Beginning and The End

74 0 2
                                    

Siguro naman na-inlove na kayo diba? At alam nyo na rin yung feeling ng masaktan...

                                                                                                                                October 17, 20**

ANG SAKIT LANG </3

Kase sana hindi ko na lang sya nakilala..

eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Dati naman, balewala lang sya sakin. Sana pala hindi na ko nagpunta ng guidance ng mga oras na iyon.. dun ko kasi siya nakita ng malapitan. Parang na love at first sight ako eh. Ay mali.. let me rephrase it. crush at first close up sight.

Bakit ko pa kasi sya nakilala?

Alam ko, mali na mag-expect ako. Pero nagmahal lang naman ako ah? Mali ba yun? Kasalanan pa rin ba yun?

Siguro nga kasalanan ko pa rin.

Sana, in the first place hindi ko na lang sya kinilala. Sana di ko na lang sya in-add sa facebook. Sana di ko tinignan lahat ng pwedeng malaman tungkol sa kanya. Sana hindi na lang ako nag-post sa wall nya. Sana hindi ko na lang ako nagmessage sa kanya. Pati sana hindi ko na lang hiningi yung number nya. Ang kapal ng mukha ko noh? Wala eh, nagmahal lang. Kasi diba globe sya.. at ako naman itong saksakan ng katangahan., nag-globe din para lang maka-text sya. OBSESSED much ba?

Ang daming SANA... pero minsan, naisip ko..

Bakit ko ba sya sinisisi?

Wala naman syang ginawang masama sa'kin diba? Eh kaya ko nga siya nagustuhan kasi ang bait nya eh.

Sino ba naman ako para umasang magustuhan nya?

Nung una kasi akala ko hindi ko sya mamahalin... akala ko hanggang crush lang ang lahat.

Pero habang tumatagal.. hindi ko na namamalayan na sa pagdaan ng mga araw, nahuhulog na pala ako sa kanya.. na akala ko ay pag-hanga lang. Yung feeling na sa twing makikita ko sya sa school campus, biglang lumalakas yung tibok ng puso ko. Akala ko normal lang yun kasi crush ko naman sya.. eh MALI na naman ako eh. Halos 2 months na rin kaming nagkakatext... at lalo pa akong nafafall sa kanya. Bawat text nya sa'kin.. lagi ako napapangiti. Syempre. crush mo nga eh diba? Kahit simpleng "Gud morning. . . ." nya, buo na ang araw ko. Sya na nga rin ang nagiging dahilan ng pag-pasok ko sa umaga eh. May training kasi sila, varsity you know. :"D Nagpapansinan na rin kami nun. Nagngingitian. Syempre kilig na kilig ako :"> Minsan nga isang gabi nun, habang pauwi na ko. Nakasalubong ko sya sa may quadrangle. Nagngitian naman kami. Paalis na sana ako ng bigla niyang sabihin,

"Edi ikaw na bagong gupit."

Syetness. Perstaym nya ko kinausap !!! Imagine that ?!! Parang sasabog puso ko nun sa tuwa.

Siguro nga tama ang bestfriend ko.. OBSESSED na nga ako sa kanya. Ewan ko ba? Bakit ko ba sya nagustuhan? Mabait kasi sya.

Kaya lang..

nagbago ang lahat.

Nagbago lahat ng kilig at masasayang pangyayari between us. Napalitan yun ng SAKIT. :"( 

Yung feeling na makita mo siya isang araw, may kasamang iba... </3 ang sakit. Iba yung feeling.. hindi katulad ng pag nadapa ka at nagkasugat. As in iba. Matagal ko na ring hindi nararamdaman yung ganito since my last break-up.

Pero no regrets naman.. Kahit nasaktan ako,

umiyak ng maraming beses,

matulala kapag nagkaklase kakaisip sa kanya,

di ako nagsisisi...

Dahil may isang bagay akong natutunan mula sa kanya.

.

.

.

.

.

"Don't expect and assume too much." 

Hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo. May mga bagay lang talaga na sadyang hindi para sa'yo. </3

----------------------------------------------------------------------------

Tapos na po ito. :) Gusto ko lang mag-share. Yun lang. :))

Thankyou po sa nagbasa. Ü

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon