagtitinginan kami ng ibang estudyante, pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan! <3
--------
Nagstart na sya manilgaw. Super effort sya. Kahit ako di naman masyadong nagpapakita ng motibo na sasagutin ko sya kasi ano banamang alam ko sa LOVE na yan. Simula lang ng dumating sa buhay ko Rendel dun ko lang nalaman ang totoong kahulugan nito.
Sinong magpapadedicate? ='')